CRAZY FIRST LOVE Chapter 26

173 12 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 26

"Love is complicated"

MISSY's POV:

Sandali na lang naming nilakad ang daan pabalik sa bahay nila Shane. Nagkakagulo na ang lahat ng dumating kami. Nagpatawag pa sila ng mga barangay tanod para lang hanapin kami ni Gavin. Nahiya naman ako sa abalang dinulot namin.

"Missy, magsabi ka ng tutuo. Anong meron sa inyo ni Gavin?" takang-taka si Aura dahil sa nangyari. Nakita nya ako na kumukuha ng inuming tubig sa kusina. Siguro hinintay nya lang din na makatulog ang lahat, bago nya ako kausapin.

"Sinabi ko naman sa'yo diba? Niyaya nya ako para makita ang mga fireflies sa gubat, tapos naligaw kami, kaya hindi kami nakabalik kaagad."

"Alam ko na 'yon. Ang tinatanong ko, kung may something na sa inyo ni Gavin? Akala ko ba si Liam ang gusto mo? Bakit parang lately, napapansin ko na iba na ang tingin mo kay Gavin?" sabay taas ng dalawang kilay nya.

Bahagya akong natigilan at natahimik.

"Hindi ko alam. Gusto ko naman talaga si Liam."

"Baka hindi mo talaga sya gusto. Dahil kung gusto mo talaga sya, matagal ng kayo, o pwede ring, gusto mo sya, sa paraang attracted ka lang sa kanya. Which is pwede mong i-categorize as crush. Ang crush, hindi pang matagalan, ang chances nya ay pwedeng mag-fade. Paalala ko lang sa'yo, huwag mong paglaruan ang damdamin nilang dalawa. Hindi ka katulad ng tatay mo."

"Bakit ko naman gagawin 'yon, Aura? Kahit nga ako, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Gusto ko pa rin si Liam, pero------------"

"Pero, 'yung tutuo, ang talagang gusto mo ay si Gavin. I think, sinasabi mo lang na gusto mo si Liam, just an observation. "

"Hindi, ah. Ayoko ngang ma-in love kay Gavin."

"Umamin ka na nga. You're making things much more complicated."

"Sometimes, there are things in life that are too complicated to explain in any form. Gusto ko si Liam, pero tumigil lang sya sa salitang gusto. Hindi ko alam. Hindi, nag-level up,eh. Si Gavin, I think, ...sya ang nagbigay ng progress to the next level. Kahit, noong una ay ayoko sa kanya. " mahirap ipaliwanag, pero ganon ko sya binigyan ng explanation. " Ahhhh!," sinabunutan ko pa ang sarili. " Kung minsan, nakaka-praning din talaga ang pag-ibig! It's confusing. Why can't love be simple?"

"Hindi sya confusing. Ikaw ang gumagawa ng confusion. Tatlo lang ang choices mo, ngarag ka na! " itinaas pa ni Aura ang isang kamay at nagsimulang magbilang sa daliri. " A, B, C lang naman yan. Si Gavin, si Liam, o kung wala naman, doon ka sa letter C.-none of the above! Pero kung sinabi mo, na mas level-up kayo ni Gavin, then nasagot na ang bumabagabag sa utak mo. Sya ang laman ng iyong puso. Ibig lang sabihin, crush lang ang nararamdaman mo kay Liam. So, It's letter A. Check!" halos mapatalon pa si Aura at yumakap sa akin. " Congrats, you got the right answer! Ayieee!"

"Teka nga. Why are you so excited? Wala namang total confirmation. Sinabi ko lang na may progress sa feelings ko kay Gavin, but it doesn't mean, sya na talaga. Gusto ko pa ring makasiguro."

" Ang labo mo talaga. What's holding you back to like, Gavin? Dahil ba sa personality and traits nya na ayaw mo? Even if you don't want to be with him. It's obvious, sya talaga ang gusto mo. Mahirap pigilan, kapag puso na ang nagdidikta, Missy."

" Kailangan ko pa rin syang pag-isipan ng mabuti, ayoko pa ring saktan si Liam. He is a dear friend to me, Aura."

"So nagwo-worry ka kay, Liam. Better, tell it now. Sabihin mo na sa kanya ang tutuo. Liam is a nice guy, at deserve nyang malaman ang tunay mong feelings, bago pa mas lumalim. Mas masakit kasi 'yon, Missy."

I can't believe she's actually giving me a piece of good advice. When in fact, wala pa naman syang hugot sa pag-ibig. Para syang Love guru. I'm very happy, na meron akong kaibigan na katulad ni Aura.

************************

Nakatulog naman ako ng bahagya, kaya may time pa akong tumulong sa pagse--set up ng birthday dinner ni Shane na gaganapin mamaya.

Simple lang ang magaganap na selebrasyon. Magmula sa pastel colors na themed sa dekorasyon, hanggang sa table settings, at pagkain na ihahain. Gaganapin ito sa malawak na bakuran nila Shane.

To be continued....( chapter 27 )

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon