Chapter 20

3.8K 104 0
                                    

Akira's POV


Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kanila na naglalakad paalis. 'Yung dating tao na laging nandiyan para protektahan ako, wala ng pakialam sa akin.


Funny because I thought he's going to talk to me but he didn't. He didn't even look at me the way he looked at me before. Nagbago talaga ang mga matang 'yun. Ayoko ng titigan ang mga mata niya. Nasasaktan lang ako.


"Anong tinitingin-tingin niyo?! Gusto niyo bang mawalan ng mata?!" Rinig kong sigaw ni Lance na ikinalingon ko. Hindi ko man lang napansin na nandito na pala siya.


Habang nakatingin ako kay Lance hindi ko maiwasang hindi siya hangaan. How can he say all these things knowing na hindi ko kayang suklian 'yung nararamdaman niya? Indeed, si Lance talaga ang pinaka-mature mag-isip sa lugar na 'to. He is so mature enough to know how to handle his own feelings or emotions.


"Why are you looking at me, Akira? Wag 'kang ganiyan. Baka isipin ko, nagugustuhan mo na ako." Natatawa niyang sabi at bahagya pang ginulo ang buhok ko na bahagya kong ikinatawa. Nakakainis talaga ang isang 'yan. Pero thankful ako na dumating siya kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko after marinig ang mga sinabing 'yun ni Wade. "Seriously? Tumawa ka pa sa ganiyang estado ha."


"Tss. Hindi na kita nakita kanina ah. Where have you been?" nakangiti kong sabi pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Seryosong nakatingin sa akin na para bang inaaral niya 'yung emosyon ko sa mga oras na 'to. Ayoko ng ganiyang tinginan ni Lance. Parang every time na ganiyan ang tingin niya, sinasabi niya sa akin na okay lang maging mahina when in fact, hindi ka pwede maging mahina sa lugar na ito. "Bakit ka ganiyan makatingin?"


"Alam mo, hindi mo kailangang magpanggap na masaya ka kapag kaharap mo ako. I know your eyes very well. Kung ikaw hindi ka vocal sa nararamdaman mo, but your eyes are, Akira." Nagpapaintindi na sabi niya kaya bahagya 'kong naikuyom ang kamao ko at emosyonal na nag-iwas ng tingin. Wala na akong pakialam sa mga taong nanonood sa amin ngayon. Wala na talaga. Simula nung nawala sa akin si Wade, parang nawalan na 'rin ako ng pakialam sa opinyon ng iba.


"Paano mo naman nalaman na hindi ako masaya? Eyes are not enough as your evidence to prove that I am not okay."


"Yeah, I know. But it can be my basis to know you very well. Because as I have said earlier. Your eyes speaks what your mouth can't." Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na gano'n na pala talaga kahalata magpakita ng nararamdaman ang mga mata ko. "Kahit pigilan mo ako na alamin 'yun, I can't follow you because those eyes of yours are the first thing that I liked about you. And knowing na nasasaktan 'yun sa mga oras na 'to. Ano sa tingin mo ang dapat kong maramdaman?" Tanong niya sa akin pero mas lalo lang akong naging emosyonal. Parang gusto ko nalang bigla umiyak.


Hindi na ako nagsalita at umupo nalang sa upuan ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang ganito. Ngayon lang. Kaya naninibago talaga ako.


Nung pumasok ako sa Sinomous University, marami talagang mga bagay ang nangyari sa akin na hindi ko inakala na posible pala talagang mangyari. Ang lugar na 'to ang naging basehan ko para maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao dati na totoo ngang may mga tao na hindi mo mapagkakatiwalaan dahil kaya ka nilang saktan without you knowing.


"Hey, let's go."


"Huh? Saan?" Nagugulat na tanong ko kay Lance. Si Patrick ay napatigil pa sa paglalagay ng pagkain sa harapan ko. Ngayon lang kasi dumating 'yung binili niya. "Kumakain ako???"


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon