Chapter 31

3.5K 85 2
                                    

Hannah's POV


Natatawa akong umalis sa lugar na 'yun dahil talagang pinagtulungan nila si Wade. Pfft. Ikaw na ang bahala diyan Wade tutal ikaw naman talaga ang gustong makita nila Tita.


Nagkita kasi kami sa kitchen at sinabi sa akin na kung kilala ko daw ba si Wade. Syempre sumagot ako at sinabing oo. Samahan ko daw sila at may sasabihin sila. Noong una ay nagtaka pa ako kung ano ang kailangan nilang sabihin. 'Yun naman pala ay tatakutin lang ang isang 'yun.


Naglakad na ako papasok ng palasyo para sana kausapin na si Aki. Balita ko kasi ay alam na niya ang lahat. Nagkausap na 'rin sila ni Andrei and also ni King and Queen Rover. Alam kong naintindihan niya ang mga sinabi nila Andrei. I know Aki. She's kind and understanding kaya nga mas gusto niyang ipahamak ang sarili niya kesa sa mga taong nasa paligid niya.


"What are you doing here??" Napatigil ako sa akmang pagbukas ng pintuan nang marinig ang boses na 'yun sa likuran ko. Ilang beses pa ata akong lumunok bago dahan-dahan na lumingon sa kaniya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Akala ko ay nandito siya sa loob ng kwarto niya. Anong ginagawa niya dito sa hallway?


"H-hinahanap ko lang si Tam. Did you see her?" Damn it! Kinakabahan ako at hindi na ako natutuwa doon. Hindi dapat ako kinakabahan ngayon para makausap siya ng maayos pero narinig ko palang ang boses niya, nanlalambot na ako.


"I don't know. Ask them. Hindi ko pa naman siya nakasalubong. Anyway, how are you?" Nagugulat akong tumingin sa kaniya sa tanong niyang 'yun. Nakangiti pa siya! What the hell is happening??? May hindi ba ako nalalaman??! "Hoy! Tinatanong kita. Kamusta ka? Nakita ko kayo nung nandoon sa Sinomous si Troy."


"H-hindi ka na galit sa akin?" Hindi ba't galit siya? Hindi niya nga kami kinausap ng ilang araw. Nilayuan niya kami. Naiintindihan ko naman 'yun pero may takot pa 'rin na baka hindi na niya ako tuluyang kausapin.


"Hindi naman ako galit eh." Nakangiwi niyang sagot na ikinamaang ko lalo. Hindi ko inaasahan 'yun.


"Seryoso ba?"


"Oo nga. Tss. Umalis ka na nga at nahihirapan akong kausap ka. Para kang nakakita ng multo. Hanapin mo na si Tam. Sumasakit lang ang ulo ko sa inyo." Nakasimangot na sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay dahil nakaharang ako sa pintuan kaya tumabi ako samantalang dumiretso naman siya papasok sa loob.


"Mamaya ko nalang siguro siya hahanapin." Natural na sabi ko at sumunod sa kaniya papasok. Dumiretso naman siya agad sa kama at umupo kaya gano'n na 'rin ang ginawa ko. "Ikaw, kamusta ka? Are you okay? Ilang araw kang tulog."


"Kaya nga daw eh. Nakakagulat ang bagay na 'yun. Siguro ay dahil doon sa itinurok sa akin nung siraulong Troy."


Natawa nalang ako at bahagyang tumingin ng diretso sa kaniya. 'Yung tinurok kasi ni Troy kay Aki ay pang-patulog. Kaya ayun, ilang araw siyang tulog. Kakaiba din talaga ang isang 'yun. Ang creepy. "Ano palang ginagawa mo dito mag-isa? Why don't you go outside?"


"Naguguluhan pa ako. Hindi pa 'rin ako sanay, Hannah. Ang dami ko pa 'ring tanong. Parang hindi pa ako ready na malaman ang mga sagot." Tipid na ngiting sabi niya bago seryosong tumingin sa akin na ikinaiwas ko ng tingin.


"I-i'm really sorry."


"Bakit Hannah? Why did you lied to me? All this time, 'yung akala kong hindi kayang ipagtanggol ang sarili niya ay kabilang sa isang organisasyon na hindi biro ang kakayahan? From the world they have, Hannah. It's different. Kakaiba na 'yun sa normal na mundo na meron ang isang tao. It is dangerous! Hindi ko matanggap na pinagmukha mo akong tanga." Mahinang sabi niya na halos pabulong nalang. Alam kong ayaw niyang ma-offend ako sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapaniwala na kahit nagsinungaling ako sa kaniya ay nakuha niya pang mag-ingat wag lang akong masaktan. "Halos mamatay ako kakahanap sayo. Sana sinabi mo nalang sa akin na okay ka lang. Kasi sobrang nag-alala talaga ako. Kahit itanong mo pa kahit kanino. Mukha na siguro akong tanga nung mga panahon na 'yun 'no? For sure pinagtatawanan niyo na ako nun dahil 'yung mga taong hiningian ko ng tulong para mahanap ka eh alam naman pala kung nasaan ka."


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon