Akira's POV
Ibinato ko agad ang bag ko sa gilid ng lamesa at humiga dito sa living room nang makauwi dahil kakatapos lang ng klase ko ngayong araw. Hindi kasi talaga ako pumasok kahapon dahil sumama talaga ang loob ko sa maraming bagay.
Akala ko nga magkakaroon ng problema dahil hindi ako pumasok kahapon pero ni hindi man lang ako tinanong ng mga professor kung anong reason ko at hindi ako pumasok. Pabor din naman sa akin kaya hinayaan ko na. Ang kaso, 'yung isang professor na first subject namin, ang daming ipinapagawa sa akin. Sabi ko na nga ba at hindi maganda ang kutob ko doon. Hindi ko siya makakasundo. Ayan tuloy, sa dami ng hinanap kong reference sa library, ngayon lang ako nakauwi. Malapit na dumilim.
Bigla akong nagmulat ng mata nang may marinig akong bagay na nabagsak dito sa room namin kaso si Hannah ang nakita kong nakatayo sa harapan ko at nakatingin ng diretso sa akin.
"Anong problema? Bakit ganiyan ka makatingin?"
"S-saan galing 'to, Aki?" Napatayo agad ako mula sa pagkakaupo ko nang mapansin ang kaba sa boses niya. Malapit na 'rin tumulo ang luha sa mga mata niya na lalong ikinakunot ng noo ko.
Ano na namang nangyari ang hindi ko nalalaman?
"Ano 'yan?" Kunot-noong tanong ko sa box na hawak niya. May maliit na box kasi siyang hawak-hawak ngayon at 'yun ata ang itinatanong niya sa akin. "Saan mo nakuha 'yan? May nagbigay?"
"Hindi ko alam!" Napamaang ako nang sumigaw siya at tuluyan ng naiyak. Nagtanong lang naman ako??? Ano ba 'yung nasa box na 'yun at iba ang epekto sa kaniya?
"H-hannah.....m-may problema ba? Anong nangyari?" Sinubukan ko talagang kausapin siya ng maayos dahil ito na naman siya. Nagpa-panic na naman siya sa harapan ko. "Saan mo 'yan nakita?"
"Bubuksan ko na sana ang pintuan papasok dito sa room na'tin kaso nakita ko 'yan at.....a-at may pangalan mo na nakalagay kaya ipinasok ko dito.....tapos 'yan pala ang makikita ko! Anong gusto mong maging reaksiyon ko????!"
"Eh ano bang laman?"
"Ito!" Ipinakita niya sa akin ang patay na daga na laman nun at ang sulat na puro dugo pero napaiwas na ako ng tingin dahil masusuka ata ako! Kadiri ang laman niya! Nandidiri ako!
Gustuhin ko mang masuka sa paulit-ulit na pagtingin doon sa daga pero kinailangan kong makuha 'yung sulat bago patakbong itinapon sa basurahan namin 'yung patay na daga! Waaaaah!! Kailangan na namin maitapon agad 'yun dahil mamamaho!
Inilapag ko 'rin muna 'yung note bago tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig at ibigay kay Hannah. Kailangan niyang kumalma dahil nagpa-panic din ako!!
Pero habang pinapanood siyang uminom ng tubig, hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung sino ang magpapadala nun. Sino ang magbibigay sa akin ng bagay na 'yun??
Kagaya ng sinabi ko, sanay na akong makatanggap ng gano'ng mga bagay dahil doon ako lumaki. Halos araw-araw ba naman akong may natatanggap na gano'n sa school o kahit sa bahay. Paulit-ulit ang sinasabi. Babawian daw nila si Dad.
Pero napaisip 'rin ako na baka naman namali lang ng room na pagbibigyan. Kasi sa pagkakaalam ko, wala naman akong kaaway dito maliban sa mga nabugbog ko kahapon. Baka nga sila??? Tss. May pangalan ko nga pala 'yun. Sabi ko na nga ba sila 'yung tipo ng tao na gagawa ng ganito dahil takot sila eh.
Hindi naman kasi talaga ako natatakot kung para sa akin nga siya. Ang iniisip ko lang ay si Hannah. Bago sa kaniya ang lahat ng ito dahil hindi ko naman ipinapakita sa kaniya ang mga natatanggap ko dati. Sinabi din ni Mommy na wag daw akong magsabi kahit kanino dahil baka layuan ako or what which is sobrang understandable niya dahil maaari naman talagang madamay si Hannah. Pero selfish man pakinggan, hindi ko talaga pinalayo si Hannah. Wala din akong sinabi sa kaniya. Masamang maglihim pero ginawa ko lang 'yung tingin kong tamang gawin nung mga panahon na 'yun.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...