Chapter 1

8.6K 168 1
                                    

Akira's POV


Napabangon agad ako mula sa higaan ko nang mapanaginipan ko ang ala-alang ayaw na ayaw ko ng balikan. It's been what....a month since that thing happened and until now, I can't forget it. Parang every time may darating sa buhay ko para patayin lang ako.


Those words. Kabisado ko pa ang mga salitang sinabi niya pero hindi ko na maalala ang mukha niya. It's dark. I can just see his eyes and his lips because of the moon. Not his entire face. At unti-unti ko na 'rin siyang nakakalimutan sa hindi ko maintindihan na dahilan.


"Oh god, are you okay? Did you have a nightmare again?" Nagugulat na tanong ni Mommy na kakapasok lang ng pintuan ng kwarto ko. Natakpan ko pa ang mata ko nang buksan niya ang kurtina dito sa kwarto ko, nag-aakalang mataas ang sikat ng araw pero baliktad ang bumungad sa akin dahil natanaw ko agad kung gaano kadilim ang labas na parang merong napakalakas na ulan ang darating. Ang lakas pa ng hangin.


Sa klima palang ng panahon, hindi na maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko ay may darating na delubyo ngayong araw na ito.


"I'm fine." Napangiwi pa ako nang panoorin siyang kunin ang mga damit na nakakalat sa buong kwarto ko. Nahirapan kasi akong pumili ng damit kagabi dahil nga galing ako sa party. Kakauwi ko nga lang ata. Ako lang ata talaga 'yung tao na balak ng patayin, nakuha pang pumunta sa mga party kung saan ko nakausap ang lalaking 'yun.


Sinubukan ko pang tumayo para sana makapaghilamos man lang nang muntik na akong mahulog sa kama dahil medyo umiikot pa ang paningin ko. Ang dami kasi naming nainom kagabi. Kinakailangan kong mag-ingat kaya nung mga unang linggo ay palagi akong umuuwi ng walang tama pero kagabi ay iba, since kasama ko ang best friend ko na si Hannah na talaga namang nag-promise pang siya daw ang bahala sa akin, nag-inom ako ng malala. I even danced with someone na hindi ko na maalala. Basta ang alam ko, sumali ako sa mga palaro sa bar kagabi. Ni hindi ko 'rin alam kung nanalo ba ako or what. Literal na wasted talaga ako kagabi.


Gusto ko sanang humiga maghapon dahil ang sakit talaga ng ulo ko pero kailangan kong maligo dahil nandito daw si Daddy na naghihintay para sabay-sabay kaming mag-breakfast. Sa ideyang 'yun palang parang ayaw ko ng sumabay sa kanila. Dad has a habit of spoiling things and controlling my life.


Bumaba na ako para kumain kung saan ko natagpuan si Mommy na naghahanda ng breakfast at si Daddy na, as usual, nagbabasa ng newspaper. Hindi niya man lang ako napansin. Tss. Pero well, medyo thankful ako doon. At least, he's paying attention to something, right? He won't notice m——


"Did you drink.....again?" Dahan-dahan akong napatingin sa kaniya na masama na ang tingin sa 'kin.


Alright. Here we go again...


"Yes, Dad." walang ganang pag-amin ko. What's the sense of lying kung alam niya naman na ang sagot? He probably heard it to his body guards na sinusundan ako every freaking time. Nahihiya na ako sa mga friends ko dahil nahahalata na nila 'yung ganon. I'm old enough to take care of myself. I don't need someone to protect me.


"How many times do I need to tell you that you need to stop drinking, huh, Akira?! Palagi nalang ganito! Are you an elementary student na kailangan pang paalalahanan every freaking time?!" Great. What a nice morning. It fucking made my day. "You are grounded whether you like it or not! For pete's sake! Are you really that hardheaded, huh?! You're not even listening to me!"


Hindi man lang ako natinag sa pag-inom ng tubig ng ibalibag niya sa harapan ko ang newspaper na hawak niya. Bakit ba kasi makikinig ako kung paulit-ulit ko nalang naman na naririnig ang mga salitang 'yun? Nakakarindi. If he's going home just because of that, he can just leave and enjoy his life. Inaano ko ba siya?


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon