Hannah's POV
"Alam niyo umuwi na kayo. Late na. Kukunin ko na si Aki. Kailangan niya na magpahinga." Pagpipilit ko sa kanila dahil kanina pa sila nagsasamaan ng tingin. Mabuti nalang at wala pang lumalabas na students.
"Who gave you the permission to say that to me, huh?" Madiin na tanong ni Wade. Hindi pa 'rin pala talaga sila tapos. Jusko naman. Hindi ba sila naaawa kay Aki? Ang dumi-dumi pa ng isang 'to dahil binuhusan siya ni Lisa kanina. Mabuti na nga lang hindi nagrereklamo 'tong si Lance eh. For sure, malagkit na 'yung likuran ng damit niya. "At isa pa, alam na alam mo kung anong oras lang pwede lumabas ang mga estudyante. Yet, you didn't follow those rules even though you're one of thos——"
"Wala akong pakialam sa pwesto kong 'yun. Umalis na kayo dahil ayoko ng gulo sa araw na 'to." Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Lance. Pero at the same time nagulat ako sa sinabi niyang wala siyang pakialam sa posisyon niya. Mataas ang posisyon niya dito sa Sinomous and knowing na kaya niyang bitawan para kay Aki 'yun, nakakamangha talaga siya. "Tumabi ka diyan ipapasok ko si Akira sa loob."
"Are you aware of what you are doing right now???" Inis na tanong ni Wade na ikinatigil ni Lance sa akmang pagpasok pero nanatili siyang nakatalikod sa amin. Tumabi na kasi kami ni Nicole dahil nga dadaan siya. Hinayaan nalang din namin dahil mahihirapan kaming ipasok si Aki sa loob. Ang payat kaya namin pareho ni Nicole. Well, kaya naman namin si Aki kaso mahihirapan pa 'rin kami.
"Oo naman. Pagdating kay Akira, sigurado naman akong tama ang ginagawa ko." Seryosong sabi ni Lance pero alam mong may mali doon. Parang nasasaktan siya. "How about you? Are you aware of what you are doing right now?"
Natahimik ang lahat na para bang walang gustong magsalita na ikinangisi ni Lance. Tama na dapat doon. Masiyado na silang nagkakainitan ng ulo.
"Hindi mo na kailangan pang sagutin Wade. Sa nakikita ko, mukhang alam ko na ang sagot. You're just scared." Nagpapaintindi na sabi nito bago ipinasok si Aki sa loob ng room namin. Napatingin naman ako sa naglalakad na papalayong si Wade.
Kasalanan mo 'rin kung ano ang nangyayari sayo, Wade. At kagaya ng sinabi ni Lance. Wade is just scared.
Akira's POV
Nagising ako nang biglang tumama sa akin ang sikat ng araw. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at natagpuan ko nalang si Hannah na natutulog pala sa tabi ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit dito siya natulog? At paano ako nakauwi? Laking pasasalamat ko nang makitang nakapagpalit na ako ng damit. Baka pinalitan na ni Hannah. Ang lagkit din kasi.
"Hannah, gumising ka na. May pasok tayo." inaantok na sabi ko at pinilit na gisingin siya. Ayokong pumasok. Nakakatamad. Sana walang prof.
"Hmm, mauna ka nang maligo." sabi nito kaya naglakad na ako papunta sa banyo. Pero napatigil din ako agad nang may makita akong papel sa harapan ng bintana namin. Mapapansin mo kasi agad 'yun once na dumaan ka dahil halatang-halata talaga siya.
Ano na naman ba 'to?
Unti-unti akong lumapit doon at kinuha ang papel. Babalewalain ko nalang sana dahil wala namang nakasulat. Naisip ko na baka ginamit lang ni Hannah as her scratch paper kaya ibababa ko na sana nang mapansin ang nasa likuran na bahagi nito. Maliliit lang ang mga sulat kaya mahirap siya mahanap.
Akira, we need to talk. May mahalagang bagay akong sasabihin sayo. Magkita tayo sa library. Hihintayin kita. Make sure na wala kang kasamang iba - Tam
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...