CRAZY FIRST LOVE Chapter 27

149 11 0
                                    


CRAZY FIRST LOVE

Chapter 27

"Shane @18"

MISSY's POV:

7:00 PM nagsimula ang dinner party. May litson, at pang-ulam na putahe sa long table na nasa gilid ng bakuran. Hindi naman ganon kadami ang guests. Mostly mga close friends lang ni Shane at kamag-anakan. Dumating din sa okasyon ang Tito ni Shane, na syang nagma-may-ari ng restaurant, kung saan ako nagpa-part time.

Center of attraction ngayong gabi si Shane. Simple lang ang suot nyang pastel blue cocktail dress. Maganda din pala sya kapag naayusan. Mula sa kulot nyang buhok, tinuwid namin yon ni Aura gamit ang hair straightener comb.

"Ang ganda ni Shane." Sabi ko kay Aura na nasa tabi ko lang habang kinukunan namin ng picture si Shane.

"Mas maganda ka pa rin." may nagsalita at tumabi sa kabilang side ko.

Si Liam 'yon, sumulyap lang sya sa akin ng bahagya matapos may sabihin. Sa buong maghapon, naging tahimik lang sya, at walang kibo. Nagsalita na nga sya, pero bakit parang ang awkward naman? Hindi kaya dahil kay Gavin? Ang tanga ko naman masyado, kung hindi ko pa ma-analyze.'yon.

Ano bang gagawin ko?

Ano bang sasabihin ko sa kanya?

Hindi ko pa rin masyadong ma-figure out sa sarili ko, kung ano talaga ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni Gavin?

It's like choosing what to wear between two of your favorite dresses.

Mabuti na lang rock ang pinapatugtog na music, kung hindi sobrang senti ko na. Pero speaking of rock music, bigla na lang nag-shift ito, into a romantic slow music. Nagsitayuan ang ibang boys sa kani-kanilang table at kumuha ng makaka-partner nilang girl sa pagsayaw. Lalo tuloy naging awkward ng maiwan kami ni Liam sa isang tabi.

"Missy, can I dance with you?" malumanay na tanong ni Liam.

Tumingin ako sa kanya ng ilang segundo. Ayoko naman syang mapahiya kaya napatango na rin ako, kahit hindi talaga ako marunong sumayaw. Kinuha nya ang aking mga kamay, at ipinatong sa kanyang balikat, pagkatapos ay hinawakan nya ako sa aking bewang, at sumunod ang mga paa namin sa saliw ng tugtugin. "Magbalik" by callalily ang awitin.

"Masaya ka ba kapag sya ang kasama mo?" biglang tanong ni Liam sa akin na nakatingin ng diretso sa mga mata ko, habang nasa gitnang dance floor kami. Nagulat ako at napakagat-labi. Obviously, si Gavin ang tinutukoy nya.

 Obviously, si Gavin ang tinutukoy nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi-hindi ko masabi." agad kong sagot.

Tumahimik sya saglit.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon, Missy. It seems like I'm losing you."

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon