Chapter 20

209 7 1
                                    

Chapter 20

Nakakaantok at nakakapagod naman ang tatlong oras na byahe papunta dito sa Batangas.

Nakahiga lang ako dito sa king size bed, habang si Lr naman ay inaayos ang gamit naming dala. Kung tutuusin mas pagod sakin 'tong si Lr dahil siya ang nagddrive. Nasa Cavill's hotel kami dito sa batangas isa sa pinaka five star na hotel, kaya dito kami nagcheck in.

Nakita ko sa gilid ng mata ko si Lr na pumasok sa bathroom siguro ay tapos ng magayos ng gamit namin. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil inaantok na rin naman ako.

Mababaw lang ang tulog ko kaya nagising agad ako ng may nahiga sa tabi ko, si Lr. Nanuyo ang lalamunan ko ng makita kong nakaboxer lang ito at medyo basa pa ang buhok kapansin-pansin ang V line niya dahil nakaboxer nga lang sya, ang abs niya at tone muscles at nakapaglalaway.

Pumukit ako ng maramdaman kong uminit ang pisngi ko at Alam kong namumula na ako. Lr chuckle, kaya lalo akong namula tumalikod ako sa kanya dahil hiyang hiya na ako.

"Smell good... " Niyakap niya ako at inamoy ang leeg ko. Tumindig ang mga balahibo ko  ohhh my gosh.

Dumiin ang pagkakapikit ko dahil niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"I miss you.... " Sweet words came out from his mouth thats melting my heart.

"I miss you too.... " I answer with full of happiness

Mas niyakap niya pa ako at may naramdaman akong bagay na tumutusok sa likod ko kaya napaupo ako.

"Why? " Natatawang tanong niya.

"Maghahalf b-bath muna ako" Sagot ko at tumayo ako para kumuha ng damit sa bag namin.

Pagkakuha ko ay pumasok na agad ako sa bath room at rinig ko ang tawa ni Lr 'tss'minadali ko ang paghahalf bath ko dahil baka pumasok si Lr napaka manyak pa naman non.  Sinuot ko ang fitted dress kong pantulog at lumabas na.

Nakita kong nakangising bumaling sa akin si Lr.  Tinaasan ko siya ng kilay. "What? " Mataray kong tanong.

"Moody" Pabulong niyang sabi pero rinig ko naman.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Lr.

"5:48 PM" Sagot naman niya sa akin.

Hinila niya ako sa veranda, napanganga ako sa magandang tanawin papalubog na ang araw at kulay pink ang ulap. "Ang ganda... "

"Ang ganda... " Napatingin ako Kay Lr "ng asawa ko" Napangiti ako sa sinabi niya, ito talagang lalaking to may tinatago rin kasweetan.

Tinititigan ko siya kapansin pansin ang saya sa kanyang mga mata gaya ko ganoon rin ang nararamdaman ko.  Basta't kasama ko siya at akin siya at kuntento na ako.

Niyakap ko siya dahil miss na miss ko na siya.  Nabigla siya pero mabilis siyang nakarecover at niyakap niya rin ako. Sumandal ako sa dibdib niya

"Miss me? " Tanong niya, tumango ako.

Kumalas ako sa pagkakayakap at humarap ng ayos sa kanya.  Niyakap ng dalawang palad ko ang pisngi niya hinila papalapit sa akin at siniil ang kanyang mapupulang labi tumugon agad siya sa mga halik ko naramdaman kong ngumiti siya sa pagitan ng halik namin napangiti rin ako.

Nang tumigil kami sa halik na napakatamis ay habol hininga kami dahil halos 5 minuto ang itinagal noon.

"Kain na tayo" Anyaya ko sa kanya.  Ngumiti siya at pumasok na kami sa loob.

Umupo ako sa dinning at tumawag naman siya Lr sa lobby para um order. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin.

"Kamusta na pala company mo? " Tanong ko sa kanya.

Bumaling siya sa akin ng nakakunot ang noo "Atin!" Pagtatama niya sa akin " Well maayos naman,  busy lang talaga d-dahil maraming nagiinvest"

Biglang may nagdoorbell kaya tumayo siya Lr at sumunod naman ako papunta sa pinto. Pagbukas ng pinto ay nabigla ako.

"Mary deine? " Nagtatakang tanong ko dahil nakasuot ng ito ng pang staff at may sale ng foods.

"V-Vien?? Ayala k-ko si L-lance lang" Pabulong niyang Sinabi pero rinig ko Parin. Patingin tingin pa ito Kay Lr na nakaboxer lang, bakit kasi naka boxer lang tong lalakeng to?

Pumasok siya dala ang foods at sinerve niya sa table. Nagbayad agad siya Lr.

"Thanks Lance" Sagot ni Mary Kay Lr.

Pagkalabas ni Mary deine ay umupo agad kami ni Lr at nagsimulang kumain.  Halatang mga special ang inorder ni Lance masasarap ito gaya ng dishes na hinahain sa hotels namin nina Lr.

Lance's POV

Tahimik kaming kumakain ng mushroom soup at Italian carrot soup na inorder ko kanina lang. 

"Masarap right? " Tanong ni VL sa akin.

"Oo pero mas masarap ka... " Napakunot ang noo niya sa Sinabi ko
"Magluto" Natatawang Sabi ko kaya umaliwalas ang kanyang mukha

"Tikman mo itong Spanish fried meat" Sabi ko at sinubuan siya ng ginayat kong meat.

"Masarap" Sabi niya ng malunok na niya ang sinubo ko sa kanya.

Ngumiti ako sa kanya.  Nagpatuloy kami sa pagkain at ng matapos na kami kumain ay nilagay na nya sa gazebo ang mga plato at pumasok na kami sa room namin.

Dumeretso siya VL sa bathroom kaya sumunod ako pagpasok ko ay naglalagay siya ng toothpaste sa toothbrush niya.  Pagkatapos niyang mag toothbrush ay sumunod agad ako. Nang matapos ako ay nakalabas na siya.

Paglabas ko sa bathroom ay na kita ko siya at nanonood ng Avengers.  Tumabi agad ako sa kanya. 

"Favorite? " Tanong ko.

"Sobra.. " Sagot niya habang nakatutok parin ang tingin niya sa flat screen. Napapailing na lang ako dahil nakangiti siya habang nanonood.
Kaya madali akong nahulog sa babaeng ito dahil sa mga bagay na hindi ko inaasahan meron ang isang Babae, Ang swerte ko naman. 

"Tatapusin mo yan? " Tanong ko sa kanya.

"Oo,  matulog kana at pagod ka sa pagddrive" Baling niya sa akin. Napangiti ako, she's always like that to me.

"Hindi sasamahan kita" Sagot ko sa kanya

"You sure? " Tanong niya

"Yeah sure" Sagot ko sa kanya.

Humilig siya sa balikat ko inakbayan ko siya para mas mapalapit sa akin.
Halos mapapikit na ako dahil sa tagal ng movie na pinapanood ni Vl.  Pagod na talaga ako.

"Magkakilala pala kayo ni Mary Deine?" Tanong ni Vl sa akin.

He Is The ReasonWhere stories live. Discover now