CRAZY FIRST LOVE Chapter 24

173 13 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 24

"Double Love 2"

GAVIN's POV:

Tahimik sa loob ng closet. Wala pang nagsasalita sa aming dalawa ni Shane. Masikip sa loob, kahit may kalakihan ang aparador, halos magdikit na ang katawan namin. Mainit pa at madilim. Sa mata na lang kami nagkakakitaan.

The closet is empty. Sinadya talaga naming tanggalin pansamantala ang mga naka-hang na damit dito, para walang hassle.

"Shane, humihinga ka pa ba?" pasimulang tanong ko sa kanya. Nagpapakiramdaman lang kami sa magkatapat na side.

"Malamang, kapag hindi ko ginawa 'yon, siguro wala ka ng kausap ngayon."

"Gusto ko ng lumabas, hindi ako kumportable." sabi ko pa.

"Kung kaya mong buksan ang pinto ng aparador."

Naka-lock ang pinto sa labas ng closet, kasama 'yun sa dare, until matapos mo ang five minutes. Pero may consideration naman at pagbubuksan ka kaagad, kung sakaling ikaw ang susuko at magku-quit sa loob.

"Isisigaw ko na kay Aura."

"Gavin, wait!..." pinigilan ako ni Shane at mabilis na idinikit ang mukha nya sa akin. " I like you, Gavin."

"Shane?" nagulat ako sa naging reaksyon nya, kaya agad kong inilayo ang mukha nya sa akin.

" Gavin, Ako na lang! Huwag na lang si Missy. Si Liam naman ang gusto nya, diba? Kapag ako ang ginusto mo, hindi kita pahihirapan ng ganyan, katulad ng ginagawa nya sa'yo ngayon. Gustung-gusto talaga kita." para na syang nagmamakaawa.

"Shane, please stop."

"Gavin, I like you so much." yumakap pa sya sa akin.

"Tama na Shane, please." nanatili akong kalmado at tumingin sa mga mata nya. "Huwag mong hayaang mawala ang respeto ko sa'yo. There's no other person on my mind right now, si Missy lang talaga. Si Missy ang gusto ko, at walang makakapagpabago 'non. Hindi ko lang sya gusto. Mahal ko na sya, Shane."

Bigla syang natigilan sa sinabi ko at tumahimik. Umalis sya sa pagkakayakap sa akin. Hidi na kami nag-imikan hanggang sa bumukas ang pinto ng aparador. Napatayo ako kaagad.

Hindi na sorpresa sa akin na magkakaroon ng tuksuhan paglabas namin ni Shane. Pero hindi ganon ang reaksyon na nakita ko sa mukha ni Missy. She's not used to it. Parang hindi sya masyadong nakisakay sa kantyawan. Nagsawalang-kibo lang sya at parang unpleasant sa nangyayari.

This is not what I imagined kanina. Si Missy ang nasa isip ko na makasama, pero contrary ito sa expectation ko. At sa lahat ng tao na nadoon, si Liam pa talaga ang kapartner nya sa closet.

LIAM's POV:

Missy, looks so tired. Kita ko iyon sa kanyang mga mata. Nag-observe lang ako sa kanya but she caught me staring at her.

"Anong iniisip mo?" nakuha pa nyang magtanong kahit parang papikit na ang mga mata nya.

"Yung tutuo?" saglit akong nag-preno. " Gusto kitang yakapin, Missy." seryoso talaga ako. Tumingin sya sa akin ng pailalim."Don't worry, hindi ko naman gagawin 'yon. Alam ko namang hindi pwede."

Natahimik lang sya. Hindi masyadong nag-react. Marahil nakakaramdam na talaga sya ng pagod. Mahaba-haba din ang byahe namin kanina mula sa lungsod. At naglibut-libot pa kami sa ilang lugar dito sa Quezon.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon