Akira's POV
Hindi pa 'rin ako makapaniwalang nakatingin ng diretso habang naglalakad papalapit sa akin ang King at ang Queen ng Sinomous University. Nung una, naaartehan ako sa tawag sa kanila pero seeing them right now, bagay na bagay sa kanilang dalawa ang gano'ng klase ng pangalan. They are literally elegant. Ang ganda at ang gwapo pa nila.
Mabilis 'rin na tumibok ang puso ko nang marealize na magkamukhang-magkamukha kami ng Queen. 'Yung kutis niya at 'yung mata niya ay kuhang-kuha ko. Nakikita ko sa kaniya ang sarili ko. Magkaiba lang ata kami ng ugali.
"Finally! Oh my god, anak!" Emosyonal na sabi sa akin ng Queen at agad akong niyakap. May naramdaman agad akong tuwa sa dibdib ko at pagkapamilyar. Totoo pala talaga na mararamdaman mo 'yun kapag nasa harapan mo na ang totoo mong mga magulang. Biglang gagaan ang dibdib mo. "You're so gorgeous. You got my eyes." Pinunasan niya pa ang luhang tumulo sa mga mata ko at muli lang akong niyakap. Hindi ko inakala na umiiyak na 'rin ako.
Naramdaman ko naman ang bahagyang paghaplos ng King sa buhok ko kaya sa kaniya napunta ang atensiyon ko. "We met again, anak."
"Hala??" Nagugulat na tanong ko nang maalala kung saan ko siya nakita na ikinatawa niya naman agad.
"Yeah. You saw me outside of your university and you wanted my sports car, right? So I gave it to you." Naalala ko bigla 'yun. Gustong-gusto ko kasi ng sasakyan. Well, I know how to drive. My license ako. Ang kaso hindi naman namin afford ang ganiyang klaseng sasakyan dahil nag-iisa siya dito sa Pilipinas so when I saw that literal na hinabol talaga siya ng paningin ko at bait na bait pa ako sa kaniya dahil pinahiram niya ako nun. Like, sports car pero ipapahiram? Pabor na pabor sa akin! At sa sobrang tuwa ko, nang bumalik ako kung saan ko siya iniwan, wala na siya. And then nung pumunta ako sa pulis, ang sabi nila sa pangalan ko daw nakalagay ang sasakyan na 'to. That means, it's mine.
Literal na nagkaroon ng tuwa sa dibdib ko. Dapat pala nagtaka na ako dati dahil nung nakita nila Daddy ang sasakyan kong 'yun, wala silang naging reaksiyon. Parang alam nila na akin talaga 'yun.
"Akala ko ho nanalo ako sa lotto nun." Natatawa kong sabi kaya natawa na 'rin silang lahat.
"Well, ang sabi ko ipapahiram ko lang sayo because I know hindi ka papayag na ibigay ko sayo 'yung car so nung sinubukan mo na siya, nagmadali na akong umalis. Your father is weird, right?" Napatango agad ako sa sinabi niya kaya mas lalo lang siyang natawa.
Sino ba naman kasi ang matinong tao ang magbibigay ng sports car?? Jusq.
"You wanted that car daw kasi anak sabi ng Daddy mo kaya binili namin ng Papa mo." Sabi ng Queen kaya napangiti na ako ng tuluyan. Natutuwa ako!
"Thank you po."
"It's fine. Anyway, we're here to explain. Sasabihin na namin ang lahat, anak. We waited for the right time." Seryosong sabi ng Queen. Ito na 'yung paulit-ulit na sinasabi nila Hannah na right time. Ito na ba 'yun??? Pero hindi ko talaga maiwasang hindi tumitig sa Queen. She's a goddess! Ang ganda ganda niya! "But first, I wanted to sorry, anak. Sorry dahil naranasan mo 'yung ganito kagulong mundo. Sinubukan ka naman naming ilayo. Sadyang paulit-ulit ka lang nagiging kabilang dito kahit gawin na namin ang lahat."
Napakunot agad ang noo ko sa sinabi niyang 'yun. Ang dami na namang panibagong tanong ang nabuo sa utak ko. "May itatanong po ako."
"Go on."
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...