CRAZY FIRST LOVE Chapter 49

93 7 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 49

"New Journey"

MISSY's POV:

Naging successful ang eye surgery ko. After two weeks, nakakakita na ako ng normal. I got to see the sunrise and sunset again.

Ngayon, mas lubusan kong naunawaan, na kahit gaano kadilim ang paligid mo, huwag kaagad mawalan ng pag-asa. Ang sabi nga nila, there's always a light at the end of the tunnel.

***********************************************

Ang sabi ng doctor, car crash ang naging dahilan ng pagkamatay ng donor ko. Mabigat sa aking dibdib, to think na kailangang pang may mawala ang buhay para mabigyan din ng buhay ang mga mata ko. Masaya ako, pero may parte sa puso ko na nagdadalamhati para sa taong tumupad sa pangarap ko na makakita muli.

"Doc, gusto ko po sanang makilala ang donor ko? " nagbalik ako sa hospital for a follow up check up.

"Ready ka na ba?" paniguro pa nya.

"I think so."

**********************************************

Iyak ako ng iyak na napaluhod sa harap ng puntod nya. Bakit sya pa? Napaginipan ko pa sya during my operation. Kahit wala na sya, pinaramdam nya pa rin na lagi syang nandyan para sa akin.

Naaalala ko ang kwento ng doctor sa akin sa harap ng puntod nya. Mga panahong kinu-convince sya ng kanyang pamangkin na ido-donate nya ang kanyang cornea.

"Are you sure na ido-donate mo ang mga mata mo sa kanya?"

"Gusto kong mag-sign ng organ donor cardholder. Possible naman po 'yon

Tito, diba?"

"Of course, pero ipinapaalala ko lang sa'yo na meron tayong batas sa Pilipinas na ang mga human transplantable organs such as human eyes tissues can only be allowed if legally and medically brain dead na ang isang tao. Syempre, hindi ko iwi-wish na mapaaga naman ang buhay mo."

"I know, Tito. Just in case lang na may mangyari sa akin at wala pang donor si Missy. When my dad died. Sobrang na-realized ko na napaka-ikli lang ng buhay ng tao. If I could change someone's life sa pamamagitan nito, I am more than willing to help."

Muling tumulo ang mga luha sa mata ko. Uncle nya pala ang eye surgeon ko. Six months ago, nagpaalam sya sa akin na babalik muna sya ng Hongkong ng mamatay ang daddy nya. Hindi ko alam na sa pagbabalik nya ay maaaksidente pa sya.

Sya ang naging sandalan ko, during the saddest time of my life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sya ang naging sandalan ko, during the saddest time of my life. Kahit gusto kong lumayo muna pansamantala sa mga taong malalapit sa akin, including him. Hindi nya hinayaan na hindi malaman kung nasaan ako. Na-convince nya ako na kailangang manatili ang communication namin. Kung sakaling kakailanganin na ako for an eye surgery, mas mabilis akong mahahagalip.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon