Chapter Twenty One - INFINITY DRUGS

3.8K 68 5
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Dric's POV)

Gagong tomboy! Kanina ko pa tinitiis na di siya bigwasin eh. Pero ngayon di ko na talaga kaya kaya tumayo na ako tas hinila nalang siya bigla kaya napatayo naman ito. Nagsukatan kami ng tingin tas maya maya---

"Peste ka Angeline!" Sigaw ko ng mahila ko ang buhok niya at pinagbuholbuhol.

"H-Hoy pre! Hoy gago! Peste ka din wag mong buholbuhulin, tang*na!" Sigaw niya din.

Hindi talaga ako nananakit ng babae. Dapat nga masaya siya kasi di ko siya sinuntok! Binuhaghag ko lang ang buhok niyang mala-sudako.

Habang pinagdiskirtahan ko ang buhok niya at sinasabunutan naman ako. Tang*na nagmumukha akong bakla nito. Nakikipag-away ba naman sa babae?

Wala akong pake! Gusto ko siya awayin peste siya! Bakit niya sinabi ang linyang iyon kay Shann? Iyon kasi ang dahilan kaya din nag-aaway kami ni Brylle. Butu nalang wala dito sa bahay si Brylle kundi lagot ako nito kasi inaway ko raw ang tomboy niya.

(Shann's POV)

Mga ilang minuto din sila nag-aaway sa harap ko. Grabe ang tindi ng tawa ko nun. Akalain niyo yun? Ang astig ni Dric makipag-away sa babae?

Pero uwahhh basta nasasaktan ako. Para akong sinaksak sa puso ng ilang beses nung sinabi ni Geline (Angeline) na Ex at First daw siya ni Dric. At ito namang kamay ko bigla ba namang sinampal si Dric. Ehhh kasi eh nagsinungaling si Dric. Ayy akala ko lang pala na nagsinungaling siya.

"Tang*na mag-explain ka!"

"Ayaw ko nga!"

"Aba gusto mo magkaround two?!"

"Sabi ko nga mag-eexplain ako"

Mga away nila. Tumungin naman si Geline sa akin at biglang hinawakan ang kamay ko. Mas nabigla naman ako ng biglang inablot ni Dric ang kamay ko na hawak kanina ni Geline.

"Gago, wag lumandi!" Sigaw ni Dric. Tumawa naman si Geline na kunti nalang gugulong na ito sa kakatawa.

"Ex-enemy niya ako at First best friend na tomboy. Yan ang ibig kong sabihin" explain ni Geline. Wahhh akala ko talaga Ex girlfriend siya ni Dric tas yung First-- wahhh first sex. Napapout nalang ako. Ang oa ko talaga masyado eh.

"Woahhh ayaw ko sa iniisip mo, Shann ha. Hahaha yucks lang" sambit pa niya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ehh? Mind reader ba ang babae na ito? Hala bat di ako nainform na may ganun sa mundo?

Napatingin naman ako kay Dric ng tumawa siya ngunit mahina lang. Umiling naman ito at ginulo nalang bigla ang buhok ko.

"Halata sa mukha mo, Wife na ganun ang laman ng isip mo. Like tomboy said-- Yucks!" Nandidiring sabi ni Dric. Mas humaba pa ang nguso ko. Halata ba talaga? Tumango nalang ako bilang sagot at lumapit sa kanya tapos ay hinalikan siya ng panandalian. Narinig ko pa ang hiyaw ni Geline na kinikilig pero nandidiri.

Napatitig naman ako sa mga mata ni Dric na nagtataka sa mga ginawa ko. Ngumiti muna ako bago magsalita.

"Peace offering. Sorry nasampal kita po ehhh akala ko kasi--" nahihiyang bulong ko. Yumuko ako para mahalikan niya ng noo ko. Di naman ako nabigo. Hinalikan niya naman ao dun eh.

"It's ok, Wife I love you" yiee kinikilig ako. Answeet sweet talaga ni Dric. Inangat niya naman ang mukha ko. Tapos maya maya unting bumaba ang tingin niya sa labi ko. Sa oras na iyon hahalikan na niya ako at wahhh ito na nga. Ito na-- ito na-- ito---

"Awieeee gago wag masyadong PDA, pre!" Reklamo ni Geline kaya napalingon naman kami sa gawi niya. Binato pa niya ang unan kaya sumapol sa mukha ni Dric. Ahahaha!

Galit na tumayo si Dric at handa na sanang sugurin si Geline na tawang tawa. Ibabato ulit sana ni Dric ng unan nito ng biglang sumeryoso si Geline.

"Shann, nalaman ko na may problema sa iyo? Am I right? Sabi kasi ni Dric na you can't resist, you can't control yourself for being in lust" pagsisimula ito. Kahit nahuguluhan ako kung bakit alam niya ay tumango nalang ako. Bakit niya ba alam? Diba sabi niya kanina isa siyang doctor? Ehhh anong klaseng doctor ba siya?

Narinig ko pa ang malalim na panghinga ni Dric kasabay ang pag-upo niya.

"I'm here to help you, Shann. Imposible man pero posible talaga yun. Gulo ba? Well this is the basic information. Inaaral ko o namin ang mga drugs and bloods. Like anong side effects ng isang drugs pagtinuturok sa isang tao. Then syempre some doctors or scientist kumbaga ang nag-experiment ng isang drugs. Iba yun. Parang party drugs iyon but-- mas sobrang delikado yun. Drugs yun na nagpapa-addict sa isang tao na magsex sa kahit anong oras. Parang gutom sa pangangailagan ng katawan--" pabitin niyang sambit dahil sa nakita niyang natigilan ako. Bakit niya ba sinasabi ito? May connection ba iyonsa mga nangyayare sa akin ilang araw o buwan na ang nakalipas?

"D-diba sabi mo may ginawang drugs na ganun? Binibenta na ba dito?" Tanong ni Dric. Tumango naman si Geline pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin sa akin.

"Nagbibili na yun dito sa bansa natin but sa mga taong may pera lang iyon binibinta. Ang ibig kong sabihin di iyon nabibili ng isang botika diyan. Hindi allowed yun at pwedeng kasuhan ang isang bilihan ng mga gamot na nagbebenta ng ganung drugs sa mundo. So patago iyon na binibinta" mahinahon niyang sambit.

"Ang drugs na iyon ay tinatawag na Infinity Drugs. Well-- infinity na nga so meaning tuloy tuloy ang pagiging adik sa sex-- woahh buti nalang pala di bumili yun si ugok para ipainum sa akin. Nako puputulin ko ang kinabukasan niya!" May halong sigaw ni Geline sabay suntok sa hangin.

Napayuko naman ako at nag-isip isip. Bakit parang pakiramdam ko--- nadrugs ako? P-pero paano? S-siguro nagkataon lang na similar effects err-- sh*t? Wala naman akong nainum na drugs ah. Mas malala pa pala sa gayuma iyon. Wahhh naguguluhan ako.

Napaangat ang tingin ko ng biglang hinawakan ni Dric ang kamay ko sabay pisil nito. Parang may gusto siyang sabihin pero-- ano naman iyon? Teka napansin ko lang--- bakit may doctor na tulad ni Geline sa pamamahay na 'to? Anong meron? Bakit? Doctor ko siya diba? Pero anong gagawin niya sa akin?

Parang alam naman ni Geline ang iniisip ko kaya kusa na itong sumagot sa mga katanungan na ngayon ay masasagot na.

************************************

Huwat? Ano? Chos lang. Masasagot na ang lahat ng tanong. Pero may isa pang tanong-- may iba pa bang dapat malaman si Shann at si Dric?

Abangan at subaybayan hanggang sa susunod 😂

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon