Chapter 2

5.6K 130 1
                                    

Akira's POV


Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako 'yung tipo ng tao na malulungkot kapag hinahatid ng parents nila sa university na papasukan nila.....pero iba ngayon. Malungkot akong lumingon kay daddy habang naglalakad papasok sa napakalaking gate ng paaralan na 'to and for the first time in my life, I saw him smile and even said, 'i trust you' that made me tear up.


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko sila maintindihan bigla. But my mom. I saw her earlier sa window ng room nila na nakatingin sa sasakyan namin na papaalis habang umiiyak. I wanted to ask. But I'm afraid to know their answer.


Malungkot talaga akong pumasok sa isa pang napakalaking gate pero this time, para na siyang bago and when I finally see the entire place behind that big door, I was surprised. Isang malaking-malaking field ang bumungad sa akin at naggagandahang building. Meron pang isang building na mukhang palasyo at hindi ako makapaniwala na nag-eexist sa lugar na 'to ang ganito kagandang mga structures. Ang linis tingnan ng lugar na 'to at halatang mayayaman ang nag-aaral dahil sa ambiance ng lugar.


Actually, pagpasok mo palang sa loob niya meron siyang sobrang laking black fountain sa gitna na may nakapalibot na black angel. Hindi ko alam kung angel ba 'yun but I find it creepy. Para akong nasa ibang dimension. Isama mo pa na ang tahimik talaga sa lugar na 'to. Bukod sa malakas na hangin, wala na ako masiyadong narinig.


"Maganda ba ang aming paaralan, iha?" Napatingin ako kay Miss Gina nang bigla siyang magsalita sa tabi ko. Napaiwas agad ako ng tingin dahil sa hiya sa mga sinabi ko kanina. Judger kasi ako. Maganda naman pala 'to. Pero bakit kasi gano'n 'yung labas? I mean, ang weird lang dahil opposite na opposite 'yung itsura sa labas dito sa loob ng Sinomous University.


"Kind of." Natural lang na sagot ko na tipid niya lang na ikinangiti bago muli akong sinenyasan na sumunod sa kaniya kaya ganon ang ginawa ko. Sa bawat daan na malakaran namin ay humahanga ako. Mas lalo lang kasing naging visible sa akin ang lugar nang medyo maglakad kami. Dito kitang-kita na ang dorm ng mga students at ang mga building. I even saw the gym and their students na nakatingin din sa akin ngayon.


"How is it? Did you like it? The dean wanted every students opinion about the dorm so we can know if we need to fix or change something." Oo na. Sila na ang masipag. Pakiramdam ko tuloy ay mali ang chismis tungkol sa lugar na ito dahil mukhang mababait naman ang mga tao dito. Isa pa, ang ganda kaya. Baka nga mga prinsipe or prinsesa pa ang mga tao dito sa sobrang ganda eh.


"Well, it's good for a student. It looks comfortable." 'Yun naman talaga ang totoo. Maganda ang ambiance ng lugar pero may hindi ako nagustuhan dito. At 'yun ay ang paraan ng pagtingin sa akin ng mga students na mukhang papasok sa kanilang class ngayon or 'yung iba naman ay kakauwi lang.


Parang may mali dahil pagkatapos nila akong tingnan ay magbubulungan talaga sila sa mismong harapan ko. Hindi ako natutuwa. Sana man lang hindi nila ipinapakita na ako ang pinag-uusapan nila.


Tss. Masiyado ba akong maganda para titigan nila ng ganiyan?


*ting!* *ting!*


What the?????


Sa isang iglap ay nawala lahat ng estudyante nang dahil sa bell na 'yun. Luminis ang buong hallway. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero nagpapasalamat ako doon dahil nawalan ng tao dito. Ayoko sa tao na harap-harapan akong pinag-uusapan. Bastos akong tao pero hindi ko pa naman ginawa ang ganon. Patalikod, pwede pa.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon