CRAZY FIRST LOVE Chapter 11

213 12 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 11

" Life is too short "

MISSY's POV:

Pag-uwi ko sa bahay, agad kong hinanap ang naiwan kong cellphone na noon ay nakapatong lang sa aking wooden drawer.

" I'm on my way, hihintayin kita sa park."

Huling text message sa akin ni Liam. The rest ay puro missed calls na galing sa kanya. Pero may isa syang message na iniwan sa aking voice call recorder.

" Missy, I've been calling you, pero hindi kita ma-contact. I am really sorry, kung hindi ako nakarating. Biglaang nagkaroon ng emergency, nasa St. Paul Medical Hospital ako ngayon. It's a long story to tell, but I will eventually explain it to you. Promise, I'll make it up to you."

Kinabahan ako sa message nya. Hospital? Anong ginagawa nya sa hospital? Sinubukan ko syang tawagan pero busy na ang line nya. Kaya kahit dis oras na ng gabi, pinilit kong pumunta ng hospital. Mga thirty minutes din ang layo ng St. Paul sa lugar namin kapag sumakay ka ng taxi. Wala na kasing jeep pag ganitong oras.

Ang sabi ng nurse sa information, wala daw Liam Alonzo na naka-confine doon pero mayroong nag-iisang Alonzo ang apelyido na may pangalang Salvador. " Salvador Alonzo", I keep repeating it on my mind. Sino kaya sya? Connected kaya sya kay Liam? Kahit hesitant ako about the person, nagbakasakali pa rin ako na meron silang koneksyon.

" Nasaan po ang pasyente?" tanong ko sa babaeng nagpapalit ng bed sheet sa kwarto, marahil isa sya sa hospital housekeeper.

" Nasa laboratory pa po, baka mamaya lang nandito na 'yon." Sagot nya.

Naghintay na lang ako sa nakahilirang upuan sa labas ng kwarto. Ilang minuto pa ang nakalipas pero wala pa ring dumadating. Napasandal ako sa wall at napahikab. Nakakaramdam na ako ng pagod. Kumukurap-kurap, at ang bigat na ng mga mata ko. Anytime now, babagsak na sya sa sobrang antok.

" Missy......" muli akong napamulat nang dahang-dahang may tumapik sa balikat ko. Napatingala ako sa kanya.

" Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nya.

" L-Liam?..." napatayo ako sa kinauupuan. " Kumusta ka? Ano bang nangyari sa'yo? Bakit hindi ka na tumawag uli?" sunud-sunod kong tanong sa kanya na may pag-aalala sa aking mukha.

" Wala namang nangyari sa kin, Missy. Okay naman ako."

" Pero____________?"

" Halika, pumasok ka muna sa kwarto, doon tayo mag-usap." Yaya pa ni Liam.

Isang medyo may edad na lalaki ang naabutaan kong nakahiga sa hospital bed. Meron syang dextrose at naka-oxygen mask.

" Daddy ko." Pakilala ni Liam sa payapang natutulog na lalake sa higaan. Saka kami---sabay na naupo sa sofa." Papunta na ako sa park nang tumawag sa daan ang personal nurse ng daddy ko sa bahay. He fainted, and still unconscious ng dalhin namin sya dito. Pero, minutes later. I'm happy na he recovered kaagad from a brief loss of consciousness. Early this morning, he already complaint about tightness in his chest and severe back pain. He insisted na magpadala sa hospital hanggang nangyari na ito."

" Ano daw ang dahilan ng mga naramdam nya?" tangka kong tanong.

" Ano daw ang dahilan ng mga naramdam nya?" tangka kong tanong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon