CRAZY FIRST LOVE Chapter 46

85 4 0
                                    


CRAZY FIRST LOVE

Chapter 46

"I'll never get tired of you"


MISSY's POV:

Tatlong buwan na ang nakalipas, pero hanggang ngayon naga-adjust pa rin ako.

Until now, wala pa rin kaming natatanggap na tawag mula sa eye bank at sa aking Doctor. I don't know how long that wait could be. My emotions are killing me. My world has changed completely in the blink of an eye.

Kasabay ng paglaho ng paningin ko, naglaho din ang mga pangarap ko sa isang iglap lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasabay ng paglaho ng paningin ko, naglaho din ang mga pangarap ko sa isang iglap lang. Napatigil ako sa pagpasok sa school. Napatigil sa normal kung ginagawa araw-araw. Ang mga simpleng bagay na kailangan kong gawin ay kailangan ko pa ang tulong ng iba. Kailangan ko pang mang-abala.

"Kung may kailangan ka pa, Missy. Tawagin mo lang ako, okay. Maliligo lang muna ako." madahan lang akong napatango kay Tita Dang. Sya ang nag-iisang kapatid ni Mommy na pinaluwas pa nya galing sa probinsya. Kaka-graduate lang nya sa college, kaya habang naghahanap pa sya ng trabaho, pansamantala muna nya akong sinasamahan sa bahay.

"T-tita Dang.....okay lang po ba na dumalaw uli sa akin si Gavin dito mamaya? I mean,...sana hindi uli makarating kay Mommy. Kung okay lang po?" hindi ko man nakikita ang reaksyon ni Tita Dang, pero ramdam ko ang pananahimik nya ng ilang segundo.

"Missy... " hinawakan nya ang kamay ko. " Don't worry naiintindihan kita, pero naiintindihan ko rin ang Mommy mo. Kaya lang, ayokong ipagkait sa'yo ang karapatan mong maging masaya. And I think deserve din ni Gavin 'yon dahil kahit sandali ko pa lang sya nakilala, nakita ko kung gaano sya kapursigido sa'yo."

"What if Mom's find out na nagkikita pa rin kami at pumupunta pa rin sya dito?"

"Siguro,... saka na natin isipin 'yon. Ang mahalaga kung saan ka magiging masaya."

Tama naman si Tita Dang.Tutuong masaya ako kapag nasa tabi ko si Gavin. Panandaliang nawawala ang frustrations ko. Pero, paminsan-minsan naiisip ko rin. Kung napapasaya nya ako, masaya pa rin kaya sya sa relasyong ito? Mas naging controlling kasi si Mommy sa relasyon namin. Pagkatapos kong manatili ng one and a half months sa hospital, pinagbawalan na syang pumunta dito sa bahay namin. Sinisisi nya pa rin si Gavin sa nangyari sa akin. Nobody knows what will happen in the future. If anyone's to blame, it's me dahil naging matigas din ang ulo ko.

Gusto ko ng maging normal ang kilos ko. Ayoko ng iutos sa iba ang mga simpleng bagay, kaya lang kahit gaano pa sya kasimple, madalas nadidisgrasya pa din ako kapag sinusubukan kong sanaying gumalaw sa dilim. At nauuwi lang ito sa pagka-upset at frustrations ko. Napapaiyak na lang ako sa sarili. Hindi ganon kadaling matutunan ang mga bagay na hindi ka sanay at hindi mo man lang naisip na mangyayari sa'yo.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon