Akira's POV
Hindi ko maiwasang hindi panoorin ang mga student na isa-isang lumalabas ngayon ng girl's dormitory. They are happy because it's saturday. Kung saan pwede kang lumabas pero kailangan mo 'rin bumalik kaagad.
I find this bullshit dahil binibigyan lang nila ng ikasasakit ang mga estudyante. They just wanted them to feel that they can't do anything because they still need to come back to Sinomous University and fight for their life again for a whole week. Gustuhin man ng mga students na manatili sa mga family nila ay hindi nila magawa dahil kailangan 'rin nilang bumalik.
Now it really makes sense kung bakit madami ang tao sa mga bar every saturday because of this reason. Pahirapan maghanap ng bar every saturday dahil sa dami ng tao kaya napapagdesisyunan namin na 10pm magsimula. Hindi ko alam na ito pala ang reason.
Mga walang puso!
Considerate daw? Ang babata pa ng mga students dito para mawala ang freedom nila. For sure meron ditong below 18. I can't believe that this bullshit university is existing. Gusto kong magsumbong pero alam kong wala 'ring sense 'yun dahil takot ang mga tao sa paaralan na 'to.
"Hindi ka lalabas?" Nagtatakang tanong ni Hannah kaya isinarado ko agad ang kurtina at umupo sa sofa dito sa living room para makausap siya. Nakabihis na siya at excited talagang umalis. Wala sa sarili akong napangiti dahil nami-miss ko na 'rin sila Tita. They are my second parents. Okay na okay lang sa kanila na doon ako matulog o manirahan. They welcomed me like I am their own child.
"Ayoko lumabas. You know, me and my dad are not in good terms. Baka mag-away lang kami if I allow him to see my face." Kailangan ko ng reason para manatili dito dahil may kailangan akong gawin. At alam kong magagawa ko lang 'yun kapag walang mga mata na nagbabantay sa akin.
"Tss. Come on! Sumama ka na sa amin ni Nicole! Pamper yourself, woy! Let's go shopping! Diba, Nicole? If you don't want to see your dad then at least your mom. Malamang miss na miss ka na ni Tita." Pagpupumilit talaga niya at lumingon pa kay Nicole na excited na 'ring lumabas. Nandito kasi ang mga bag nila. Maliit lang naman since babalik din agad sila.
"She's right. Sumama ka na. You need to ready yourself sa isang linggo na namang pananatili sa lugar na 'to." Napangisi ako sa sinabi niya. I'm starting to like her. Direct to the point. Napaisip din ako kagabi. Wala akong ibang pagkakatiwalaan dito kay Hannah kundi si Nicole. I know she loves my friend.
"Hindi na nga. Kayo nalang. Mag-ingat nalang kayo. Don't forget the things I told you to buy ha. Wala tayong stock dito sa room. Kailangan ko ng midnight snack." nakangiti kong sabi bago kumuha ng unan at binuhay ang tv. Merong specific na movie ang pwede mo lang panoorin. Malamang walang news. Hindi mo talaga malalaman kung ano na ang mga nangyayari sa labas. Mas lalo tuloy akong na-curious doon sa post ko. Ano na kayang nangyari doon? Baka kilalang-kilala na ako ng maraming-maraming tao dahil sa tapang ko. Pfft.
"Are you really sure you're not going?" Nagtatakang tanong ni Hannah na ikinatawa ko na.
"Oo nga! Tss. Bumalik nalang kayo ng 8pm. 8pm, Hannah, ha! 8pm! Kapag wala ka pa dito ng 7:30 lagot ka talaga sa 'kin!"
"Akala ko ba 8pm?" Bulong sa kaniya ni Nicole pero narinig ko pa 'rin naman! Sinamaan ko tuloy agad siya ng tingin na parang normal nalang naman sa kaniya dahil nagkibit-balikat pa siya. See? She knows me already.
"Nagbago na ang isip ko, 7:30 nalang pala! Tss. 7:30 ha! Umalis na kayo at baka gawin kong 5pm!" Kunwaring masungit na sabi ko kaya dali-dali na nilang kinuha ang mga bag nila at pumunta sa pintuan.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...