Akira's POV
"Aki, may problema ba?" Tanong sa akin ni Hannah na ikinalingon ko. Naglalakad na kami ngayon papunta sa room para sa susunod na klase. Galing kasi kami ng laboratory room para sa laboratory classes namin. Hindi ko pa 'rin makalimutan 'yung nangyari kahapon. Naiinis ako kay Wade! Hindi ko na kasi talaga siya maintindihan.
Halos hindi ako nakapag-isip ng maayos buong maghapon dahil sa mga sinabi niya! Mabuti nalang talaga at activities lang ang ginawa namin kahapon at lessons kaya hindi ako masiyado nahirapan makipagsabayan. Kung nagkaroon ng exams at recitation, hindi ko na alam kung saan ako dadamputin kakaisip kay Wade. Kasalanan niya kapag bumagsak ako.
"Wala. Gusto ko nalang magpahinga." Bugnot na sabi ko na ikinangiwi niya na lang. Malamang, sanay na sanay na siya sa ganitong ugali ko. Never naman kasi ako sinipag sa buong buhay ko.
Ang tahimik na ng paglalakad namin papunta sa next class nang biglang may bumangga sa akin na estudyante at nagmadaling umalis na parang hindi ako nakita. Ano 'yun? Ang weird din talaga ng mga students dito.
Napatingin pa ako doon sa iba pang estudyante na tumatakbo ng mabilis. Mukhang nagpa-panic sila. May away ba? Anong nangyayari na naman dito sa Sinomous?? Palagi nalang may gulo o ganap dito. Tinalo pa ang ibang University.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko kay Hannah na nagkibit-balikat kaagad habang pinapanood ang mga estudyante na tumatakbo talaga ngayon.
"Hindi ko din alam. Tara, sundan natin. Para naman malaman natin kung anong meron." yaya sa akin ni Hannah at hinawakan pa ang braso ko.
"Teka!!!" Pigil ko agad sa kaniya na ikinatigil niya naman at kunot-noo pa akong nilingon.
"Bakit? Anong problema mo? Nagmamadali na ang mga students. Naiiwanan tayo!"
"Mauna ka na. May nakalimutan kasi ako. Babalik din ako kaagad." Nagmamadaling sabi ko at tumakbo na papunta sa dorm namin. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil sa dami ng students dito, hindi niya na 'rin naman ako maririnig.
Sa pagtakbo ko papuntang dorm ay marami pa akong nakasalubong na estudyante na nagmamadaling pumunta sa lugar na 'yun. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtaka.
Ano bang meron?
Saan sila pumupunta????
Dali-dali kong kinuha ang sulat na ibinigay sa akin ni Tam sa drawer ko. Dito ko kasi inilagay sa pinakadulong parte para hindi makita ni Hannah if ever na may kunin siya sa gamit ko. Isa pa, kaya ko binalikan ang sulat na ito dahil ngayon siguro ang magandang chance para mahanap ko si Tam. Malamang ay nandito din siya ngayon dahil lahat ng students ay nasa labas.
"Uhm, excuse me. Nandiyan ba si Tam?" Tanong ko sa babaeng sa tingin ko ay kasama ni Tam sa kwarto. Kinukuha niya 'rin ang mga gamit niya at inilalagay sa bag na ikinakunot na ng noo ko. Ano ba talaga ang nangyayari?
"Huh? Sino 'yun?" Takang tanong nito sa akin na ikinakunot na 'rin ng noo ko. Unique naman si Tam bakit hindi niya matandaan??
"Si Tam? 'Yung may salamin."
"Ahh 'yun ba? Hindi dito ang kwarto niya." Napangiwi naman agad ako dahil mali pala ang room na pinuntahan ko. Nakakahiya naman dito.
"Pwede mo bang sabihin sa akin kung saan?" Naghahangad na tanong ko sa kaniya. Mukhang mabait naman kasi siya kaso nagmamadali siya kaya medyo nahihiya na ako. Pakiramdam ko naaabala ko siya sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...