CRAZY FIRST LOVE Chapter 32

175 10 0
                                    


CRAZY FIRST LOVE

Chapter 32

"Start of something new "

MISSY's POV:

Nakapikit nga ang mga mata ko, pero ang diwa ko ay lumulutang at naglalakbay kung saan. Hindi ako makatulog, napabangon ako sa aking kama at sumilip sa aking cellphone.

Hindi talaga sya nag-text o kahit man lang nag-miss call. Dati-rati naman, kinukulit na nya ako kapag meron kaming misunderstanding. Galit yata talaga si Gavin sa akin. Sobrang apektado ako sa sinabi nya kanina. Hindi naman ako slut, I feel like I'm going to die anytime now. Sobrang kabado ako na hindi na nya ako kausapin at gano'n na ang magiging tingin nya sa akin. Ayokong mangyari 'yon. Ayokong isipin nya na gano'n nga akong klaseng babae.

Oh, my god! Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba palagi na lang sya ang laman ng utak ko, lately? In love na ba ako sa kanya? In love na ba ako kay Gavin? Pero, apektado din ako sa nalalapit nap ag-alis ni Liam. Nasasaktan din ako para sa kanya.

Napatingin ako sa flower vase na nasa tabi ng aking PC. Humugot ako ng isang bulaklak mula dito at bahagyang inamoy ito. Patuyo na ang mga roses na ibinigay sa akin ni Gavin, pero ito ang panandaliang nagpangiti sa akin ngayon. Naalala ko kasi kung paano nya ito ibinigay sa akin. Sweet din talaga syang tao, kahit madalas hindi kami magkasundo.

***************************

"Hoy, ano bang ginagawa natin dito sa labas ng airport? Akala ko ba gusto mong makita si Liam?" reklamo ni Aura, kanina pa kasi kami nakatayo sa may bukana ng entrance. " Ginising-gising mo ako ng maaga, tatapos tatayo lang tayo dito?"

"Huwag ka ngang maingay, Aura. Anong oras na ba?"

"8:30"

"8:30 na?!" napatingin ako sa mga taong nagdaraan papasok sa loob ng terminal.

"Hindi mo iyon makikita sa labas. Diba, 11 am ang flight nila? So, malamang nasa loob na 'yon. Pwede naman tayong pumasok, allowed naman iyon sa terminal na ito. Halika na!" hila sa akin ni Aura na may kasamang puwersa, kaya accidentally nahila nya rin ang mini backpack ko na hindi masyadong nakasakbat sa aking likod, dahilan para tumaob ito at nagkalaglagan ang nasa loob kong gamit.

"Sorry, Missy. Ang clumsy ko talaga." Apologize pa nya habang tinutulungan nya akong pulutin ang mga gamit sa baba. "Teka, kilala ko ang may-ari ng bracelet na ito, ah!" bahagya nya pa itong itinaas habang hawak sa ere.

"Talaga?!" gulat ako na napahawak kay Aura. " Sure ka? Sino?"

"Si Gavin."

"Si G-Gavin? Gaano ka ka-sure, Aura?" paniguro ko pa.

"Check mo-----kapag may initial yan na L.A., then siguradong sa kanya talaga 'yan."

"Meron." ewan ko, pero bigla akong na-excite sa nalaman ko, kaya kaagad ko itong kinuha kay Aura.

"Eh, sigurado ngang sa kanya 'yan. One time kasi nalaglag 'yan sa kamay ni Gavin, ako ang nakapulot. Noong una, I thought it was from a different person kasi nga L.A. ang initial. But then, he told me na kapatid nya si Lester Amber. Pareho silang meron at nagpalit sila bago pumunta ng Canada ang kapatid nya. Kaya yung initial ni Gavin, nasa brother nya. Teka, ...... bakit na sa'yo 'yan? Meron ka na naman bang sinisikreto sa akin?"

"Nahablot ko kasi ito sa taong tumulong sa akin noong summer, natatandaan mo? Akala ko nga kay Liam ito. Sya kasi ang tumulong sa akin, diba?"

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon