Chapter 25 - PAIN AND HAPPINESS

3.2K 53 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Dylan's POV)

Argg! Bwesit! Saan ba kasi tinago ni Dric si Shann?! The f*ck di ako nakikipaglaro ng tagu-taguan! At heto pa sobrang bwesit. Ipapakasal na ako sa babaetang na sinasabi ko sa iyo nun. And of course di ako pumayag sinabi ko kay mommy at daddy na may anak na ako-- na si Shann ang ina ng magiging baby namin.

Napangisi ako dahil naalala ko na gusto nilang makita si Shann at kung makasiguradong buntis nga ito-- edi ikakasal na kami. Easy! Ang dali lang! Matutupad na din anf pangarap ko kasama si Shann at magiging anak namin.

Nandito pala ako sa school at nagbabasakaling papasok ulit si Shann at ---

"Kung siniswerte ka nga naman" bulong ko at umiling iling. Napatingin ako sa kotse kung saan pumasok silang Shann at Dric. Iba na pala ang kotse na  ginamit ng gago ah? Tsk. Siguro nga di ko pa siya kilala pero-- hindi niya ako maisahan. Matalino ata to.

Nang makitang umandar na ang kotse nito at medyo malayo na sa kinaroroonan ko ay sinundan ko sila. Syempre nagkokotse din ako nuh.

"Dylan Gabio, here I come" sambit ko sabay kagat sa ibabang labi ko.

Nakangisi pa rin ako habang sinusundan ang kotse nila. Tsk wala silang kaalam alam na sinusundan ko sila.

(Third Person's POV)

Habang nagmamaneho si Dric ay napapasilip siya sa side mirror kung saan nakita niyang nakasunod ang kotse ni Dylan. Alam niya si Dylan iyon kahit di niya nakikita ang pigura na iyo. Nagpanggap na lamang si Dric na hindi niya nakita iyon ngunit di mawala ang ngisi sa kanyang labi.

'Follow the leader' natatawa niyang sabi sa kanyang sarili.

Niliko niya ang manubila sa kaliwa upang iliko doon. Tumingin siya sa side mirror kung totoo bang nakasunod pa din ito at hindi naman siya nagkakamali.

"Bakit dumaan tayo dito?" Takang tanong ni Shann habang nagtatakang tumingin sa daan bago tumingin kay Dric na nakangisi.

"Dric-- ang layo na natin" sambit pa niya. Napaikot ikot naman ang tingin niya mula sa harapan, bintana, at sa likod. Pakiramdam niya ay balak na iligaw ni Dric ang kotseng nakasunod sa kanya kaya di na siya nagtaka kung bakit doon sila dumaan.

Ilang sandali lang ay tama nga ang lahat-- iniligaw niya ang kotseng kanina pang nakasunod.

Napatitig naman siya ni Dric na tawang tawa at umiiling iling pa.

Sa isip niya 'Anyare dito? Bigla nalang tumawa'.

"Uwi na tayo" masayang sambit ni Dric sa kanya at hinawakan pa ang kamay ni Shann sabay halik dito.

"Akin ka lang, diba" dugtong na tila nagtatanong pero hindi (A/N: haha gets niyo? Sabi ko nga hindi 😂). Tumango naman si Shann at napangiti.

"Akin ka lang din, Dric" sagot niya at lumapit ng kunti kay Dric sabay halik sa pisngi nito ng buong pagmamahal.

Sa kabila naman ay galit na galit na hinahampas ni Dylan manubela dahil sa hindi niya nasundan ang kotseng sinasakyan ni Shann at ni Dric. Galit na galit siya kay Dric dahil naligaw siya nito. Nakakainis man isipin ngunit nauto siya ni Dric.

"Tang*na ka, Dric!" Sigaw niya. Napapikit nalang siya at hinilot ang sintido nito. Parang sasakit ang ulo niya. Ngunit di pa rin maalis sa kanyang isipan ang nangyare sa kanya ngayon.

"Mahahanap at mahahanap ko si Shann, Dric. Kukunin ko siya! Akin siya! Akin lang siya at walang iyo! Walang sa inyo ni Caleb!" Mga sigaw niya sa loob ng kotse nang maging maayos ng kunti ang kanyang pakiramdam. Walang makakapigil sa kanya. Dahil lahat ng gustong pwedeng gawin para lang kay Shann? Gagawin niya.

(Caleb's POV)

"Hey! Caleb huwag ka naman sumugod doon ng lasing!" Sigaw nito ngunit hindi ko siya pinakinggan. Bahala na basta makuha ko agad si Shann.

Napatigil ako sa tapat ng bahay nila Dric. Nalaman ko kasi na dito niya tinago si Shann. Paano ko nalaman? Pinapahanap ko sa isa sa pinagkatiwalaan ko. Tang*na, you don't need to know the name!

Bumaba na ako sa kotse at napatingala sa malaking gate. Mapapa-sh*t ka nalang dahil sa sobrang taas, eh. Sana ginawa nalang nila itong great wall. Tsk!

Pagkatapat ko sa gate at pahirapan kong inabot ang door bell dahil sa medyo nahihilo ako. Hindi ako lasing! Nakainum lang!

DOOR BELL RANG

Tang*na ang tagal nila magbukas ng gate! Napadesisyonan ko nalang na mgsigaw sigaw baka sakaling may magbukas ng lestseng gate.

"Dric! Hoy gago! Buksan mo itong gate! Tang*na ilabas mo ang Shann ko!" Sigaw ko sabay hawak sa railings ng gate. Sumigaw lang ako ng sigaw hanggang sa marinig ko at pagpark ng kotse. Napatingin naman ako at nakita ko ang pagbaba ni Shann.

"Shann!" Masayang sigaw ko habang daling daling lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Parang nawala ang lasing ko ng makita ko siya at makayakap. Sobrang namiss ko ang babae na ito. Ilang araw din kaya iyon.

"Caleb--"

"P*ta Caleb! Huwag mong yayakapin ang asawa ko!" Sigaw ni Dric at marahas akong hinila dahilan na mapahiwalay ako sa yakap. Nang makaharap ko si Dric ay bigla niya akong sinuntok. Natawa naman ako kasi-- asawa? Pftt nakakatawa!

"Girlfriend mo lang si Shann hindi ASAWA!" Pagdidiin ko sa asawa habang nakangising nakatingin sa kanya. Kita ko na sasabog na siya sa galit kaya sinugod na naman niya ako at pinagsusuntok. Sinuntok ko din siya pabalik.

"Tama na!" Pagtitigil ni Shann sa amin ngunit walang gustong tumigil. Gusto ko ng basagin ang mukha niya dahil nakakarindi! Nakakainis! Dapat nga mawala na siya mundo!

Susuntok na sana ako ng maunahan niya ako kaya naibagsak niya ako ng isang iglap lang.

"Hindi mo siya maagaw tang*na mo!" Sigaw niya pagmumukha ko. Hawak hawak niya ang kwelyo ko pero nakangiti ako ng nakakaasar.

"Are you sure about that? Haha maagaw ko siya sayo, Dric! Akin lang siya! Akin lang ang mag-ina ko!" Sigaw ko din.

"Dric t-tama na" awat ni Shann ng akmang susuntukin ako ni Dric. Natawa naman ako kasi sobrang galit ang makikita mo sa mukha ni Dric.

"Wala ka anak! Gago walang iyo!" Galit na sigaw nito. Imbis na matawa ulit ako ay natahimik ako ng marinig ko ang katagang nagpapakaba sa aking dibdib.

************************************

Omo! Ano naman kaya iyon?

Huwahhh ito na oh pls lang mag reply kayo sa ud. Hayst ano ba naman yan ang hirap ba iclick ang reply?

Kung madumi ang inyonh utak pwes diyo panatalihing malinis.

REPLY BOX POLICY Samantha Pasague

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon