CRAZY FIRST LOVE Chapter 37

166 10 0
                                    





CRAZY FIRST LOVE

Chapter 37

"Missing Missy"

GAVIN's POV:

Unang beses na hindi pumasok ngayon si Missy sa klase. I keep calling her during breaktime pero parang nakapatay yata ang phone nya. Nag-aalala ako na kagabi pa rin nya hindi sinasagot ang tawag ko.

Ano kayang nangyari sa kanya? Kinausap ko si Aura tungkol dito.

"Hindi rin sya sumasagot sa tawag at text ko, Gavin. Worried din ako sa kanya. Nahuli kasi ako ng Mommy nya kagabi. Siguro nakahalata na hindi ako lumalabas ng kwarto ng buong maghapon, kaya pinilit nya akong buksan ang pinto, wala na akong nagawa. " kwento pa nya. "Hindi ko alam kung ano na ang nangyari between them, pinauwi na kasi ako ng Mommy nya."

Nang marinig ko yun kay Aura, lalo akong nag-alala sa kanya. Kinakabahan ako. I shouldn't have let her go home without me.

Bahala na kung ano ang mangyari, pero buo ang loob ko na harapin ang Mommy ni Missy. Pinuntahan ko sya sa bahay nila after school. Tinawag ko sya mula sa labas, kumatok sa gate, at pasilip-silip sa loob ng bakuran nila, pero it seems that no one is here. I try to call her again and again pero out of reach talaga.

"Gavin, anong ginagawa mo dito? " may nagsalita mula sa aking likuran. "Walang tao dyan. " si Aura 'yon.

"Paano? Nasaan sila? Nasaan si Missy? " sunud-sunod kung tanong sa kanya. "Up to now, hindi ko pa rin sya ma-contact. "

"Hindi mo sya talaga mako-contact, dahil nowhere to be found sya. Kagabi pa nawawala si Missy. "

"Ha, hindi ko maintindihan? "

"Nakausap ko ang Mommy nya ngayon bago pa ito makaalis, naabutan ko sya dito. She said, hindi daw nya alam kung saan nagpunta, naglayas daw."

Nagulat ako sa sinabi ni Aura. Knowing Missy, never pumasok sa isip ko na magagawa nya 'yon despite of everything she's going through.

"Ganon lang? Parang okay lang sa Mommy nya na nawawala ang anak nya. "

"I don't know the whole story Gavin, so I don't want to conclude."

"Hindi kaya pumunta sa daddy nya? "

"I don't think so, sa pagkakakilala ko kay Missy, hindi nya lalapitan ang daddy nya." sagot pa ni Aura.

Then, where else should she go? At bakit nya gagawin yon? Sa anong dahilan? Ang nakakapagtaka pa, hindi man lang nya kami sinubukang tawagan o lapitan. I'm so worried about her. Napabuntung-hininga ako at kaagad na may sumagi sa isip ko.

Kahit medyo may kalayuan sa city, about fourty minutes kapag pa-motor at one hour, kapag sa jeep. Nagbakasakali ako na puntahan ang bahay ni Mang Ben.

May discomfort talaga ako sa lugar na ito, weird lang ang pakiramdam. Kahit nag-aalangan, I took the chance na makita ko sya dito. Then, there's this unusual feeling again, same pa rin when I first came here---kinda creepy. Dahil gabi na, lalong dumilim ang paligid ng loob ng bahay. Ang tanging nagtatanglaw na lang dito ay ang isang maliit na kandila sa ibabaw ng mahabang lamesa.

Hinanap ng mga mata ko si Missy. I hope she's really here. Sa paghahanap ko, nakita ko ang isang tao na nasa isang corner at nakaupo sa sirang sofa, nakapikit lang sya, habang nakasandal sa wall ang kanyang likod at ulo. I knew it, dito lang sya pupunta. Bahagyang sumilay ang ngiti sa aking mukha.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon