Nicole's POV
(The night after the incident)"Ano?! Paano mangyayari 'yun??" Hindi makapaniwalang tanong ko. Si Akira? Muntik nang ma-rape? Sino naman ang demonyong gagawa nun? Alam kong kakaiba ang paaralan na 'to pero hindi ko inakala na darating sa gano'ng punto. Alam na ba ni Miss Gina 'to?
"Oo nga. Tss. Bakit kasi hindi ka lumalabas ng dorm mo? Nagkakagulo na sa floor nila Akira, hindi mo man lang alam. Ano bang ginagawa mo?" inis na tanong sa akin ni Peter na ikinasama ko ng tingin. Parang kasalanan ko pang wala ako. Masama na palang matulog ng maaga ngayon.
"Late na 'yun, okay? Gabing-gabi na nung nangyari 'yung muntik ng ma-rape si Akira at tulog na ako nun kaya malay ko ba? Isa pa, alam mo namang before 10 pm ako natutulog for skin care routine ko. Kung alam ko lang na may gano'n palang mangyayari, edi sana hindi na ako natulog at binantayan nalang siya. Gano'n ba? Gano'n ba ang gusto mo?" singhal ko sa kaniya na ikinamaang niya naman agad. Nakakainis kasi eh. Gigisingin ako ng ganitong oras para lang pagalitan ako dahil hindi ako tumulong kay Akira.
"N-nicole,"
"Ano bang ipinunta mo dito, Peter Wall?" Pagputol ko sa sasabihin niya. Naiinis ako sa pagmumukha ng isang 'to! Gwapo nga. Nakakairita naman! Malamang sa malamang kasi mag-aalala ako dahil kaibigan ko si Akira. Pero ngayong nasa harapan ko siya, ipinamukha niya lang sa akin na parang ako na 'yung pinaka-walang kwentang kaibigan dahil wala ako doon. Napaisip din naman ako na kung nando'n ako, sa tingin niya ba may magagawa din ako? Matigas ang ulo ng mga taong 'yun at hindi talaga sila mapipigilan sa gagawin nila kaya anong laban ko doon?
"Pinapatawag ka ni Wade. Ikaw na daw muna ang bahala kay Akira dahil may aasikasuhin kami." Biglaang sabi niya na ikinairap ko agad. 'Yun naman pala ang ipinunta niya dito kung ano-ano pa ang sinabi.
"Sige. Pupunta na ako doon. Umalis ka na dito." sabi ko at isasara na sana ang pintuan para hindi ko na makita ang pagmumukha niya nang pigilan niya ang pagsara nun. "Ano na naman?"
"N-nicole, hindi ka ba pwedeng makinig muna sa akin? Kaya ko namang magpaliwanag eh. Promise. 5 minutes o kaya naman 2 minutes lang. Bigyan mo naman ako ng oras magpaliwanag oh."
"Bitawan mo ang pintuan." madiin kong sabi na ikinabuntong hininga na niya at dahan-dahan tinanggal ang kamay niya sa pintuan kaya isinara ko na 'yun. Bahala siya sa buhay niya. Ang lakas ng loob niyang mambabae at ang malala pa si Lisa! The hell! Nalasing daw. Gago pala niya! Hindi dahil sa alak 'yun! Ginusto niya din 'yun.
Okay sana kung matino eh. Kaya lang bakit 'yung babaeng 'yun pa na kaibigan ni Jane. May gusto kasi sa kaniya 'yun pero wala na akong pakialam doon. Nakakairita sila. Sana pala talaga nandoon ako kagabi edi sana nabawian ko si Lisa. Si Lisa na tinalo pa ang linta sa sobrang kati niya.
Peter's POV
Buong gabi ata kami naghanap ng mga taong sangkot sa gulong 'yun. Tss. Nagsitakbuhan kasi nung inihatid namin si Akira sa room ni Wade. Ayan tuloy, halos inabot na kami ng umaga. Hindi ko 'rin naman kasi inaasahan na magtatago 'yung iba. Lakas ng loob manakit, takot naman pala.
Pero ano pa nga ba ang magagawa nila? Halos kilala lahat ni Wade 'yung mga nando'n. Kaya namukhaan niya. Kakaiba ang memorya ng isang 'yun. Matatakot ka nalang talaga kay Wade kapag nakita mo siya nung mga oras na 'yun. Kahit ako natakot. Natakot ako na baka mapatay niya ang mga estudyante. Hindi pwede mangyari 'yun dahil masisira ang nabuong plano.
Samantalang ako, nung nakita ko palang si Akira kagabi, nawala na ako sa wisyo. Hindi din naman na kasi nalalayo ang loob sa akin ni Akira. Para ko na 'rin siyang kaibigan. Kaibigan na gusto kong protektahan. Gusto ko talaga siyang protektahan. Masiyado kasing matapang si Akira kaya akala ng iba hindi niya kailangan ng poprotekta sa kaniya. Pero wala eh. Inutos din sa amin ang bagay na 'yun kaya mas lalo lang naging pabor sa amin.
BINABASA MO ANG
Sinomous University
Mystery / ThrillerWhat if you are being transferred to what they call a "Sinomous University"? From the name itself, it really does sound weird. As a normal teenager who's really fond of partying, I sometimes heard that the famous Sinomous University does not care ab...