CRAZY FIRST LOVE Chapter 44

105 5 1
                                    


CRAZY FIRST LOVE

Chapter 44

" Blood Clot"

GAVIN's POV:

Sakay ng ambulansya, dinala sa pinakamalapit na hospital si Missy ng mga dumating na rescue team. Ipinasok sya kaagad sa emergency room, nilapatan ng paunang lunas at saka ni-ready for city scan. Isa si Jack na tumulong mag-assist sa rescue Service Team at para makapagbigay detalye na rin sa mga nurse at doctor na nandoon tungkol sa nangyari kay Missy.

Wala naman akong magawa ng mga oras na'yon kundi ang mag-observe lang, but I'm shaking right now. It's happening again. Yung takot ko ay muling nanumbalik sa aking dibdib, lalo pa ng ibalita ng doctor na nasa state of coma si Missy. Bakit? How could it be? I'm totally shock!

Parang tuliro ang utak ko at bigla akong na-disappoint sa aking sarili. Sana pala hindi ako pumayag, baka sakaling hindi ito nangyari sa kanya. Ilang saglit pa ay dumating na ang Mommy ni Missy. 

Pagkakita pa lang nya sa akin sa labas ng laboratory room, pasugod na itong lumapit at isang malakas na sampal sa aking pisngi ang pinakawalan nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkakita pa lang nya sa akin sa labas ng laboratory room, pasugod na itong lumapit at isang malakas na sampal sa aking pisngi ang pinakawalan nya. Napatulala ako ng ilang segundo. Bahagyang namanhid ang aking pisngi sa masakit na sampal na'yon.

"How dare you! Bakit hinayaan mo na mangyari ito? Dapat nasa hospital pa sya pero anong ginawa mo?!" bakas ang galit sa kanyang mukha.

"Mrs. Torres...I-I'm really sorry, h-hindi ko po sinasadya. " halos nauutal kong paliwanag sa kanya. "Hindi ko po ginusto ang nangyari."

"Hindi mo ginusto?! Pero pwede namang maiwasan ito! "nanggigil na sya sa galit sa akin. "Kapag may nangyari sa anak ko, ipapakulong kita! "

Hindi ko naman talaga kayang pigilan ang galit ng Mommy ni Missy, pero tinatanggap ko 'yon. Wala ng mas sasakit pa sa akin na malamang na-coma si Missy. Higit sa sampal, mas nanaig sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon, parang sasabog ang dibdib ko. At lalo pa akong kinabahan ng lumabas ang Neurologist sa laboratory.

"Tatapatin ko na kayo. Nasa dangerous level ang buhay ngayon ng pasyente. There's a huge blood clot in her brain and it's a life threatening situation."

Hindi ko alam ang mararamdaman. Natulala lang ako. Blood clot sa brain?

"Doc, hindi ko po maintindihan. Paano nangyari yon? " curious ang Mommy ni Missy.

"Ang blood clots ay pamumuo ng dugo sa ating mga veins, kaya nagbabara at nasisira ang circulation ng ating dugo. Maaaring ang causes nya ay nakuha sa matinding brain trauma, a family history of blood clots, or from a certain infections na nakuha nya mula sa kanyang pagkakasakit. May mga instances naman na sadyang hindi talaga dumadaloy ng maayos at normal ang dugo sa kanyang mga ugat." paliwanag ng doctor.

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon