CRAZY FIRST LOVE Chapter 15

203 13 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 15

" Gavin's constant feelings for Missy "

MISSY's POV:

May free shuttle service ang fast food restaurant ng Uncle ni Shane. Isa sa Incentives nya ito sa mga crew na panggabi ang shift, lalo na kung nakatira sa medyo malayong lugar. Sumabay na rin ako dito, since on the way naman ang lugar namin. Sa ganon, mas panatag ang loob ko na umuwi sa ganitong oras ng gabi.

Papasok na ako sa loob ng aming gate nang may humila sa akin at isinandal ako sa gate wall. Saka sya humakbang ng malapitan sa akin.

"Just tell me, Missy. Ano bang nagustuhan mo kay Liam na wala sa akin? You don't find me attractive? Why can't you like me?" he took a deep breath like he is gaining some strength just to talk to me like this.

" Gavin?..." I rolled my eyes at him. Hindi ko alam kung saan sya nanggaling. Marahil ay kanina pa syang nakaabang sa akin dito sa gate ng aming bahay. " Bakit ka nandito? It's past midnight."

I feel slightly nervous na makita sya sa ganitong oras. Nag-iisa pa naman ako sa bahay.

" Ano ba ang dapat kong gawin, para magustuhan mo ako, Missy? Sabihin mo lang, gagawin ko para sa'yo?" napakaseryoso ng mukha nya.

"Diba napag-usapan na natin ito, Gavin?"

"Hindi ako naniniwala. At ayokong paniwalaan. " Lumapit pa sya sa akin ng mas malapit. He is now a few inches away from me.

He is looking straight into my eyes at ang fierce ng mga mata nya. Ang dangerous pa ng itsura nya. Animoy may binabalak gawin.

"Teka, ..huwag kang lalapit sa akin. Binabalaan na kita, Gavin."

"Gustung-gusto kita, Missy. Please give me a chance na patunayan sa'yo yon." 

"Sinabi kong huwag kang lalapit." akma na akong paalis sa pagkakasandal ko sa gate nang harangin nya ito ng kanyang braso.

What's wrong with him? Is he drunk?

Natakot na ako na baka may gawin syang masama, kaya sa sobrang bigla ko, tinadyakan ko ang tuhod nya na agad nyang ikinabagsak.

Bumulagta sya sa semento.

Hanggang sa ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin nagre-respond ang katawan ni Gavin.

Shit! Napatay ko ba sya?

Bakit hindi sya gumagalaw?

Nagpalinga-linga ako ng tingin sa paligid. Baka kasi may nakakita sa ginawa ko at saka ako lumapit sa kanya.

"Gavin,...Gavin. Gumising ka!" tinatapik-tapik ko pa ang mukha nya. I check his pulse, pero may pulso naman sya. " Gavin, I'm not joking, okay. Kapag hindi ka tumayo dyan, I don't care kung masagaan ka ng truck!" sabi ko pa, pero hindi talaga sya nagre-react.

Ano ba itong nagawa ko? Wahhhh! Tell me, joke lang ito! Anong gagawin ko? Baka nagka-internal hemorrhage na sya.

Dali-dali ko syang hinila. Ang bigat nya! Hinawakan ko sya sa parehong magkabilang ilalim ng kanyang kili-kili, para makuha ko ang balance at dahan-dahan ko syang hinila papasok ng bahay. Sa sobrang bigat nya, natagalan akong isampa at ihiga sya sa sofa bed. Halos pagpawisan ako sa kanya.

Nakatayo lang ako at nakamasid sa kanya habang hindi ako mapakali kung ano ang aking gagawin. Napaupo ako sa tabi nya.

Tatawag na ba ako ng ambulansya?

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon