Chapter 15

4K 124 2
                                    

Akira's POV


Ilang araw ang lumipas at kagaya nga ng naisipan ko, nilayuan ko talaga 'yung dalawa. At habang lumalayo ako, sinubukan kong maghanap ng maghanap. Lumabas na 'rin ako nung nakaraang sabado pero wala akong nakuhang sagot. Wala pa 'rin akong nakuhang sagot.


At doon talaga ako pinaka-naiinis. Ginawa ko naman lahat pero bakit gano'n? Parang hindi sapat. Hindi sapat lahat ng ginagawa ko ngayon.


Naglakad na ako papunta sa dorm nang wala sa sarili dahil sa dami ng iniisip ko. Literal na nakatulala! Kakatapos ko lang sa library at halos 9pm na. Wala na akong pakialam kung sino mang makasalubong ko dahil hanggang ngayon ay wala pa 'rin ako nakukuhang magandang balita.


Sinubukan ko pang dumaan doon sa huling lugar kung saan ko nakita si Hannah. Lumiko lang naman siya dito sa field pero nawala na siya sa paningin ko. Imposibleng lumabas siya dahil doon pa naman sa dulo ang labasan.


Nang mapansin na malalim na talaga ang gabi, naisipan ko ng bumalik sa dorm ko. Magpapahinga na ako para bukas ay may lakas ako para maghanap ulit. Hindi ako pwedeng sumuko. Pero napatigil din agad ako sa paglalakad nang makita kong nagkakagulo 'yung mga tao sa floor kung saan ang room namin. Pansin mo kasi sa pintuan palang dahil sa ingay na naririnig ko. Anong nangyayari?


Ang dami ding students ngayon. 'Yung iba ay mukhang matutulog na kaso nakuha pang maki-chismis kung anong nangyayari dito.


Nagmadali akong lumapit doon dahil tama nga ako, room ko ang pinagkakaguluhan nila. Itatanong ko palang sana sa isang student kung anong problema nang bumungad sa harapan ko ang mga basang damit ko. Hindi lang 'yun. Kahit ang mga libro ko ay basang-basa na 'rin ngayon sa harapan ko. Sira na 'rin ang mga upuan at ang mga pagkain na nakalagay sa ref ay nakatapon doon. Pati gamit ni Hannah na inayos ko ay nandito sa harapan ko. Sobrang gulo.


Anong problema ng mga tao dito????


"What the hell? Ano na naman 'to??"


"Nice to see you again." napalingon agad ako sa likuran ko at nakita ko si Jane kasama ang mga kaibigan na naman niya na naglalakad papalapit sa pwesto ko. Wag niya sabihin sa akin na ginagawa niya pa 'rin ito para kay Wade dahil nilalayuan ko na 'yung tao. Masiyado na siyang baliw kung 'yun pa 'rin ang dahilan niya.


"Ano na naman ba ang problema niyo at pati ito ay dinamay niyo pa?! Talagang pumunta pa kayo dito ha!" Inis na sabi ko. 'Yung mga estudyante ay nakatingin lang aa amin as usual. Mga bwiset! Ganiyan na naman kasi sila! Wala na naman silang ginagawa!!! Paano ko ba sila matutulungan kung hindi din nila magawang tulungan ang mga sarili nila??? Paano???


"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw ni Jane sa akin at dinuro pa ako na ikinamaang ko.


"Ano?! Wala naman akong ginagawa sayo ah! Nakita mo ba ako nitong mga nakaraang araw???? Hindi naman ah! Dahil lumalayo na ako!!!" Nakakapikon kasi eh! Hindi ko alam na aabot sa ganito na pati gamit ko pagdidiskitahan nila! Kung buti sana ay kagaya ng dati wala akong pakialam sa mga gamit ko. Ngayon, meron na! Dahil baka nag-iwan ng kahit ano si Hannah na pwede kong magamit sa paghahanap! Isa pa, 'yun na nga lang 'yung natitirang gamit ni Hannah sa akin, sinira pa nila!! Sinong hindi magagalit doon????


"Lumalayo????!! Are you fucking kidding me???! Kung talagang lumalayo ka, hindi niya hihilingin na ipa-cancel ang wedding namin!!!"


"Wala na akong kasalanan doon, okay??! Sa maniwala ka o hindi, lumalayo na ako!!! Never mo nga akong nakita na kasama 'yang sinasabi mo!!! At 'yung about sa engagement niyo, wala na akong pakialam doon!!!! Hindi na ako ang may kasalanan!!! Baka nga ikaw pa ang may kasalanan! Hindi mo kasi ginawa 'yung dapat na gawin mo as his fiancee!!" Totoo naman ang sinasabi ko. Wala na akong kinalaman kung anong pumasok sa utak ni Wade at hindi na gustong ituloy ang kasal. Basta ang alam ko, nilayuan ko siya. Ni hindi ko nga nakausap si Wade dahil kapag lalapitan niya ako, lumalayo na agad ako!


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon