Chapter Seventeenth - SORRY FOR STACEY

4.3K 68 0
                                    

CHAPTER SEVENTEENTH

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Shann's POV)

Dalawang araw na ang nakalipas mula mangyare na di ko inaasahang alam pala niya lahat. Alam ko gusto niya magalit sa akin pero yun pa rin siya. Hindi nga siya nagalit pero di niya naman ako medyo pinapansin. Para bang iniwasan ako? Feeling ko kasi iniiwasan niya ako. Di ko naman masisisi kung talagang iniiwasan niya ako. Nalulungkot lang ako kasi unting unti ng may nagbago sa relasyon namin.

Napatingin ako sa lalake na ngayon ay inaasikaso ako ngunit hindi man lang niya ako tinatapunan ng kunting tingin. Batid ko na iiyak na ako ng wala sa oras kaya itinuon ko na lamang ang tingin ko sa telebisyon.

Kahit nakakatawa yung palabas ay di ako tumawa. Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na napabuntong hininga siya.

Gusto ko siyang yakapin at humingi ng patawad kahit paulit ulit na ako.

Hayaan ko nalang muna siya dahil panigurado ayaw pa niya na kausapin ko siya.

KITCHEN

Nandito pala kami sa kusina habang inaabangan ang susunod na galaw ni Dric. Alam niyo ba yung feeling na parang prinsesa ka dahil ikaw lage ang inaasikaso niya? Ganyan ang feeling ko ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako dahil imagination ko lang pala lahat ng iyon. Hindi pala ako isang prinsesa. Parang isa akong witch, eh. Witch ako na inaasikaso ng isang prinsepe. Hayst.

"Shann" malamig na boses ni Dric. Nakita ko na diresto ang tingin niya sa mga mata ko. Ilang sigundo din iyon bago niya binawi ang tingin niya.

Bumaba ang tingin ko pagkatapos niya ako iwan sa kusina. Napagdesisyonan ko nalang na inumin ang tinimpla niyang gatas para sa akin at kainin ang niluto niya.

Maya maya ay biglang dumating ang mommy niya na masayang tumingin sa akin. At bilang respeto ay ngumiti ako.

"Shann, Hija. Napansin ko na nanlalamig na si Dric sayo. May problema ba kayo?" Tanong ng mommy niya. Bilang mabait na bata ay tumango na ako kasi ayaw ko na magsinungaling. Ayaw ko na.

Tumulo naman bigla ang luha ko ng maalala ko na ako pala ang dahilan kaya may problema kami. Ang gaga ko talaga, eh.

Naramdaman kong hinahagod ni tita ang likod ko.

"Sorry tita" paumanhin ko. Nakaramdam kasi ako ng hiya dahil sa ginawa niya. Ngumiti lang sa akin si tita at sabay hawak sa buhok ko. Napapikit naman ako dahil sa bagong pakiramdam ko. Isa itong pag- alaga ng isang ina.

"Alam mo ba kung bakit nandito kayo?" Panimula ni tita na patuloy na hinuhimas sa ulo ko. Umiling lang ako bilang sagot.

Di ko naman talaga alam kung bakit nandito kami, eh. Diba dapat nasa condo niya kami?

"Hindi ko man alam ang buong pangyayare, Shann. Alam ko---" pabitin niyang sambit. Hinawakan naman niya ang pisngi ko.

"Alam ko kaya ginawa niya lahat ng ito because he wants you to keep safe and also my apo" napaiyak naman ako sa mga naririnig ko.

Safe? Dahil ba ito sa lahat ng nangyayare? Sila Dylan at Caleb? Alam ko may kaya silang gawin pero di ko naman maisip na kailangan ko nasa safe place ako. Nakakaguilty tuloy dahil marame akong binigay na problema ni Dric.

"Alam mo, Hija. Kahit nanlalamig man yan? Di ka niya kayang tiisin" sambit pa niya ito. Tumango tango lang ako ng parang bata sabay punas ng mabasang pisngi ko.

"Honey! Alis na tayo!" Sigaw ni tito mula sa labas.

"Oh siya-- aalis muna kami. Tawagan mo lang ako kung may problema ha? Dont you worry di ka makakadisturbo" sabay halik niya sa noo ko. Bago siya umalis ay ngumiti lang ito ng matamis.

Nang makaalis na sila ay napatulala nalang ako. Paano? Kailan kaya babalik ang Dric ko?

(Caleb's POV)

Ilang araw na ang nakalipas mula nung trahedyang itinulak ni Stacey si Shann. Mula noon di ko na nakikita si Shann. At hindi ko siya mahanap dahil wala siya bahay niya at sa condo ni Dric.

Masamang araw ito sa akin dahil di ko man lang nakausap si Shann sa mga ilang araw na lumipas.

Napabuntong hininga ako bago tumayo at tumungo na sa labas.

"Caleb Dominguez saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang leksyon ko!" Sigaw ni Ma'am Filipino. Hindi ko nalang pinansin iyon at diret-diresto na lumabas. Malapit din naman magbell, eh.

Habang pababa ako ay biglang sumalubong si Stacey. Nagulat ako ng kunti dahil sa naging hitsura niya. Para siyang walang tulog sa lagay niya, eh. Bumalik ang ulirat ko ng marinig ko siyang nagmakaawa.

"Caleb please forgive-- gagawin ko ang lahat a-ano ba gusto mo? Magbago ako? O-ok gagawin ko please j-just forgive me" tuloy tuloy niyang sambit. Hinawakan niya naman ang kamay ko kaya lang ay winaksi ko ito.

Naaawa ako sa kanya pero di ko pinahalata. Naglakad ulit ako ngunit hinawakan niya na naman ang braso ko kaya't napatingin naman ako sa kanya.

"C-Caleb" bulong nito at yumakap sa akin ng walang paalam. Hindi ako naiilang dahil sa sanay na ako sa kanya na yakap ng yakap sa akin noon. NOON na meron pang kami-- uhh no scratch that. Pretending Lovers lang pala kami. Hindi lang niya alam at dahil sa alam na niya wala ng patutunguhan ang pagpapanggap ko, diba?

"Stacey I can't forgive you! After all you do to Shann?! Ganun ganun nalang? Paano nalang kung mawala ang baby ha!" Sigaw pagkatapos ko siya itulak. Napaupo naman ito sa sahig.

"I-Im so sorry, please" pakiusap pa niya. Bigla naman tumunog ang bell hudyat na break time na. Hmm BREAK TIME? So its time to break her heart, again.

Nilahad ko ang panyo ko sa kanya. Umangat naman ang ulo niya at lipat lipat na tumingin sa akin at sa panyo.

"Again-- BREAK NA TAYO OUR F*CKING RELATIONSHIP IS DONE, ITS OVER" madidiin kong sabi sa kanya. Di ko na hinintay ang sagot niya at ako na ang nag- adjust. Pumantay ako sa kanya sabay kuha ng kamay niya at doon ipinatong ang panyo.

Pagkaraan ay tumayo na ako at iniwan siyang mag- isa sa hagdan

'Sorry pero di ko talaga kayang mahalin ka, Stacey' sa isip ko.

Ngayon hahanapin ko nalang muna si Shann. Namimiss ko na siya-- gusto ko na siya makuha para sa akin na siya--- kasama ang magiging baby namin.

************************************

Yow done na wahahaha! Wait ulit sa next Chapter!

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon