Chapter 23

3.6K 96 3
                                    

Akira's POV


"T-tam?" I can't believe what I am seeing right now! T-that's impossible! How?!


She's gorgeous! No! She looks amazing! 'Yung babaeng mukhang nerd, sobrang ganda na ngayon sa harapan ko! She's even wearing a make-up! And heels! Oh my god! What is happening?! Is she real?!


ANG GANDA NIYA TALAGA AT HINDI AKO MAKAPANIWALA NA 'YUNG NERD NA KINAKATAKUTAN SA SINOMOUS UNIVERSITY AY GANITONG HAHARAP SA AKIN NGAYON!!



WAAAAHHH!!


"You're right, Akira. I'm Tam. Nice to finally meet you in not so weird situation." Natatawang sabi niya. Sabagay, ang weird naman talaga ng pagkikita namin palagi. Ngayon lang talaga medyo naging maayos. Napaisip tuloy ako. Acting lang ba 'yung nagbabaliw-baliwan siya? Kasi kung oo, waaahhh!! Ang galing niya!!


"Anong ginagawa ko dito?" 'Yun talaga ang unang itinanong ko dahil naninibago ako sa lugar kung nasa'n ako.


"Oh??? Aren't you aware of that? I thought.....alam mo na dahil ikaw mismo ang pumunta sa akin dito?" Nakangisi niyang sabi bago umupo sa kama kaya bahagya akong umatras. Naninibago talaga ako sa itsura niya. "Are you tired, Akira? Playing the game?"


"A-ano bang sinasabi mo?" Hindi ko pwedeng ipahalata na apektado ako sa mga sinasabi niya pero mukhang nalaman niya pa 'rin naman dahil ilang segundo niya akong tinitigan bago siya nagsalita ulit.


"Nevermind." Natatawa na niyang sabi at muling tumingin ng diretso sa akin. Naiilang talaga ako sa paraan ng pagtingin niya!!


"M-may gusto akong itanong sayo."


"Pfft. Later, Akira. Don't you like to eat? Aren't you hungry?"


"Hindi." Kumain na kasi ako ng lunch kanina bago pumasok sa laboratory class ko. Kasabay ko si Hannah dahil nga magkaklase kami. Same subjects kami ng kinuha. Nakakatakot mahiwalay ang isa sa amin dito sa University na 'to.


"Well, ako, gutom ako so whether you like it or not, kakain tayo. Let's go." sabi niya at tumayo na. Nagtaka agad ako nang maglakad siya sa isang pintuan na hindi ko man lang napansin! Iisa ang pintuan dito kaya nagtaka na talaga ako ng sobra! Alam kong hindi ito ang kwarto na pinasukan ko kanina. Kaya nasaan ako??


Pero imbes na magtanong ng magtanong, sumunod nalang ako sa kaniya dahil baka masagot din mamaya ang tanong ko. Tama nga ako ng nilapitan. Alam niya ang sagot kung bakit biglang bumalik si Hannah at kung saan siya galing. Alam kong alam niya ang sagot.


Malalim ang pag-iisip ko nang mapatigil dahil may mahabang pasilyo kaming lalakaran. Para akong nasa palasyo. Ganitong-ganito ang mga nakikita kong palasyo sa ibang bansa! Sino kaya ang nakatira dito??


Napakaganda naman kasi talaga ng lugar na 'to! It is not familiar! Pero bahala na!! Mas maganda siya sa Sinomous University! Kung nagandahan ako ng sobra sa Sinomous, mas maganda ang isang 'to. Napatanong na naman ako bigla sa sarili ko. Nasa Pilipinas pa 'rin naman ako, hindi ba?


Mas mabuting itanong ko sa kaniya 'yun dahil wala akong makukuhang sagot sa sarili ko.


"Nasa Sinomous University pa 'rin naman tayo, hindi ba?" Kinakabahan na tanong ko. 'Cause dude, I'm confused! Nagtataka na talaga ako at nananakit na ang ulo ko dahil doon!


"This place is not similar to that hell. Wala man lang 'yun sa kalingkingan ng lugar na 'to, Akira."


"What do you mean?" Naguguluhan na tanong ko na ikinangisi niya kaagad.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon