CHAPTER THIRTY
************************************
DEADLY SIN
************************************
(Stacey's POV)
Napasandal nalang ako sa gilid ng bintana dahilan para makita ko ang mga nagtataasang building dito sa Europe. Dito ako nagsimulang maghanap dahil malaki ang lugar dito. Mas malaki kasi ang posibilidad na dito eh kasi ang hirap hanapin? Diba? Atsaka instinct ko lang na nandito.
Dahil nga ang lawak ng lugar dito araw araw din ang balitang hindi nakikita ang AsianXx. May mga inutos ako para hanapin iyon pero yun pa rin. Hayts.
Napabuntong hininga nalang ako at napahawak sa dibdib ko. Nandito pa rin ang sakit at pagmamahal ko kay Caleb. Hay! Pag-ibig nga naman.
"Boss Stacey" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses. Si JV lang pala ang isa kong utusan dito.
"May panibagong balita na naman ako" magalang na pagkabigkas niya. Napatango lamang ako at umupo ngunit ang tingin ay doon pa rin sa bintana. Ayaw kong lumingin sa kanya baka makita na naman niya ang mal-demonyo kong mukha pag-sasabihin na niya ang balita.
"Magandang balita po boss alam na namin kung saan ang AsianXx" sambit niya. Nanlaki ang mga mata ko na lumingin sa kanya.
Shocks! Akala ko tatapunan ko na naman siya ng flower vase eh. Napangiwi naman ako sa inisip ko--- hindi ko sinadya na batuhin siya sa ulo nun ha. Hayst nadala lang ng galit. You know me naman diba? Tsk.
Napangiti naman ako at daling dali na lumapit sa kanya sabay kuha ng envelope.
"Boss teka" pagpipigil niya sa akin ngunit parang wala lang akong narinig. Nang mailabas ko ang papel na nasa loob ay dali dali ko agad yun na binasa.
Nagulat ako sa nabasa ko at hindi makapaniwala. Masaya ako kasi nakita na namin ang AsianXx ngunit----
"Ano ito?" Naluluhang tanong ko. Sh*t panaginip lang ito!
"Sorry boss pero malaking problema" wika niya.
Napapikit nalang ako ng mariin--- sabay sambit ng 'malaking problema nga ito'.
(Third Person's POV)
Napatigil ang lahat ng makitang nagsusuntukan ang dalawang nag-gagwapuhang lalake. Kahit gusto nilang awatin ay hindi nila magawa dahil para itong halimaw na gutom.
"Tang*na ka! Argg!" Sigaw ni Dylan. Sa oras na iyon ay hinila na siya ni Caleb at pilit na pinakalma. Nilayo niya ito sa kasuntukan niya.
"Kaysa sa makipagbugbugan ka diyan!? Mag-isip ka nalang ng solusyon nuh? Tang*na ito na oh! Wala na nga tayong magawa!" bigay suko ni Caleb. Tama naman na wala na silang magawa dahil mahirap hanapin ang AsianXx. Ang blacklist ay nasa AsianXx. Kailangan nila ito para mging malinis ang pangalan niya.
Napatigil naman si Dylan dahil sa narinig niya kay Caleb. Gago lamang ang laman ng kanyang isipan. Nagpumiglas naman siya sa pagkahawak nito at matatalim na tingin ang binato niya sa nakapaligid nila.
Naupo na lang siya at problemadong napapikit. Nag-iisip ng magiging plano.
Ito ang problema na mahirap solusyonan. Unang plano nila ay imposible iyon na mabura nila ang pangalan nila sa blacklist lalo na ngayon ay di nila alam kung saan nagtatago ang AsianXx.
'F*cking problem!' mura niya sa kanyang isipan.
Umupo naman sa tabi niya si Caleb. Napaisip naman si Caleb ng solusyon at hindi niya alam kung bakit naisip niya ang planong---
Napangisi naman siya at natatawa sa kanyng iniisip.
"What's funny? May panahon ka pa talagang tumawa nuh?" Galit na sambit ni Dylan nito sa kanya at napahawak sa panga niya at labi na may sugat.
Napatayo siya at nakangisi na humarap kay Dylan. Nagtatakang tumungila si Dylan nito pati na ang mga nasa loob ng office. Sobrang lakas kasi ng mga tawa ni Caleb na tila sinasaniban.
"Akala ko ba matalino ka?" Pang-asar ni Caleb kay Dylan. Kumunot naman ang noo ni Dylan-- 'What the hell is he talking about?!?' sigaw ng kanyang isipan.
"Sinasabi ba niyang bobo nga ako?!" Galit na galit niyang sigaw.
"Nagtatanong ka? Hmm oo bobo ka nga" nakangisung sagot ni Caleb. Dahil sa galit ay tumayo si Dylan at akmang susuntukin si Caleb ngunit natigilan siya sa sinabi ni Caleb.
Unti unti niyang binaba ang kamao niya. Unti unti ding lumabas ang mala-demonyo niyang mukha.
Demonyong tawa ang lumabas sa bibig ni Caleb at matalim na tingin ang pinukol sa kasosyo niya.
Alam ng lahat ang nangyare kaya kahit tatakasan nila ang problema na ito ay wala silang matatakbuhan. Nasa listahan ng blacklist din ang kanyang kompanya.
Kaya ang magagawa nila ---magtulungan para walang masabit.
"May papatayin tayo" nakangising sambit ni Caleb. Ganun din ang eksprisyon ni Dylan. Pareho sila mga demonyo.
************************************
Pero gwapo! Awieee chos trulala naman eh na gwapo sila pero demonyo lang. Hakhak sino ang jayang paibigin sila? Taas ang kilay! Haha!
Hoy sino kayang papatayin nila? Woahhh sino sino? Hulaan niyo?
BINABASA MO ANG
DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)
RomanceAng kwento na ito ay naglalaman ng mga maseselang tema at lenggwahe. Read at your own risk. Wag sanang husgahan ang laman ng kwento dahil ito ay puro imahinasyon lamang. Ang pagkaparepareho sa mga totoong buhay o sa ibang kwento ay sinisugurado kong...