TWO YEARS LATER
Hannah's POV
"Hannah! I already said sorry! Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako?? Nakakapagod ha." Reklamo sa akin ni Patrick kaya tinaasan ko kaagad siya ng kilay.
"Ay, bakit? Sinabi ko ba sayo na mag-sorry ka?? Wala naman akong sinabi ah. Ginusto mo 'yun kaya wag kang magreklamo sa akin."
"Oh....edi sorry!" Tss. Hindi niya talaga ako maintindihan. Nauubusan na ako ng pasensiya sa kaniya.
"Pwede ba Patrick???? Lumayo ka nga sa akin at baka hindi kita matantsa! Hindi ba't pupunta ka ng palasyo??? Ano pang ginagawa mo dito???"
"Malamang susunduin kita."
"May sarili akong sasakyan. Kaya kong pumunta mag-isa doon." Napapairap na sabi ko.
"Uh?? Palibhasa hindi mo alam
yung salitang sweet! Malamang susunduin kita para hindi ka na mapagod mag-drive. At least kapag ako ang nagdrive, pwede ka ng mag-chill." Tama naman siya pero nakakairita pa 'rin siya. Nakakairita 'yung pagmumukha niya. Pasalamat nalang talaga siya at kapatid siya ni Nicole dahil kung hindi?? Nako."Tss. Okay. Bilisan mo na at gusto ko ng pumunta doon. Dalawang taon na 'rin siyang wala. Hanggang ngayon hindi pa 'rin ako sanay. Hindi ko pa 'rin tanggap." Emosyonal na sabi ko kaya nanahimik si Patrick.
Hindi na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Dalawang taon na pero ang bigat-bigat pa 'rin sa puso. Gabi-gabi pa 'rin akong nasasaktan sa tuwing naalala ko 'yun.
Hanggang ngayon, hindi pa 'rin kasi talaga namin tanggap. Bakit kailangan mangyari kay Akira 'yun? Bakit sa kaniya pa?
"H-hannah," Agad akong niyakap ni Patrick nang makita ang bahagyang pagpunas ko ng mga luha pero hindi ko na naman napigilan ang sarili ko dahil humagulhol na ako. As much as possible ayokong ipakita na ganito ako mamaya sa palasyo dahil maaapektuhan ko ang mga tao doon. Baka pati sila ay maiyak na 'rin. "Hey."
"Hindi ko kasi maiwasan eh. Nalulungkot pa 'rin ako. Bakit gano'n 'yung nangyari? Ginawa naman namin ang lahat para maiwas siya sa gano'ng kapalaran."
"Ano ka ba. H-hindi naman natin inaasahan lahat 'yung nangyari." Nagpapaintindi na sabi ni Patrick. "Pero tama ka dahil ang hirap talagang makalimot. Yung sugat sa atin, nandoon pa 'rin. Ang hirap pa 'rin. Alam mo bang ilang beses din akong iniyakan ni boss nung araw na 'yun?? Wala man lang daw siyang nagawa."
"Wala naman kasi talaga kaming nagawa." Pinunasan ko ulit ang luha ko. "Ang malala pa kasi diyan, nung nandito siya, nagsinungaling pa ako. Nagsinungaling ako sa kaniya na dapat ay hindi ko ginawa."
"Tss. Ano ka ba? Hindi naman talaga nagalit si Akira nun eh. Nasaktan lang siya pero napatawad ka na niya. Isa pa, sobrang swerte niya 'rin dahil nakilala ka niya. You are a great friend, Hannah. Kahit kanino mo pa itanong 'yan. You give your best. And that is enough." Pagpapagaan niya sa dibdib ko kaya bahagya kong ginulo ang buhok niya na ikinagulat niya pa.
Mature na talaga siya.
"Let's go na. They are waiting for us." Yaya ko sa kaniya na ikinangiti niya naman agad.
"Alright."
Peter's POV
"Peter, Let's go." yaya sa akin ni Nicole na nakakuha ng atensiyon ko.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...