Chapter 25

3.7K 98 3
                                    

Akira's POV


Hindi ako mapakali habang nanonood ako ng movie sa napakalaking flat screen tv sa room ni Wade. Paano ba naman? Kanina pa may nakatitig sa akin tapos nakangiti pa! It's uncomfortable! I can't move properly! Nakakainis siya! Kapag ganiyan 'yung mga ngiti niya, naaalala ko 'yung nangyari kanina.


We did it again sa cr! Hindi siya napapagod!!!! Ilang beses pa naming ginawa 'yun doon bago niya naisipang tumigil nung sinabi ko lang na nagugutom na ako.


Paanong hindi kasi ako magugutom? Jusko.


Ang sakit-sakit na 'rin ng akin. Pero kaya pa naman ng isa pa. Joke!


"Ano bang ginagawa mo?" Nakataas na kilay kong tanong.


"Nothing. Just watch, Akira." itinuro niya pa 'yung television sa harapan habang nakatingin pa 'rin sa akin kaya napairap na ako at sinamaan talaga siya ng tingin.


"How can I watch properly kung ganiyan ka makatingin? It's not comfortable, Wade. I will leave you here kapag hindi ka pa tumigil so please, stop staring at me." Madiin at nagbabanta na sabi ko. Ang kulit kulit niya. Kung hinayaan niya lang talaga ako na makaalis kanina, umalis na ako. Anong oras na kasi at ang sabi niya, dito na daw ako matulog. Wala namang kaso sa akin kaya pumayag na 'rin ako.


"Tss. What's wrong? You can just pretend that I'm not here. It is not that difficult. Do it." Utos niya na parang ang dali talaga nung sinasabi niya. Hindi ako makapaniwala sa isang 'to. Nakalunok ata ng expired na gamot.


"Gago ka ba?! Kanina ka pa. Gusto mo bang masuntok??" Ang lakas ng loob ko maghamon ng gano'n sa kaniya eh siya nga ang pumangatlo sa pinakamataas dito sa Sinomous University. Nagresearch din kasi ako tungkol doon. Ang sabi, hindi lang daw dito sa loob ng University nasusukat ang galing ng mga nasa ranggo. Pati daw sa labas ay kinakatakutan sila. Hindi ko lang talaga alam dahil hindi naman ako parte ng organisasyon nila.


Ibig sabihin, si Andrei na mabait. Kakaiba kapag nasa organisasyon na nila. Hindi mo talaga masasabi ang katangian ng isang tao sa isang tinginan mo palang.


"Tss, fine. Hindi na ako titingin. Okay ka na ba doon?" Lihim akong napangisi dahil akala ko talaga ay susundin niya ang sinabi niya pero pagkatapos ng ilang minuto, naramdaman ko na naman ang mga titig niya sa akin. Nakakatakot ang pinapanood ko pero mas natatakot ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.


"Itutumba na talaga kita." Masama ko siyang tiningnan na napataas pa ang dalawang braso dahil guilty na nahuli ko siya. "I said, don't watch me."


"Can't help it eh."


"Pigilan mo."


"How? You're so beautiful, Akira. Don't you know that?"


Tss. Magaling talaga siya sa mga ganitong salita. Hindi na ako magtataka doon. Napaisip tuloy ako. Ilan na kaya ang naging girlfriend niya? Ang dami ko pang hindi nalalaman at isa na doon ay kung ilang taon na siya dito sa Sinomous University.


"May question pala ako." Natural na sabi ko at humarap sa kaniya na napataas lang ang kilay.


"Go on."


"Ilang taon ka na dito sa Sinomous University? I mean, bago ka lang din ba? Like transferee?"


"No. Kami ang first batch na nakulong dito sa Sinomous University. I think I'm 16 that time? Senior high school student." And he is 4th year now college now. Ibig sabihin, he's been here for almost 7 years. 7 years na siyang nakakulong sa paaralan na 'to.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon