Prologue

10K 176 6
                                    

"I said, w-who the hell are you?!!!!" Nanginginig sa takot na tanong ko. Who the hell is this? Bakit gano'n ang mga mata niya?? Bakit ganon niya ako tingnan?! Sa simpleng tingin ay nanghihina ang mga tuhod ko! I can't even breath properly! I can't speak clearly! My mind is just blank and.....scared!


Halos manlaki ang mata ko nang makita kong unti-unting sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa labi niya. I should punch him! O 'di kaya ay itulak siya at tumakbo para makaalis! But I can't move my stupid body!! Para akong na-hypnotize ng taong 'to! Tangina! Naiiyak ako dahil wala akong magawa kahit alam kong maaari akong mamatay dito!


"W-why..." ramdam ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hindi dapat ako umiiyak pero natatakot na ako. Ayoko na dito. Uuwi na ako. Hindi naman ako takot mamatay pero natatakot ako ngayon. May kakaibang epekto ang taong ito sa buong sistema ko


"Akira Buenaventura." Kaswal niya lamang na binigkas ang buong pangalan ko pero pakiramdam ko ay isinulat niya na iyon sa papel kung saan nakalagay ang mga taong papatayin niya sa araw na ito.


"L-layuan mo ako.." napaiwas ako ng tingin at napapikit nang kasabay ng pagsabi ko nun ay ang pagtutok niya sa akin ng malamig na baril sa bandang noo ko. That feeling when I felt the gun....it feels familiar. I don't even know why.


"Run."


"A-ano?"


"I said run!" Nagmulat agad ako ng tingin at tumama sa akin ang seryosong tingin niya samantalang ang baril ay wala na. Mabilis niyang naitago yun dahil dalawang segundo pa lang ata nung huli kong maramdaman ang baril sa ulo ko pero nagmulat lang ako ay wala na 'yun sa harapan ko. "Are you deaf?! I said, run!" Hindi na ako nagsayang ng oras at tumakbo na ako papaalis sa madilim na parte ng lugar na 'yun. That place will probably hunt me for the rest of my life.


Sinubukan ko pang tingnan ang taong 'yun pero nanatili siya sa pwesto niya kanina habang nakatingin pa 'rin sa akin. Nakuha niya pa akong taasan ng kilay bago sinabi ang mga salitang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. "I only have the right to kill you. You must remember that."

Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon