CRAZY FIRST LOVE Chapter 13

177 11 0
                                    

Chapter 13

" The low-key Liam "

MISSY's POV:

Mula sa sala nadidinig ko ang malakas na boses ni Mommy sa aking kwarto. Napatayo ako at napatungo dito. May kausap sya sa kanyang telepono.

" Whys is that so? Paanong hindi na-aaprove ang loan ko? Matagal nyo na akong kliyente, bakit ngayon pa? I'm expecting it! May memo na ako mula sa school ng anak ko, I need that money for her tuition fee. " saglit na nagbwelo si Mommy sa kausap. " Bago ka ba? Did you review my requirements?" patuloy pa nya. " Kung may balance pa ako, hindi ba pwedeng i-deduct nyo 'yan sa present, I just need it now!"

Disappointed ang mukha ni Mommy nang ibaba nya ang telepono.

" Mom, how can I help?"

" Kanina ka pa dyan?"

" Hindi naman po." Umupo ako sa tabi nya.

" Huwag mo ng alalahanin 'to. Makakagawa din ako ng paraan. Ang gusto ko lang gawin mo ay mag-aral ka ng Mabuti."

" Pwede naman akong lumapit kay daddy."

" Huwag mo ng asahan ang daddy mo. Hindi na sya babalik sa atin. He's not worth it na tawaging ama."

" Pero may responsibilidad pa rin sya sa atin. Nang dahil sa kanya kaya tayo naghihirap ng ganito."

Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. Gusto ko ng umiyak. Six years ago ng iwan kami ni Daddy. Si Mommy na ang tumayong ama't-ina sa akin. She's paying all the bills, mortgage ng bahay, tuition fee at pang-araw-araw na gastos namin. Ang lahat ng 'yon ginampanan nya. Although my trabaho naman sya sa isang company, pero alam kong hindi sapat.

" Don't cry." Sabi pa ni Mommy, saka nya hinawakan ang pisngi ko. "We'll get through this together. Hindi natin kailangan ang daddy mo. Kinaya nga natin for six years diba? Pinalaki kitang matapang at independent. Huwag mong iyakan ang isang bagay na makakasakit lang sa'yo."

Pinaparamdam lang sa akin ni Mommy na matapang sya, pero there are times na naririnig ko syang umiiyak at nakikitang nalulungkot.

"By the way, I'll be leaving tonight. One month akong mawawala. Meron akong ocular inspections sa mga site namin sa probinsya. Sayang naman, pandagdag din sa tuition mo ang allowances na matatanggap ko." Bahagya syang ngumiti sa akin. " Alam mo na ang dapat mong gawin, habang wala ako. Time to time tatawag ako sa'yo."

Assistant Property Manager si Mommy ng isang company na nakikipag-deal sa mga clients in the field of property management ,customer service, etc.. Kaya marami syang duties and responsibilities. Usually, nag-i-inspect sya ng mga building projects, kaya kung minsan, nag-a-out of town sya at naiiwan nya akong mag-isa dito sa bahay, pero nakasanayan ko na.

Dati-rati sinasamahan ako ni Tita Dang, ang nag-iisang kapatid ni Mommy. Pero since malaki na ako at malapit na akong mag-eighteen, sinanay ako ni Mommy na maging independent, kahit wala sya.

*************************

"Missy, bakit parang absent minded ka?" puna sa akin ni Aura, nasa school canteen kami, breaktime 'yon.

"Kailangan ko ng trabaho." Agad kong sagot.

" Trabaho?" halos sabay na nagulat sina Aura at Shane.

" Yes, trabaho. Kailangan kong tulungan si Mommy. Gipit kami ngayon. Pero sino naman ang tatanggap sa akin? I'm only seventeen. What if, magtinda ako ng kung anu-ano?"

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon