Pa-Insert 😂 short cute story 😊💙
************************************
"Hate to Love"
************************************
Ako nga pala si Venix, labing anim ng nabubuhay na gwapo sa mundong ginagalawan natin. Hindi sa mahangin ako, ha? Totoo talaga iyon.
Iyang boyfriend mo? Mas gwapo pa ako niyan. Huwag na umangal! Guso mo mahalikan? Ano?
Habang naglalakad ako dito sa hallway ay nahagip ng paningin ko si Sylphyn.
Isang babae na ikinainisan ko at pinaka ayaw ko sa lahat. Bakit? Ikaw kaya ang magising nalang na kasal ka na sa babaeng di mo naman lubos kilala at lalong lalo na hindi mo mahal? Oo, asawa ko siya.
Para malaman niyo kung bakit ayaw ko sa kanya? Ito kasi yung 'Ideal Girl' ko yung balingkinitan, matalino, maintindihin at yung mahiyain. Galit ata ang kapalaran sa akin, eh. Isang madaldal, baliw, nakakatawa, tamad at ito pa, ha. Sobrang manyak!
Napatigil naman ako sa pag-iisip ng biglang may kumalabit sa akin. Pagkalingon ko si Sylphyn lang pala.
Nga pala nakalimutan kong sabihin na kahit ayaw ko sa kanya nagustuhan ko naman yung mapagbigay, minsan hmm mapagkumbaba at saka dahil nga makapal ang mukha ng babae na ito, palakaibigan yan.
"Nakatulala ka diyan? Ayieee kyaa mahal mo na ako, nuh?" Napangiwi nalang ako dahil sa sinabi niya. At dahil sa matangkad ako at pandak siya madali ko lang napipitik ang noo niya.
"Aww! Mapangpanggap sa feelings! Hmmp!" Sabay irap pa. Aba over confidence din itong babae na ito, eh.
"Sipain ko yang malaki mo, eh" nakangisi niyang sambit. Oh diba? Ang manyak!
Tinakpan ko nalang ang ano ko baka sipain jiya talaga, eh. Lagot na. Tumawa lang ito na para bang wala ng bukas. Kulang nalang humiga sa sahig.
Nang matapos siyang tumawa ay inabot niya sa akin ang isang bracelet. Alam ko na siya ang gumawa nun. Malikhain kasi din ito kahit manyak ito.
Napangiti nalang ako dahil lage talaga siya ganyan sa akin kahit alam niya na ayaw ko talaga sa kanya. Masaya ako kasi dahil sa akin kang siya naging tapat.
Nakangiti ko itong itanggap at tinitigan ito. May dalawang pendant ito isang heart at letrang S. Sylphyn siguro ang meaning. Bumaling agad ang tingin ko kay Sylphyn na hirap na hirao na isuot ang isa oang bracelet na para sa kaya. Yung bracelet niya at may heart din at isang V meaning Venix.
Sa di ko alam ang dahilan bigla ko siya hinalikan sa noo na ikinagulat niya naman. Hindi naman ako nahiya dahil dinama ko talaga ito. Bigla ko nalag naisip na---
'Di ko hahayanang mawala ang mapagmahal na babae na nangangalang Sylphyn'
THE END
************************************
Awieee thanks kung binasa mo ito. Ahahaha! Gege gawa na ako ng chapters
BINABASA MO ANG
DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)
RomanceAng kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong...