Akira's POV
"S-salamat." kinuha ko ang panyo na ibinigay niya at ipinunas ito sa mga luha ko. Nakakahiya. Nakakahiya dahil nakita niya 'yung frustration ko na matagal ko ng itinatago. Nakita niya kung paano ako umiyak. Wala pang nakakakita nun dito bukod kay Nicole. Pero dapat pa ata akong magpasalamat sa kaniya dahil medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi na katulad kanina na sobrang bigat.
"Hindi ka na naman lalabas?" Natural na tanong niya sa akin at bahagyang tinanaw ang bintana kung saan nakikita ang mga estudyante na isa-isa ng lumalabas. Meron kasing maliliit na bintana dito kahit walang room. Para lang ata siya magkaroon ng peaceful na buhay ang mga students.
Saglit akong napatitig sa mukha niya at napaiwas din agad ng tingin. Mukha talaga siyang anghel. Anghel sa loob ng demonyong paaralan na 'to. Nakakapagtaka dahil kagaya lang din nila Wade, hindi ko din siya nakikita na umaattend sa class niya. Baka naman magkakaklase sila??
Or may expensive na class dito sa Sinomous na for expensive people lang din??
"I'm not going outside because I need to find someone." Natural na sabi ko na ikinataas agad ng kilay niya.
"Then why are you still sitting here? I thought you need to find someone?" Tanong niya na lihim kong ikinangiti. Kung ibang tao siguro siya, baka nainis na ako sa kaniya. Kaya lang parang ang taas ng tingin ko sa taong 'to. Hindi ko 'rin alam kung bakit.
Nakakagaan kasi talaga siya ng pakiramdam. Para bang kapag malapit siya sa akin ay alam kong safe ako. Walang mangyayaring masama sa akin. Gano'n. Gano'ng pakiramdam ang ibinibigay sa akin ng taong 'to. Para ngang matagal ko na siyang kilala. Pamilyar talaga ang presensiya niya sa sistema ko. Nagkita na ba kami dati??
"Nagpapahinga lang. Ang dami ko na namang nalaman." Gusto kong sarkastikong matawa sa sinabi ko. Ang dami ko naman talagang nalaman. Halos hindi ko na nga alam kung paano pa 'yun ipapasok sa utak ko.
"Bakit......hindi ka na lang sumuko sa paghahanap?" Seryosong sabi niya kaya napabuntong-hininga na ako. Hindi ko akalain na sa kaniya ko pa maririnig ang bagay na 'yun. Hindi ba't nakakapagtaka? Hindi ko naman sinabi sa kaniya kung sino ang hinahanap ko pero eto siya at mukhang alam na kung sino ang tinutukoy ko.
Pero kahit gano'n, hindi ako magtatanong. Baka mahalata niya na pinagdududahan ko siya.
"That's not going to happen. I'm not giving up. I will do anything in order to find her. Hindi ako basta basta susuko."
"Even if it cost your life?" Diretsong tanong niya na ikinatango ko kaagad.
"Even if it cost my life."
"Okay then." Napunta sa kaniya ang atensyon ko nang mapangiti siya at naglakad papalapit sa akin. Inilahad niya pa ang kamay niya sa harapan ko. Gusto akong tulungan sa pagtayo.
"B-bakit?" Nagugulat na tanong ko.
"Let's eat. I'll treat you. Alam kong hindi ka pa kumakain." nakangiti niyang sabi. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na nagawa dahil agad na niya akong hinila. Pfft.
Naglakad na kami papunta sa main building kung saan nandoon ang cafeteria. Gusto ko pa sana itanong kung bakit nandito kami pero nagulat nalang ako nang makita ang dalawang gang na nando'n at kumakain. Literal na kumakain kaya naman pala napakatahimik ng buong paligid. Tss.
Gusto ko itanong kay Andrei kung ano ang ginagawa ng mga 'to dito pero hindi ko na ginawa sa kadahilanang baka kapag nakita na naman nila ako ay mag-away sila sa harapan ko. Hindi pa kasi nila ako nililingon.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...