Chapter 32

3.5K 87 0
                                    

Akira's POV


"H-how? Are you sure?" Hindi makapaniwala kong tanong kay Hannah. Hindi naman talaga nakakapagtaka ang isang 'yun, pero nagugulat pa 'rin ako. Sa lahat ng tao dito sa Sinomous University, isa si Miss Gina sa pinaghihinalaan ko kaya nga nakakapagtaka talaga dahil sa kaniya ako binilin nila Dad.


"Yes. She's our first target. Hindi pa natin ma-identify ang iba but we're already in there. May clue na kami."


"Pero hindi ba——"


"I need to go, Aki." Mahina niyang sabi matapos makakuha ng text kaya napatingin na 'rin ako doon. Kahit siya ay gumagamit na 'rin ng phone sa harapan ko. "Don't think too much, okay? Relax and just enjoy the palace. Sayo naman 'to kaya dapat lang ay mag-enjoy ka. Don't do anything stupid or crazy. I am begging you."


"Pero teka sandali....." Pigil ko sa kaniya na akma na sanang tatayo. Kung ano man ang kailangan niyang gawin dahil sa nakuha niyang message, kailangan niya pa 'ring sagutin ang tanong ko. "Si Wade? Nakita mo na ba siya? Nandito pa 'rin ba siya sa palasyo?"


"Bakit? Kapag sinabi ko ba sayo kakausapin mo na siya? O ayaw mo pa 'rin talaga siyang makausap o makita man lang?" Taas-kilay na tanong niya na ikinaiwas ko ng tingin.


"Where is he?"


Napangisi siya sa sinabi ko. Nakakainis naman 'to. Hindi nalang niya sabihin sa akin kung anong meron. "He's outside. Playing some games, I guess? Why don't you go there?"


"Outside?" At games? Ano namang pinaglalaruan nun doon?


"Oo. Come on. I'll show you."


Ilang tao pa ang bumati sa amin bago kami tuluyang nakarating sa bandang gitnang parte ng lugar na 'to. Doon sa field kung saan ko siya nakita kanina. Pinapalibutan sila ng mga tao na sa tingin ko ay nagti-training pero mas ginusto ng manood nalang.


Nakakapagtaka talaga.


Paano nila naitago ito sa mga estudyante ng Sinomous University? Paano?? Naging pamilyar din ang iba sa akin dahil nakakasalubong ko sila kapag papasok ako sa class ko


"Why are we he——" Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Wade na nakikipaglaban kay Dad! Kay Daddy!


WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE???


"I told you, they are playing. Pfft. Si Wade ang taya." Tuwang-tuwa na sabi ni Hannah sa akin kaya sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "What?"


"Anong nangyayari dito?" Hindi ko makuha kung anong sinasabi niyang si Wade ang taya. Ano ba kasing nangyayari?? Muli ko lang ibinalik ang tingin ko sa harapan dahil hindi ako sinagot ni Hannah.


Ang bilis ng kilos nilang dalawa! Hindi ako makapaniwala! Hindi naman bago sa akin na makitang gano'n ang kilos ni Wade. Pero si Daddy! Ang bilis-bilis ng kilos niya at parang bihasa sa ginagawa niyang pakikipaglaban. Sabagay. Hindi na dapat ako magtaka sa bagay na 'yun. Halata namang may posisyon din si Daddy dito. Hindi naman siguro ipagkakatiwala ni King Rover ang anak niya sa normal na tao lang.


"Oh, that's interesting..."
Nakangising sabi ni Hannah nang makita na pati si Papa ay nakisali na 'rin sa kanila. Pinagtutulungan nila si Wade!


LITERAL!!


Magaling naman si Wade pero halatang nag-iingat siya sa kilos niya! Alam kong ayaw niyang galingan masiyado para hindi masaktan si Daddy at si Papa. Nakakaloka ang nangyayari ngayon!


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon