CRAZY FIRST LOVE Chapter 23

213 14 3
                                    



CRAZY FIRST LOVE

Chapter 23

"Double Love"

MISSY's POV:

Sama-sama kami sa isang twelve seaters na van na ni-rentahan naming magkaka-klase papuntang Quezon. May kalayuan kasi ang lugar at mahaba-haba ang byahe.

Bukas pa ng gabi gaganapin ang birthday dinner ni Shane sa kanilang hometown , pero we decided na mag-spend ng whole weekends sa kanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bukas pa ng gabi gaganapin ang birthday dinner ni Shane sa kanilang hometown , pero we decided na mag-spend ng whole weekends sa kanila. Pagkakataon na din ito, to get away from school stress at sa katulad kong nag-trabaho sa gabi.

Sa daan pa lang, excited na ang lahat. Katabi ko sa upuan sina Liam at Aura at ang isa kong kaklase. Sa likuran naman ay ang apat pa naming classmates. At isa sa unahan, katabi ng driver. Ang ingay sa van. Tuksuhan, tawanan at kwentuhan ang tanging maririnig mo sa loob. Hindi ko nga lang masyadong binigyang pansin 'yon. Nakatutok ang mga mata ko sa cellphone.

Bakit kaya hindi sumama si Gavin? Nag-expect ako na tatawag o magti-text sya. Pero walang gano'n.

Teka nga, bakit ba ako nalulungkot na hindi sya sumama? Mabuti nga 'yon , para walang nangungulit sa akin. Kasama ko naman si Aura at Liam, sabay napatingin pa ako sa kanilang dalawa.

LIAM's POV:

Ano kayang iniisip ni Missy? Nakatingin nga sya sa akin, pero parang ang layo ng isip nya. Lately, parang may nag-iba sa kanya. Dati-rati nakikita ko sa mga mata nya ang excitement kapag nagkakasama kami. Ngayon, kahit katabi ko na sya, parang nasa iba ang utak nya.

"May hinihintay ka bang tawag?" prangkang tanong ko sa kanya.

"Ha, ako?" tila napaisip pa sya. "Wala naman, Liam. Excited lang ako."

"Talaga? Ganyan ka ba ma-excite? Simula kasi kanina, hindi pa kita nakikitang ngumingiti, o nakikipag-interact sa amin?" malaman kong biro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Talaga? Ganyan ka ba ma-excite? Simula kasi kanina, hindi pa kita nakikitang ngumingiti, o nakikipag-interact sa amin?" malaman kong biro.

"Ano ba dapat ang magiging reaksyon ko, Liam. Eh, sa hindi ako mangiti ,eh." nagulat ako sa delivery ng words nya, she sounds upset of something.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon