Chapter 32
I was watching a movie ng lumabas na si Chris sa kusina. Medyo magulo pa ang buhok nito.
"Uuwi lang ako at magpapalit." Paalam naman nito sakin. Pinapaikot nito sa daliri niya ang susi ng kotse. Bakit ka ba ganyan Captain America?
"Yes, boss, it's already your work time and you're already late." Paalala ko sa kanya. Yakap ko ang mga tuhod ko habang nakatingin sa kaya.
"Hindi ako late dahil hindi ako magtatrabaho, at sabi ko pagtayo ang naguusap tagalog?" Sabi niya na may halong inis.
"Sorry, boss." Napapakamot na lang ako sa batok ko.
"Sige, aalis na ako. Babalik ako." Ngumiti naman ito bago tuluyang umalis.
Napabuntong hininga ako.
How i hate to be alone, being alone makes me remember him.
Dahil nilalamig na ako ay kumuha ako ng comforter sa kwarto at bumalik sa living room.
Nanood na lang ulit ng movie. When 12 noon came, i ordered food. Nilalamig at nahihilo na rin ulit ako. Hindi ko na kakayaning magluto. Mabilis naman dumating ang order ko. May kumatok sa pinto. Ito na 'yon. Nang buksan ko iyon ay binigay sa akin ang order ko at nagbayad ako. Isasara ko na sana ang pinto ng nakita kong naglalakad papalapit si Chris. Nang makalapit ito sa akin ay tinulungan ako nito sa hawak kong boxes.
"Hey.. ano ng nararamdaman mo?" Tanong nito habang nilalagay ang boxes sa center table.
"Nahihilo at nilalamig ulit." Sagot ko at naupo ulit sa couch.
Lumapit ito sa akin at inilagay ang likod ng kamay sa noo ko. "Tsk. Bumalik ulit,"
"Okay lang yan, kaya ko pa naman, konting pahinga lang." Nakangiti kong sagot sa kanya at kumuha ng food sa lamesa.
"I'm sorry, medyo natagalan ako, dumaan lang ako sa Resto." Sabi nito, medyi kumunot ang noo ko.
"Okay lang, boss. Tyaka kailangan ka talaga dun 'no." Tumabi ito sa akin at binaba ang dalang malaking paper bag sa paanan niya. Ngayon ko lang napansin.
"Wag mo na nga ako sabing tawaging Boss kapag tayong dalawa lang, wala ka sa trabaho." Sumandal pa ito sa couch at pumikit. O M G... katabi ko si Captain America?
"Sorry, hehe.." napakamot ako sa sintido ko. "Kain kana, tanghali na, oh." Inabutan ko siya ng isa pang box sa lamesa. Kinuha naman niya 'yon.
Npatingin ulit ako sa dala niyang paper bag, napansin niya ang pagsulyap ko 'don. "My clothes," maikling sagot nito at nagsimulang kumain na rin.
"Dito ka ulit tutulog?" Tanong ko at sumubo ulit.
"Yeah, wala kang kasama. I'm just worried. I am your only friend here." Napatango naman ako. Magtagalog daw, siya naman ang english ng english.
Nang matapos akong kumain ay tumayo ako, iniwan ang comforter sa couch.
"Where you going?" Tanong ni boss, kumakain pa ito.
"Tooth brush?" Iginalaw ko ang kamay ko na parang nagtotoothbrush. Natawa naman ito. Pumunta na ako sa kwarto ko at dumeretso sa bathroom.
Pagkatapos ay bumalik na ako sa living room. Wala doon si Chris at mga boxes, mukang tinapon niya. Nilipat ko naman sa HBO channel ang pinapanood ko. Captain America The First Avenger ang palabas. Iniyakap ko ulit ang comforter sa katawan ko. Lumabas naman si Chris galing sa kusina. Naupo ito sa tabi ko. Tapatingin ito sa tv. Nang makita ang pinapanood ko ay tumingin 'to sa'kin.
YOU ARE READING
He Is The Reason
RomanceLucky... is the word for the person who met the one, their the one. Am I unlucky? Do I deserve to experience all these? Why did he do this to me? What's the reason? Whose he reason?