Chapter 17

302 5 0
                                    

Chapter 17

"Saan ba kase tayo pupunta pareho tayo ng tshirt, sapatos, relo ano to goals?!" Tanong ko sa kaniya. Nakasakay kami ngayon sa kotse nya at nagddrive siya.

"Magddate tayo" sagot nya kaya na pa lingon ako sa kanya.

"Date?! Hindi na tayo bf at gf tapos date?! Magasawa tayo hah!!!" Sigaw ko sa kanya kaya natawa lang sya.

"Kaya nga tayo magddate kase naging magasawa agad tayo at paalala hindi tayo naging mag bf at gf okay" Sabi niya at tumawa ng tumawa.

"Tsk. Saan ba kase tayo magdadate?!" Tanong ko sa kanya.

"Kahit saan" sagot niya, hindi na ako nagtanong dahil walang kwenta naman ang isasagot niya sa akin.

Tumigil kami sa isang Japanese Garden, bumaba na si Lr at pinagbuksan ako ng pinto.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Date?" Patanong nyang sagot at hinila na ako papasok.

Pagpasok namin ay maaliwalas ang loob may mga puno na nagsisislbing silong fresh air din dahil marami rami ang puno nakakarelax, napakaganda ng paligid. Naupo kami ni Lr sa damuhan at may puno sa tabi kaya hindi mainit.

"Napakaganda naman dito" sabi ko kay Lr nilingon ko naman siya at nakangiti siya sa akin.

"Maganda nga dito" sabi niya at mas lumapit sa akin.

Pinagmamasdan ko lang ang mga punong nagsasayawan mga ibong nagliliparan. Mas marami ang mga puno kesa mga bulaklak may lake din. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat ni Lr inakbayan naman niya ako. Ilang oras din kami dun bago napagdesisyunan ni Lr na pumunta sa Mall para mag lunch.

Nandito kami ngayon sa HCH, kumakain lang ako ng kumain.

"Inubos mo lahat" reklamo sa akin ni Lr.

"Edi umorder ka!" Sabi sa kanya. "Iyo naman to eh" sabi ko pa sa kanya at natawa na lang siya at kumamot sa dulo ng ilong nya na madalas niyang gawin.

"Correction asawa ko atin to" sabi niya at tumawa na naman.

"Umuwi na tayo" tumayo na ako at lumabas.

Sumakay na ako sa kotse at hinintay siyang sumunod. Hindi nagtagal ay sumakay na rin siya.

"Uuwi na talaga tayo?" Tanong niya.

"Oo, magswiswimming na lang ako" sabi ko sa kanya ng nagtataray. Ngumiti muna siya sa akin bago paandarin ang kotse.

"Bakit ka tumingin ng tumingin sa akin?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa kami nakakarating sa bahay nagddrive pa rin si Lr at kanina pa siya sulyap sa akin.

"Wala lang masama bang mapansin kong ang ganda mo pag short hair ang buhok mo?" Tanong niya.

"Tsk"

"Nakakaakit ang ganyan asawa ko... lalo na at maikli na ang buhok mo kapansin pansin ang leeg mo" sabi niya gamit ang husky voice niya.

"Edi magpahaba ka din ng buhok hanggang leeg tsk" naasar na sagot ko sa kanya pero napapangiyi na lang ako sa lokohan ni Lr.

"Sayo lang bagay yan eh.."sabi niya.

Medyo malayo ang HCH kaya matagal tagal rin kami bago maka uwi sa mansion namin. Nang makarating kami ay punagbuksan ulit ako ni Lr ng pinto. Sabay kaming pumasok sa kwarto namin.

He Is The ReasonWhere stories live. Discover now