CRAZY FIRST LOVE Chapter 22

170 12 0
                                    


CRAZY FIRST LOVE

Chapter 22

"Love is Faithful"

GAVIN's POV:

Kapag maraming gumugulo sa utak ko, mas gusto ko ang mapag-isa. I will just head out on the highway for a motorcycle road trip. Kung minsan naman ay maglalakad-lakad lang ako sa kahabaan ng City. Sa ganitong paraan, nao-overcome ko ang doubt sa aking sarili.

Walking at night in the city helps you see things in a new light. Ang kamangha-manghang tanawin naman ng mga ilaw sa lungsod, ang sya namang magpapainit sa malamig na gabi. Palaging glowing. Sana ganon din sa tao.

Nasa ganon akong isipin nang mapatigil ako sa paglalakad. Nadaanan ko ang fast food chain, kung saan nagpapa-part time si Missy. Lumapit ako sa translucent glass door at bahagyang napasilip dito. Bagama't may ilaw pa sa loob, close na ang karatula sa pinto. It's half past ten p.m. pa lang. Bakit sarado na sila? Mas maaga ito sa inaasahan ko.

Nakauwi na kaya si Missy?

Napasandal ako sa tabing pader ng pinto at napatingala sa langit. Bigla kong naalaala ang sinabi ko kay Missy, noong isang gabi. Na magiging masaya na rin ako sa kanya, kung si Liam talaga ang taong magpapasaya sa kanya.

Although, mahirap. Pero pipilitin ko. Nangako pa rin ako sa aking sarili na kahit anong mangyari, mananatili pa rin ako sa tabi nya. No matter what, po-protektahan ko pa rin sya.

"Gavin?"....

Napabalikwas ako sa pagkakasandal nang may lumabas sa pinto at tumawag sa pangalan ko, tuloy napatayo ako ng diretso.

"Anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang-tanong ni Shane. " Kung hinihintay mo si Missy, nakaalis na sya kani-kanina lang. Mas maaga na kasi ang out namin ngayon, hanggang ten pm na lang. Sinundo pati sya ni Liam." Patuloy pa nya.

"G-gano'n ba? Okay, sige Salamat." agad kong paalam sa kanya.

"Wait, Gavin......"

Akmang palayo na ako nang muli akong tawagin ni Shane. Napaharap uli ako sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap, Gavin?" agad nyang tanong."Kahit sandali lang. May 24 hours na coffee shop malapit lang dito. Sana this time, hindi mo na ako tanggihan." pakiusap pa nya.

Nag-isip ako saglit. Sa huli ay pumayag na rin ako. Siguro nga, mas mabuting makapag-usap kami ng maayos, since hindi naging maganda ang pangyayari sa amin noong nakaraang gabi.

MISSY's POV:

" Kung hindi pa sinabi sa akin ni Aura, hindi ko pa malalaman na nagta-trabaho ka pala sa gabi." bungad sa akin ni Liam, habang sinasamahan nya ako maglakad pauwi.

Ikinagulat ko ang pagsundo nya sa akin. Siguro kaya nabanggit din ito ni Aura kay Liam dahil naikwento ko sa kanya ang nangyaring insidente sa akin the other night.

"Wala naman akong balak itago sa'yo, Liam. Wala lang talagang opportunity para masabi ko sa'yo. Palagi kasi akong naghahabol ng oras. Kaya kung minsan, sa school na din ako gumagawa ng assignments."

"Hindi ka ba nahihirapan sa schedule mo?"

"Mahirap, pero unti-unti ko na ring nakakasanayan. It's just a matter of organizing my daily schedule according to priorities."

"I'm proud of you." sabi pa nya, tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin." Pinapatunayan mo lang, that you are learning to stand on your own. It is something that not everyone can do, so it's a good thing."

CRAZY FIRST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon