Chapter Thirty Two - BLACKLIST

2.3K 38 0
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Dric's POV)

Pagkarating ko sa bahay ay hinatid ko agad si Shann sa kwarto namin. Bilang asawa kailangan ko siya unahin bago ang iba. Nang makasiguradong tulog na siya ay hinawi ko ang braso niya na nakayakap sa bewang ko. Dahan dahan baka magising siya.

Napatitig naman ako sa mukha niya at di mapigilang maikuyom ang kamao ko. Galit na galit ako sa may gawa nito. Ginawa nilang adik si Shann. Mas higit pa sa isang ginto si Shann kaya di ko kayang iwan siya.

Bago ako tumayo ay hinalikan ko muna siya tapos ay binulungan siya.

"I love you" pagkatapos ay umalis na ako sa kwarto. Nang makababa na ako nakita ko naman na nakatalikod na tao sa sala at ramdam ko ang tensiyon.

Napaharap naman sila lahat sa akin ngunit napansin ko wala si Stacey. Kunot noo kong tinignan ang lalaki na may pasa sa mukha. 'Sino naman ito?' tanong ko sa sarili ko.

"Si Stacey?" Tanong ko at nilibot ang tingin sa ibang lalaki. Anim na lalaki ang kasama niya tapos may isang babae.

"She's engage with someone" sagot ng kaharap ko. Nanlaki naman ang mata ko.

"What? How? Bakit?" Tanong ko. Ang bilis naman ma-engage ng babae na iyon. Eh diba? Kakahiwalay lang nila ni Caleb? Ang bilis naman ata na makamoved on.

Tumingin ako saglit kay tomboy. Nandito pala siya di lang halata anliit kasi nito tas parang teddy bear din.

"Because of this--" sambit nito at tinaas ang isang case bag. Tang*na ganyan pala kaimportante ang blacklist? Ilalagay diyan? Napaupo naman ako sa susunod kong narinig---

"And dahil kay Shann ----at Caleb" Dugtong niya. Ano? May kapalit pala ang lahat pagkukunin ang blacklist? She is Madrigal at kaya niyang gawin ang lahat pero bakit ang Madrigal ang naging kapalit? Ow! Muntik ko ng makalimutan anak pala siya ng Madrigal.

"Nasaan siya?"

"You don't need to know" tumango nalang ako sa naging sagot niya. Baka nandoon siya sa AsianXx. Hindi ko alam kung saan nila natagpuan ang AsianXx pero nagpapasalamat ako kay Stacey. Kahit di niya gusto ay ginawa niya para lang kay Shann-- pati pala kay Caleb. Ang gagong yun sinayang lang ang babae na labis kung magmahal.

"Ehemm" basag sa katahimikan ng tomboy kaya napalingon ako sa kanya.

"May I have the blacklist?" Magalang niyang wika. Ipinatong ng isa sa kanila ang case bag at may kinulikot sa gilid at ng mabukas ito-- dumadagundong ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Kinakabahan ako sa laman ng blacklist ay may saya din dahil ngayon malalaman ko na kung sila Dylan at Caleb ba ay may kagagawan nito.

(Third Person POV)

Mga mukhang nalugi ang makikita ng may ari ng kompanya na siyang binilhan ng Infinity Drugs ni Caleb at Dylan. Bigla nalang tumawag ang AsianXx at binalitang pinutol na nila ang koneksyon nila at pababagsakin ang kajyang kompanya. Ngunit bago binaba ang tawag ay binigyan sila ng pagkakataon upang di tuluyang putulin ang koneksiyon nila-- kailangan nilang maibenta ang drugs sa ibang kompanya at kung hindi man ito bilhin ay kailangang patayin nila kung ayaw nilang sila ang patayin ng AsianXx. Sobrang takot ang nanaig sa kanilang damdamin.

"Mga duwag!" Sigaw ni Dylan at padabog na sinarado ang pinto. Halos magiba na ito.

"Kung hindi niyo na kami matutulungan, kami nalang ang tatapos" malamig na tono ni Caleb ay sumunod kay Dylan.

(Shann's POV)

Minulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang pagbukas sara ng pinto-an. Bumangon ako mula sa pagkahiga at dahan dahan na binuksan ang pinto. Balak ko siyang sundan dahil nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Bigla kasi akong kinabahan ay naisip ko tuloy na pupuntahan niy ang babae niya. Eh diba ganun naman talaga pagbuntis yung asawa, hahanap ng iba ang lalaki? Wahhh huhu baka di na niya ako mahal.

'I love you'

Napapikit ako. Oo nga pala kakasabi pa lang niya na mahal niya ako. Napakamot nalang ako sa ulo ko at binaling ang tingin sa hagdanan.

Humawak ako sa hawakan ng hagdanan sabay unti unting binaba ang paa ko. Habang ginawa ko yun ay hinawakan ko din ang tiyan ko. Ehh baka mahulog si baby Zanellah Arielle hihi. Hindi ko alam kung babae ba pero ramdam ko kasi. Ayy instinct kumbaga.

"May I have the blacklist?" Rinig kong boses ni Gelica ng malapit na akong makababa. Medyo malayo pa ang sala dito ehhh mayaman nga naman diba? Malaki pala ang bahay ng mga magulang nila di ko ba nasabi?

"Is this really a blacklist?" Dinig ko na boses ni Dric. Teka ano ba ang pinag-usapan nila? Ano ba yung blacklist at teka-- may bisita pala?

"Dric si Shann--" pinutol ko na ang sasabihin dapat ng kausap nila---

"Dric" Tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya este silang lahat. Nagulat ko ata si Dric dahil parang nanigas sa inuupuan niya. Lumapit ako sa kanila pero si Dric na yung dali daling lumapit sa akin. Taranta itong humarap sa akin. Ano bang nangyare kay Dric?

"May bisita pala tayo bakit di mo sinabi?" Tanong ko at hinarap yung mga nakaupo. Nakita ko naman sa lamesa ang case bag kaya napakunoy ang noo ko.

"Kanina ka pa? May narinig ka ba?" Tanong niya din. Ehh? Kahit litong lito ay tumango ako. Mas nanlaki naman ang mata niya at halatang kinabahan.

"Narinig ko ang usapan niyo na yung-- yung blacklist? Ano ba yun?

"At--- bakit kilala niyo ako?" Kunot noo kong tanong sa kanila. May mga pasa sila parang binugbog ng bakla. Di joke lang.

Nagkatinginan naman silang lahat at ngumiti sa akin.

"You don't need to know"

************************************

Ayy grabe may sariling linya sila ah. Sino sila? You don't need to know.

Yeyyyy malapit na malaman. Yes! Next I think three or two chaps to go?

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon