Chapter 37

3.1K 76 0
                                    

Wade's POV


"We're going in, King Rover." Seryoso kong sabi kay King Rover mula sa telepono. Lahat kami ay may hawak nun para mareport pa 'rin namin kung ano ang nangyayari sa mga lugar kung nasaan kami. Kailangan kasi namin maghiwa-hiwalay para mas mabilis naming matatapos ang gulong ito. Gusto ko ng bumalik sa palasyo.


"Alright. We will wait for you. You need to report everything that you see, everything that you hear. As much as possible, keep safe." Paalala niya na hindi ko na sinagot dahil dahan-dahan na akong kumikilos para makaakyat sa napakataas na harang sa harapan namin.


"Alam mo ba ang mga artista binabayaran 'yan sa kaonting pag-arte lang. Ang mga singer, malaki ang ibinabayad sa kanila sa isang kanta palang." biglang sabi ni Peter sa tabi ko na ikinakunot agad ng noo ko. Nadi-distract ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya.


"So? Anong gusto mong iparating?"


"So, dapat may bayad ako. Mahal 'to, pre. Mahal ang talent fee ko. Tsaka ang galing ko kaya kanina. Hindi man lang ako nahalata ni Akira. Hindi niya man lang nahalata na may surprise ka kasi ang galing ng facial expressions ko." proud na proud niya pang sinabi 'yan. Kaya lang naman siya ang inutusan ko na gawin 'yun dahil wala akong choice. Tss.


"Nahiya ako sayo ha." Sabat ni Patrick at tumalon na paibaba kaya sumunod kami ni Peter. "Para namang napakagaling mo kanina eh kita ko nga ang panginginig ng mga kamay mo habang sinasabi mo 'yun kay Akira. Kaya 'yung isa, kinabahan din agad dahil akala ata ay may nangyaring masama kay Wade."



"Luh? Papansin ka? Hindi mo ba alam na hanggang dito lang ang usap——aray ko naman! Bakit?? Anong ginawa kong mali??" Reklamo niya kay Nicole nang bigla siyang sabunutan nito. Kasama kasi namin ngayon si Hannah at Nicole. Sabay-sabay kaming pumasok dito. "Bakit??"


"Wag mo ngang awayin si Kuya. Minsan na nga lang pumayag 'yan, aawayin mo pa. Magpasalamat ka at hinahayaan niya tayo ngayon." Rinig kong bulong ni Nicole. Gusto kong matawa. Kawawa naman ang isang 'to.


"Eh siya naman ang nauna, hindi ako! Ang sakit nun ha." Reklamo niya pero tinawanan nalang siya ni Patrick na halatang nagyayabang ngayon dahil nanalo siya kay Peter. "Ngayon talaga masasabi ko ng life is unfair! Ako na ang pinagtulungan, ako pa ang sinaktan."


"Deserve." natatawang sabi ni Hannah at tumingin sa mansiyon na nasa harapan namin. Sinenyasan niya na 'rin si Nicole na buksan ang gate na ginawa naman namin kaso may mga nakabantay pa.


"Tss. Akala ko dati madali lang kapag may kuya ang girlfriend mo, hindi pala! Napakahirap! Lalo na kung si Patrick ang kapatid!" Hindi pa 'rin pala siya tapos sa pagrereklamo niya. Ano bang nangyari dito at biglang naging maingay?


"Really? I think it is not that hard because I can handle it, right, Wade?" biglang sabat ni Lance at pinatamaan agad 'yung isang lalaki na papalapit sana sa amin.


"Huh? Eh wala ka namang girlfriend boss ah?? Anong sinasabi mo diyan? Nananaginip ka pa ata." nagtatakang sabi ni Patrick na ikinasimangot naman agad ni Lance.


Tss. Siraulo.


"Anong wala? Pfft. Meron kaya."


"Sino naman? Sige nga. Tell me. Who is she?" Hindi ko naman siya gustong patulan pero bahala na. Kung saan siya masaya doon siya. Parang hindi pa 'rin kasi ako sanay na hindi kami nag-aaway ng isang 'to.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon