CRAZY FIRST LOVE Chapter 14

178 10 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 14

" Viral video "

GAVIN's POV:

" Hey bro, have you checked your social media account already?" bungad na tanong sa akin ni Luis.

Nasa bahay na ako nang mapatawag sya sa akin. Isa sya sa pinaka-close ko sa varsity team ng campus.

"Bakit, anong meron?" agad kong tanong.

" Naguguluhan lang ako ,bro. Akala ko ba, ikaw ang nanliligaw kay Missy? What's up with Liam?"

" What about him?"

"I don't know, bro. Better, kung ikaw na lang siguro ang makaalam. Tawagan mo na lang ako kung gusto mong uminom."

"Okay, sisilipin ko ang account ko , bro."

Nai-off ko kaagad ang tawag ni Luis. Napaisip muna ako, bago tuluyang mag-online. Dahan-dahang nag-scroll sa aking social media account.

Naka-upload sa campus account ang isang video na na-share ng isang estudyante sa eskwelahan. Sina Missy at Liam ang laman ng viral video. Tungkol ito sa tila confession ni Liam in public, para sa feelings nya kay Missy at ang heart shape balloon na kinakiligan ng marami sa comment section.

 Tungkol ito sa tila confession ni Liam in public, para sa feelings nya kay Missy at ang heart shape balloon na kinakiligan ng marami sa comment section

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napasandal ako sa aking kinauupuan at bahagyang napapikit. Pakiramdam ko may bomba sa loob ng aking dibdib. At anytime now, sasabog na sya.

Bakit ba ako nasasaktan ng ganito?

Hindi ko pa rin pala kayang magparaya.

Kahit alam ko sa sarili ko na si Liam ang gusto ni Missy.

I feel like, I got jilted so hard that I can't even breathe and think straight

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I feel like, I got jilted so hard that I can't even breathe and think straight.

**********************************

MISSY's POV:

" Sigurado ka ba na gusto mong mag-trabaho dito?" agad na tanong sa akin ng uncle ni Shane.

Nag-apply ako bilang service crew sa fast food franchise restaurant na ito.

"Opo, sigurado po ako."

"Pero nasaan ang magulang mo, nagpaalam ka ba sa kanila?"

"Ah.." napa-pause ako. "Alam po nila." Napakagat-labi na lang ako. Ayoko sanang magsinungaling ,pero baka kapag hindi ko ginawa ko iyon, hingan ako ng consent from my parents.

"Nasaan ba sila ngayon?"

"Ah, nasa province po ang Mommy ko. Doon po sya naka-assign sa work nya ngayon, at today din po ang flight nya."

"Honestly, hindi talaga ako tumatangap ng service crew na underage dito. If not for Shane, hindi kita iko-consider, kung hindi lang talaga sa pakiusap nya dahil kailangan mo daw talaga ng trabaho."

" Don't worry, Tito. Hardworking po si Missy. Kayang-kaya nya po ang trabaho dito." pakiusap pa ni Shane.

" Opo, madali po akong matuto. Ang lahat naman po ng bagay ay matutunan, if you put your mind to it."

Saglit na nag-isip ang Uncle ni Shane.

"Sige, payag na ako. Pero walang available sa day shift. Magiging night shift ka, same as Shane. From 5-12pm. Okay lang ba sa'yo 'yon? Baka makaapekto sa pag-aaral mo?"

" Opo, hindi ko naman po pababayaan ang pag-aaral ko. Kung nakaya naman po ni Shane, bakit hindi ko naman po makakaya? Malapit lang din po ang bahay namin dito, hindi ako masyadong mahihirapan."

" Okay. Pwede ka ng magsimula ngayon. Shane, ikaw na ang bahala sa kanya. I-train mo sya sa trabaho dito."

"Opo, Tito, don't worry."

Sobrang ikinatuwa ko ang pagtanggap sa akin sa trabaho. Inikot muna ako ni Shane sa kabuuan ng restaurant at itunuro ang mga dapat kong gawin. Usually, burgers, pastas dishes at refreshment drinks ang ini-offer ng fast food chain na ito.

"Oh my god! Viral ang video nyo ni Liam sa social media, Missy!." Napatili si Shane sa reaksyon nya nang buksan ang kanyang phone, habang nasa storage room kami.

"Ha, anong video?" kumabog ang dibdib ko. Agad akong napasilip sa cellphone ni Shane.

" Ang daming views and comments, Missy. Lahat sila kinikilig, sikat ka na!"

"Nakakahiya. Bakit ba kasi nauso pa ang internet? Lahat na lang pwedeng ipakita."

"Anong nakakahiya dyan? Ang sweet nga ng ginawa sa'yo ni Liam. Not all men would do that. Biruin mo, nag-propose sya ng date in front of many students. Hindi ka ba kinilig?"

Ngumiti lang ako kay Shane. Pero, nakakapanibago talaga si Liam.

To be continued....( chapter 15 )

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon