Someone's POV
"Boss! May grupong umaatake sa atin ngayon! Nagkakagulo na ho sa main building!" sigaw ng mga tauhan ko kaya agad napunta ang atensiyon ko doon.
"Kaninong grupo?" Kunot-noong tanong ko. Nakakapagtaka naman ang isang 'yun. Imposibleng sumugod sa akin ang mga tao sa Sinomous University dahil hawak ko pa sa leeg ang pinuno nila.
"Hindi ho kilalang grupo."
"Ano?! Hindi kilalang grupo?! Pero natatalo kayo?! Walang-wala ang mga taong 'yan sa kakayahan niyo kaya bakit pinuntahan niyo pa ako dito???!" Napayuko siya sa sinabi ko. Hindi pala kilala, malamang mahihina ang mga 'yan! Malalakas ang loob eh. Halatang hindi pinag-isipan!
Tumayo ako at agad na lumapit sa kaniya. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Ayoko ng ganitong dinadagdagan ang problema ko. Masiyado na nga akong maraming iniisip, gusto niya pang dagdagan.
"Handa na ba sila?" Seryosong tanong ko na ikinalingon niya pero agad ding yumuko ulit. Iba na ang tinutukoy ko dahil madali nalang naman nilang magagawa 'yung mga nanggugulong 'yun.
"O-opo! Handa na po. Ipinapasabi din ho nila na maghihintay nalang daw po sila sa senyales niyo."
"Magaling kung gano'n. Kunin mo ang baril ko." Utos ko sa kaniya na agad naman niyang sinunod. Nanginginig pa ang mga kamay. Masiyadong takot ang isang 'to. Halatang hindi tatagal sa mundong pinili niya. "Bago lang itong baril ko. Gusto ko sanang ilaan sa anak niyang babae pero gusto kong subukan ngayon." Madiin na sabi ko na ikinalunok ng taong nasa harapan ko.
"B-boss...."
"Natatakot ka ba sa akin?!" Sigaw ko sa kaniya. Isang maling sagot!
"H-hindi po."
Mabuti.
"Sige. Makakaalis ka na." Buntong-hininga kong sabi at tumalikod na. Pero wala pang tatlong segundo ay lumingon ulit ako at walang pagdadalawang isip na binaril siya.
"B-boss...." nanghihina niyang sabi habang nakahawak sa dibdib niya.
"Ayoko sa lahat, 'yung kinakatakutan ako. Simpleng utos hindi mo magawa. Ano pang silbi mo bilang isang tauhan ko kung sa totoong laban naman ay ikaw ang unang aatras?" Hindi ako tanga para hindi mapansin na natatakot talaga siya sa akin. Ayoko ng gano'ng tao. Masiyado ipinapakita ang totoo nilang nararamdaman. Masiyado nilang ipinapakita ang weakness nila.
Muli akong bumalik sa upuan ko at sakto namang dumating ang hinihintay ko. Mabuti naman at dumating na siya.
"Handa na po." magalang nitong sabi na ikinangisi ko.
"Mabuti." Hindi ko maitago ang ngiti ko dahil sa wakas! Mangyayari na ang pinaka-hinihintay ko!
Akira's POV
Kahit masama ang loob ay pumasok pa 'rin ako sa susunod kong class. Mas mabuti doon dahil alam kong hindi ako magugulo ni Wade. Napabuntong-hininga ako nang mag-dismiss na ang last professor ko kaya nagmadali na agad akong magligpit ng gamit at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya dahil lumabas na ako ng tuluyan. Ayokong makausap sila Hannah. Hindi pa ako handa.
May isa kasing tanong na paulit-ulit pumapasok sa utak ko. Iisa lang ba sila ng sikreto??
Coincidence? Hindi ko na 'rin alam. Base sa naging convo nila kagabi, alam kong alam nila ang lihim ng isa't-isa. Nag-sink in na 'rin sa utak ko na kaya may dugo that day sa room ko ay dahil doon sa ipinadala nung chinito kanina.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...