Akira's POV
"Tara na! Let's go to our class na, Aki." Excited na yaya sa akin ni Hannah dahil may ipapakilala daw siya sa 'kin na kaibigan niya. She's so happy at ayokong sirain 'yun. Okay ng masira ang mental health ko, wag lang sirain ang sayang nararamdaman niya sa mga oras na 'to.
Ito ang unang araw ng pagpasok ko sa shitty na paaralan na 'to. Hindi ko pa naiku-kwento kay Hannah ang nangyari sa akin dito kahapon dahil kagaya nga ng sinabi ko, hindi na siguro niya dapat malaman 'yun. Baka ganon talaga. Magkaiba ang trato sa amin ng paaralan na 'to. Kung sa kaniya ay maganda, sa akin naman ay hindi.
Hindi ako makatulog kakaisip kagabi. Dumagdag din sa isipin ko ang sinabi ni Mommy. May reason sila kung bakit nila ako inilagay sa lugar na ito. Kung gano'n nga, ano 'yun? Anong meron sa lugar na 'to para ilagay nila ako? Alam kong may gusto silang sabihin pero bakit hindi nila sabihin? May pumipigil ba sa kanila?
"Hannah," Tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya agad matapos kunin ang bag niya na nakalagay sa study table. "Why....did you come here?" Isa pa talaga 'yan sa iniisip ko. Alam na alam ni Hannah na delikado sa lugar na 'to dahil siya pa mismo minsan ang nagsasabi sa akin na kahit anong mangyari, wag na wag akong pupunta dito. Alam niya kasi na mahilig ako mag-explore kaya binabantaan niya ako. But looking at her right now, 'yung mga takot na nakikita ko sa mata niya every time na pinag-uusapan ay Sinomous, nawala na 'yun ngayon. Biglang nawala na parang bula.
"A-ano ka ba! Siyempre nandito ka! Alam mo naman na kahit saan ka pumunta, sasama ako!" Wala sa sarili akong napangiti dahil sa sarili niya. Gustuhin ko mang itanong kung bakit parang kinakabahan siya ay hindi ko na ginawa. Lahat talaga kaya kong gawin ma-protektahan lang ang nararamdaman niya.
"Na-appreciate ko na gusto mo akong kasama pero hindi hanggang dito, Hannah. Out of all people, ikaw pa ang nauna dito. Hindi ba't kinu-kwento mo sa akin na hindi normal dito? Na may kakaiba sa lugar na ito kaya kahit ang mga matatapang na tao ay hindi sumubok na galawin 'to?"
"And we're wrong, Aki." Malumanay na sabi niya. "It's good in here. Walang masama, walang kahit ano. And besides, wala akong ibang kaibigan. Ikaw lang. So, please stop asking those questions and let's just attend to our class. Ayokong ma-late."
Hinila na niya ako papunta sa classroom namin. Panibagong building kaya nakakapagod dahil nga walang elevator. Kahit sabihin kong natatakot ako dito, hindi ko pa 'rin maiwasang hindi humanga sa building na ito. Napakaganda ng learning facilities nila! Wala na akong masabi! Ito ang isa sa pinaka-magandang lugar na napuntahan ko. Bawat classroom ay may locker where we can put our things. In short, only the things on that specific subjects are only allowed inside that room. 'Yung mga gamit from the other subjects are prohibited.
It just doesn't make sense. May rules naman pala dito edi sana inilagay nila sa rules na hindi pwede sa lugar na 'to ang mga baliw na tao kagaya ni Miss Gina at nung lalaking nakilala ko doon sa garden.
Ilang minuto kaming naghintay. Tss. Duda akong may professor dito. Baka wala. Scam lang sila. Para saan ba kasi 'yung pinag-aaralan kung hindi naman pala magagamit sa real world? Oo, tama kayo. Ang term ko sa lugar na ito ay hindi totoo. Hindi nga kaya ay nasa hypnotize pa 'rin ako nung lalaking nagbanta sa buhay ko??
Pero kung na-hypnotize ako, bakit kasama ang mga estudyanteng palihim nang tumitingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?? Nakakainis na, ah.
"Kahapon pa sila. Ano bang tinitingin-tingin nila?" Mahinang tanong ko kay Hannah na naiilang din na lumapit sa akin para bumulong.
"Hayaan mo nalang sila. Ganiyan talaga siguro dito. Kahit sa akin nung una. Mabuti nga at wala nung kagaya nung siraulong nangbastos sayo." Natatawa niyang sabi kaya bigla akong may naalala.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...