CRAZY FIRST LOVE Chapter 29

176 9 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 29

"Taking a Chance on Love"

MISSY's POV:

After ng weekend getaways namin sa Quezon, marami akong realization sa sarili. You can only grow into a wiser and more mature person if you try new things. Mga bagay na hindi mo naman normally ginagawa. Maging ang feelings na hindi kailangang itago. It is all about taking the risks. Okay lang matakot paminsan-minsan, kasi kapag hindi mo naramdaman 'yon, then it wouldn't be worth it.

Maybe, I will start to take a chance on love.

*************************************

"Missy,palagi kong sinasabi sa'yo na ang lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo. Keep that in your mind, okay. " paalaala ni Mommy, kausap ko sya sa video call.

"I know, Mom."

"I'm sorry na kailangang ko pang mag-extend ng another weeks dito sa site. Sobrang toxic ng management dito, so maraming kailangang ayusin. I'll make it up to you when I'm home."

"Mommy, naiintindihan ko po. " masaya na ako na nakakausap ko sya palagi online, at least hindi nawawala ang communication namin, at kumustahan kahit nasa malayong probinsya sya. Lampas isang buwan na rin pala si Mommy doon, sobrang bilis talaga ng panahon.

After naming mag-usap ni Mommy, may pumasok na ibang tawag kaagad sa aking telepono.

"So ano? Are you ready?" tanong ng kausap ko sa kabilang linya.

"Ready for what?" na-confused ako sa question nya, pero bigla akong na-excite na tumawag sya. Hearing his voice, suddenly makes my day, aside from my Mother. My heart skips with joy. Hinintay ko pa nga ang magiging sagot nya, nang makarinig naman ako ng door bell sa gate. "Hold on, check ko lang kung sino ang tao sa labas."

Kaagad akong tumungo sa garahe, sumilip saglit sa labas, bago ko tuluyang binuksan ang gate.

"Are you in?" nakangiting bati kaagad sa akin ni Gavin.

Napa-wave pa sya sa akin. Nakasakay sya sa isang pink na bike, habang hawak ng isang kamay nya ang kanyang cellphone na nakatapat sa kanyang tenga.

Kausap ko lang sya sa telepono, hindi ko akalain na nasa harap ko na din sya agad-agad. Napa-head turn tuloy ako from side to side. Mahilig talaga syang mang-sorpresa!

"Pink talaga?" bahagya akong natawa. "So, ano na naman ito, Gavin?" Binaba ko na ang phone, sabay napasandal ako sa gate.

"Wala lang. I just thought you needed a ride. Ihahatid na kita sa trabaho mo."

"Seryoso ka ba? Sa pink na bike na 'yan?"

"What's wrong with pink bike? 'Eto na lang kasi ang kulay na available sa rentahan ng bike sa park."

"At talagang nag-rent ka pa?"

"Well, na-miss ko lang din ang mag-bike. Cool pa rin naman diba?"

"Mas cool sana kung ginalingan mo rin ang pagiging stalker mo. Hindi mo ba alam na off ko ngayon sa trabaho."

"Ah!" napatingala sya at tila napaisip. "Ngayon ba 'yon? Sorry, nakalimutan ko. " sabay kamot nya sa ulo. "Eh, di mas okay, we can go around the village. We have a lot of time to rule the streets, don't you think?"

"Pag-iisipan ko pa."

"Ang bagal mong mag-isip. Pinag-iisipan pa ba'yan? ....Get on!" yaya pa nya, habang ikinakaway ang kanyang kamay papunta sa kanya.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon