Akira's POV
"H-hannah....." Agad akong tumayo at walang pagdadalawang isip na niyakap siya ng mahigpit. Sa mga oras na 'to, alam kong si Hannah ang pinaka-kailangan ko. Alam kong maiintindihan niya 'rin ako. Gusto kong matuwa dahil kung kailan kailangan ko siya, tsaka siya lumabas. Mapapayapa na 'rin sa wakas ang isip ko.
"Sorry kung ngayon lang ako bumalik. Ang dami kong inasikaso. I'm really sorry, Akira." mahina niyang sabi habang yakap yakap ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nagtataka man kung paano siya nakabalik pero mas nangingibabaw 'yung saya na nararamdaman ko. Sa wakas nandito na siya.
Pwede na akong makaalis sa lugar na 'to. Gusto ko na talagang makaalis.
Bumalik na kami sa dorm namin na medyo naayos na. Nakarating na pala kay Miss Gina ang nangyari kaya inayos ang buong kwarto namin kaninang madaling araw. Lahat ng nasirang gamit ay napalitan. Ang hindi nalang maibabalik ay ang mga nabasang papel dahil sa kalokohan ng mga estudyante dito.
*sigh*
Napatingin ako kay Hannah na bahagyang binubuksan isa-isa ang drawer niya. Parang may hinahanap siya. Hindi.....may hinahanap pala talaga siya. Halatang-halata sa kilos niya 'yun. Umalis na 'rin si Nicole dahil bibigyan niya daw muna kami ng oras ni Hannah. Naninibago kasi talaga ako sa kaniya. Parang hindi siya ang kaibigan ko.
"May problema ba?" Tanong ko na nakakuha agad ng atensiyon niya dahil napatigil siya sa paghahanap at naiilang na tumingin sa akin.
"A—ahh wala. May tiningnan lang ako." Nakangiti niyang sabi at muling nag-iwas ng tingin. Binuksan niya ang kurtina sa bintana at tumingin doon. Malalim ang iniisip niya. Hindi ko alam kung ano 'yun pero may parte sa akin na ayaw 'rin malaman kung anong iniisip niya.
Si Hannah pa 'rin naman 'to, hindi ba?
Kaibigan ko pa 'rin naman 'to, hindi ba?
May kirot akong naramdaman sa dibdib ko habang iniisip na posibleng nagsinungaling talaga siya sa akin. Parang hindi ko kayang tanggapin ang bagay na 'yun. 'Yung kaibigan ko na pinagkatiwalaan ko ng sobra ay nagsinungaling sa akin.
"Saan ka galing?" Tanong ko at bahagyang tumingin sa magiging reaksiyon niya. Gusto kong malaman ang totoo dahil bigla-bigla nalang siya nawala tapos bigla nalang din siyang babalik na parang wala lang nangyari. Nakakapagtaka ang bagay na 'yun.
Ilang araw akong naghanap pero hindi ko siya nakita at ngayon, babalik siya ng parang walang nangyaring masama sa kaniya. Hindi ba't nakakapagtaka 'yun? Halos mabaliw ako dahil naisip ko na baka may nangyaring masama sa kaniya. Posibleng meron knowing na nandito siya sa Sinomous. Pero babalik siyang okay na okay? Nakakapagtaka talaga 'yun.
"Lumabas ako, Aki." Seryosong sabi niya nang hindi pa 'rin tumitingin sa akin. Gustuhin ko mang magulat sa sinabi niya ay hindi ko na nagawa nang mapansin ang katawan niya. Pumayat siya. At hindi lang 'yan, dahil para bang pagod na pagod siya ngayon. Nagbago talaga ang itsura niya sa ilang linggong pagkawala niya. Mas lalo din siyang pumuti.
"Paano? Paano ka nakalabas? Alam natin na walang nakakalabas sa paaralan na 'to. Walang daan papalabas sa paaralan na 'to." gusto kong mag-isip ng kung ano-ano. Kaya lang malaki ang tiwala ko kay Hannah. Alam kong mali ang nasa isip ko. Sana mali. Dahil hindi ko talaga kaya kapag nalaman ko na nagsisinungaling siya sa akin.
"A-ano ka ba Aki! Pfft. Ang dami mo namang itinatanong! Ano ka ba? Nasa interview? Tsaka seryosong-seryoso ka pa. Tss. Chill ka lang. Kumain na nga muna tayo. Nagugutom na ako eh. Tara sa cafeteria. For sure naman ay nasa klase na ang ibang student. Nakuha nga lang makipag-chismisan kanina." yaya niya at nauna nang lumabas sa pintuan. Tumayo naman ako at sumunod na 'rin sa kaniya na parang walang nangyari sa akin sa araw na 'to. Pero ang totoo, ang dami talagang nangyari.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...