Chapter 12

4.1K 114 3
                                    

Akira's POV


Nakakainis! Sirang-sira ang araw ko! Pagkatapos ng eksena kanina ay iniwan ko na si Lance doon dahil hindi ko na kaya! Masiyado ng mainit ang ulo ko at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na gumawa ng bagay na hindi karapat-dapat gawin.


Hindi ko bigla maintindihan si Wade. Hindi ba't pinuntahan niya ako para kausapin??? Bakit bigla niyang sinabi ang mga bagay na 'yun?? Inaano ko ba siya? Ni wala nga akong ginawa sa kaniya na masama.


Napalingon ako sa likuran ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin pero kapag lumilingon naman ako ay wala akong nakikita. Pero dahil nga mainit ang ulo ko, hindi ko na pinansin 'yun dahil nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta ng dorm. Tapos na ang class ko ngayon. Wala akong klase nung first subject pero 'yung sumunod ay nagkaroon na. At wala talaga akong kinausap kahit isa dahil mainit ang ulo ko. Nagkaroon ng recitation pero wala naman akong pakialam doon dahil nagbabasa din naman ako ng mga lessons. At isa pa, mas gumagana ang utak ko kapag ganitong mainit ang ulo ko.


"Nakaka——" What the? Napatigil ako sa paglalakad nang makitang sobrang daming tao ang nasa harapan ko sa mga oras na 'to. Literal na hinarang nila ako na papaakyat na sana sa hagdanan dito sa girl's dormitory. May mga student naman kaso lahat sila ay nakatingin lang sa amin ngayon. "What do you need?" Kunot-noong tanong ko kay Jane na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangisi. Na parang hindi siya natutuwa na makita ako sa mga oras na 'to. Well, the feeling is mutual. Nakakairita ang pagmumukha niya.


Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Pagkatapos sirain ng mapapang-asawa niya ang araw ko, siya naman ang nagpapainit ng ulo ko ngayon. Ubos na ubos na ang pasensiya ko at talagang wala silang ititira doon. Hindi ko talaga sila maintindihan kung bakit ako ng ako ang ginugulo nilang dalawa. Hindi nalang nila ayusin ang relasyon nila tutal pansin ko namang hindi maayos 'yun. Hindi 'yung ako 'yung ginugulo nila ng ganito.


"Hindi ba pwedeng binibisita ko lang ang mga malalanding katulad mo?" Napamaang agad ako sa sinabi niya at natawa din agad. Kulang nalang ay humiga ako kakatawa sa sinabi ng isang 'to. Ako?? Malandi? Eh wala nga akong ginagawa eh. Busy ako sa paghahanap sa kaibigan ko pero ito sila at paulit-ulit akong ginugulo.


"Hmm? Bakit hindi mo bisitahin ang sarili mo?" Sarkastikong tanong ko na ikinataas ng kilay niya. Mukhang hindi naintindihan ang sinabi ko. Pero bahala na siya, wala akong pakialam sa kaniya. "Sa susunod, kung sa akin ka galit, pumunta ka dito ng mag-isa lang. Hindi katulad ngayon na parang isang hukbong sandatahan ang lalabanan niyo samantalang nag-iisa lang naman ako. Tss. Scared, huh?" Nakita ko ang pagbalatay ng inis sa mukha niya dahil sa sinabi ko pero nagsasabi lang naman ako ng totoo.


"Baka masaktan ka." Napatingin ako sa babaeng pumigil kay Jane sa akmang pagsugod niya sa akin. Ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko naman kasi siya nakita nung nakaraan tsaka parang mabait siya masiyadong tingnan. Kaklase ko siya sa isa sa mga subject ko.


"Whatever." Masungit na sabi ni Jane at tinanggal ang harang sa kaniya nung babae bago naglakad papalapit sa akin.


"Minamaliit mo ba ako?" Natatawa kong tanong sa kaniya dahil patuloy siyang lumalapit sa akin. Pinigilan na nga siya ng kaibigan niya pero hindi man lang siya nagpapigil.


"Why don't we try?" Hamon niya sa akin. Hindi ako tanga para hindi malaman na nag-aaral siya ng pang-protekta sa sarili niya. Alam ko naman na parte siya ng isang grupo. But who cares? I am not scared. Hindi ako matatakot sa isang tao na alam kong mas takot naman sa akin. Hindi maitatago kay Jane 'yun. Alam kong takot siya sa akin.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon