CRAZY FIRST LOVE Chapter 30

169 11 0
                                    

CRAZY FIRST LOVE

Chapter 30

"Figthing for Love"

LIAM's POV:

It's been a week now, after ng Quezon trip namin. Just when you thought things are going well, pero parang bokya pala. Just when you finally begin to plan something with her and get excited about it, pero hindi pala sapat at kulang pa. Parang , it seems everything goes wrong from the way you expected it to be.

Maraming hadlang, isang malaking hadlang.

"Ang tyaga mo rin talaga sa kanya. Dapat na ba akong maniwala?" prangka kong tanong kay Gavin, naabutan ko na sya sa labas ng working place ni Missy.

Napaangat ang mukha nya sa akin at agad na napatayo sa pagkakaupo mula sa back ride ng kanyang motorcycle na naka-park sa labas ng restaurant, its obvious na hinihintay nya rin ang time out ni Missy.

"Ako ba ang tinatanong mo?" nagpalinga-linga pa sya sa paligid.

"May iba pa bang tao dito?"

" Hindi yata magandang pakinggan ang sinabi mo, Liam. Hindi naman kita pinipilit na maniwala, opinion mo 'yan. Pero gusto ko lang malaman mo, walang mararating ang pagiging doubtful mo." pansin kong nag-umpisa ng kumunot ang noo nya.

"Kung may gusto kang patunayan sa sarili mo, bilang consistent hearthrob. Please lang, wag mo ng idamay si Missy. Hindi nya desrve ang masaktan. Iba sya sa lahat ng babaeng nakapaligid sa'yo."

"Tama ka, iba nga sya. At kaya ko sya nagustuhan dahil sa pagiging iba nya. Sya ang babaeng panghihinayangan mong pakawalan."

"At nakakapanghinyang din, kung sasaktan mo lang." hindi ko mapigilan ang aking sarili, everything about this Gavin thing, pagdating sa mga babae.

"Ano bang problema mo, Liam? Natatakot ka ba na palagay na ang loob ni Missy sa akin ngayon? At hindi imposibleng magustuhan nya din ako, tutal madalas mo namang ini-insist ang pagiging lapitin ko sa babae. Yun ba ang kinakatakot mo?" bahagya syang lumapit sa akin, tumingin sya ng malalim at napailing ang ulo. " Hindi kita papatulan ngayon dahil ayoko ng gulo, wag mo lang akong i-provoke." saka sya tumalikod.

"Hindi ka nya deserve, Gavin. She deserve much better than you." Hindi ko ma-contain ang emosyon ko ngayon, sasabog na yata kapag hindi ko pinakawalan. Medyo , matagal ko na rin itong kinikimkim. Sometimes, I have to think it over kung jealousy or incesurity sa sarili. I'm just human.

GAVINS's POV:

" Anong sinabi mo?" nagpintig ang tenga ko sa narinig ko kay Liam. Muli akong humarap sa kanya.

"Hindi ka nya deserve!"ulit pa nya at this time talagang pinagdiinan pa nya sa mukha ko.

Sa pagkakataong 'yon, pinakawalan ko na sya ng suntok sa mukha, bahagya syang nahagip at natamaan kaya gumanti sya pabalik. Hangang sa magpambuno na kami.

"Teka nga, anong nangyayari dito? Bakit kayo nag-aaway?" nabungran kami ni Missy sa gano'ng sitwasyon. Kaya agad syang umawat at pumagitna sa aming dalawa.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang tutuo, kung sino ang nag-umpisa nito?" agad kong turan kay Liam.

"Ikaw ang nakaisip, eh di gawin mo!" kaagad na sagot naman nya.

"Ang alin ba?!" curious si Missy.

"You really know how to play the game, Liam. You are making things much worse!"

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon