CRAZY FIRST LOVE Chapter 16

168 10 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 16

" Crushing on Him"

MISSY's POV:

Napapapikit ang mga mata ko, habang nakikinig ng mga lessons sa klase. Konting oras lang ang itinulog ko.

" Missy, sigurado ka ba na kaya mong mag-working student? Unang gabi mo pa lang, pero parang pabigay ka na." concern na tanong ni Aura.

" Oo naman. Ngayon pa ba ko susuko, nasimulan ko na ito." Agad kong sagot.

Sakto namang nag-ring ang bell para sa huling subject namin ngayon.

" Okay, class. I'll see u tomorrow. Please study.  Meron tayong long quiz bukas." dinig ko pang paalam ng aming guro.

Naglabasan na ang lahat. Pero naiwan pa kaming tatlo sa room.

"Alam mo, mukha ka ng travelling bag. Ang laki na ng mga eyebags mo. Ilang araw ka na bang puyat?" tumayo si Aura at tumabi na sa akin sa upuan.

" Wala 'to!" saglit akong natahimik, bigla kasi akong may naalala kagabi, kung bakit lalo akong napuyat. " Si........" sasabihin ko ba? "si.........."

" Sinong si?" curious si Shane.

"Ah----------------"

" Ah, alam ko na, natuloy na ang date nyo ni Liam." Tukso pa ni Aura.

" Nagkita ba kayo kagabi? Kwento mo naman." Si Shane.

" Guys, easy lang. Paano mangyayari 'yon? Hatinggabi na ako nakauwi diba?"

" 'Yung viral video nyo ni Liam, nag-sink in na ba sa'yo? Nakakakilig kaya 'yon. Ako kaya, kelan kaya ako magkakaroon ng isang Liam?" napatingala pa sa ere si Aura, tila nagde-day dreaming.

" How about Gavin? Anong reaksyon nya sa viral video nyo ni Liam?" tila na-excite si Shane na malaman ang sagot ko.

" Wala namang kinalaman si Gavin dito, Shane. Alam naman natin na si Liam ang gusto ni Missy, diba Missy?" si Aura ang sumagot.

"Oo naman." Agad ko ring sagot.

" Pero alam din naman natin, na may gusto si Gavin kay Missy. I mean, hindi man lang ba sya nagselos?" pagklaro ni Shane.

"Why would he get jealous? Hindi ko naman sya boyfriend."

" Kahit pa. If a guy gets jealous, it could mean that he has a strong romantic feelings for you." paliwanag pa ni Shane.

Napaisip tuloy ako. Gavin, really acted strangely kagabi, pero hindi naman nya tinumbok kung bakit. Those brown-eyed monster looked last night, really scared me. Akala ko tuloy, may gagawin syang masama sa akin. Hindi nga kaya? Ayoko pa ring mag-assume.

"A jealous guy is not a guy in love, but a neurotic guy! It means, masyadong unstabled ang feelings nya. It's frustrating and destructive, diba? Kapag gusto mo talaga ang isang tao, be a man. Tanggapin mo, kung ano o sino ang gusto ng taong gusto mo." pagkontra ko sa sinabi ni Shane.

"Wow, teka nga, bakit mo naman nasabi yan, may pinanggagalingan? So tutuong nagselos si Gavin?" hirit pa ni Aura.

" Ha." bigla akong napatayo. " Ang lahat ba ng sasabihin ko, related sa kanya? Come on guys, generally speaking 'yon." depensa ko pa.

" Kung ganon....'' Tumayo din si Shane at nag-pause sandali. " Pwedeng sa akin na lang si Gavin." Tila kinikilig pa sya.

Nagkatinginan kami ni Aura. Palagi talagang sinisingit ni Shane si Gavin sa usapan. Ganon ba talaga sya kaseryoso?

" I like him so much, Missy. Since, si Liam ang talagang gusto mo. Please, i-set up mo naman ako ng date kau Gavin." pakiusap pa ni Shane.

" Ako? Bakit ako?" nanlaki ang mga mata ko.

" Bakit naman, hindi? Diba nga, mas close ka kay Gavin?"

"Hindi naman kami ganon ka-close , Shane."

"Pero mas palagi mo syang nakakausap."

"Lately lang kami nagkaka-usap. AT nangyayari lang 'yon, kapag lumalapit sya. Pero kung ako ang papalapitin mo, no way. Pero kung interesado ka talaga sa kanya, ikaw na lang magtanong sa kanya?"

"Eh hindi nga nya ako pinapansin eh. Please, Missy."

Natigilan ako. Shane seems so serious about it. Kaya ko bang tanungin si Gavin tungkol dito? Pwede ko ba syang i-consider na sign? Baka nga, Si Shane ang maging way, para mag-divert ang atensyon ni Gavin sa ibang babae.

Nasa ganon akong isipin nang biglang mag-ring ang phone ko. Mabilis kong dinampot ang aking telepono na nasa ibabaw lang ng aking desk table.

" Pwede na ba tayong lumabas ngayon?" tawag iyon mula kay Liam.

"Ngayon? ...Pero may lakad kasi ako mamaya." Naalala ko ang shift namin ni Shane sa trabaho.

" Okay lang, kahit konting oras mo lang, sapat na sa akin."

"Sigurado ka, nasaan ka ba?"

" Tumingin ka sa likuran mo?"

Nagulat ako, na makita syang nakatayo lang pala sa likuran namin.

" L-Liam? Kanina ka pa dyan?" tanong ko agad, saka nya binaba ang kanyang telepono, medyo kinabahan ako na baka narinig nya ang pinag-uusapan namin.

" Not really. Hinihintay lang talaga kitang lumabas." Nakangiti naman nyang sagot.

To be continued....( chapter 17 )

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon