CRAZY FIRST LOVE Chapter 25

245 14 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 25

"Fireflies"

GAVIN's POV:

Minsan lang ang mga ganitong pagkakataon. So I grab the opportunity na madiskubre ang mga ganitong pambihirang sitwasyon, kasama si Missy.

Mahirap ang daan papuntang kakahuyan. Mahahaba ang damot at may makipot na parte. Tanging flashlight lang ng aking cellphone ang tumatanglaw sa madilim na paligid at ng aming daraanan.

"Nasaan na ba tayo? Nakakatakot naman dito, Gavin."reklamo pa ni Missy. "Pwede bang bumalik na lang tayo. Isang oras na yata tayong naglalakad."

"Just keep on walking, Missy. Malapit na tayo, basta sumunod ka lang sa akin. Nakikita ko na ang flickering lights sa banda doon."

"Ang dami talagang tumatakbo dyan sa utak mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang dami talagang tumatakbo dyan sa utak mo. What if, maligaw tayo? Remember, hindi natin kabisado ang lugar na ito."

"Bakit ka ba ganyan? Wala ka talagang ka-advi-adventure sa katawan. Hindi mo dapat nililimitahan ang sarili mo na gawin ang ibang bagay. Ang boring kaya ng gano'n. Mag-explore ka din paminsan-minsan."

Biglang napausog sa akin si Missy at napakapit sa aking braso nang makarinig ng mga kakaibang tunog. Nag-echo pa ito sa buong kakahuyan.

"Gavin, umalis na tayo dito." niyuyugyog na nya ang braso ko.

Ayoko syang matakot, pero ikinatuwa ko pa yata na napakapit sya sa akin ng mahigpit. It's always a good feeling, tipong secure sya sa mga bisig ko.

"Mga tunog lang 'yan ng nature. Huwag kang masyadong matakot. Kasama mo naman ako. Mas masarap pa ngang pakinggan ang mga sounds ng kuliglig at ng mga wild animals, kesa sa mga tunog ng busina ng sasakyan sa lungsod." pilit ko syang ina-uplift.

"Wild animals?!" lalo syang napakapit sa akin. Nanlalaki na ang mga mata nya.

Ilang saglit pa, narating din namin ang lugar. Ang liwanag na natatanaw lang namin kanina. Mas maganda talaga sya sa malapitan.

Who said that fairy tales aren't true?

Ngayon pa lang, naniniwala na ako. Napaka-magical lang ng nakikita namin ngayon. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon