His illegirl Seven

452 17 0
                                    

[Taehyung's POV]

"Buti nalang wala sila dito, matatago pa kita ng ilang araw" bulong ko sa batang karga karga ko na masarap ang tulog

Pagbukas ko ng ilaw bumungad sakin ang anim na mukha, na siyang ikinalaglag ng puso ko

"A-anong gi-ginawa niyo dito kala ko ba uuwi kayo ngayon?"natatarantang tanong ko

"Ikaw anong ginawa mo at may dala kang bata?"tanong ni namjoon hyung

Tinignan ko sila at tila naghihintay ng sagot ko

"Sino ang batang yan?"tanong ni yoongi hyung

"Ah ehh ano napulot ko?!" nagaalangang sagot ko, napatingin ako kay hobi hyung na tila kinikilala yung batang karga ko

Sabi na may alam talaga siya dito

"Wag mo nga kaming pinaglololoko kim taehyung sino ang bat--

"Daddy why so noisy?" masungit na tanong ni delaney at bumaba sa pagkakakarga ko

Tinignan ko naman silang lahat and this time literal na nakanganga sila except sa dalawang tao

Si yoongi hyung at si hobi hyung

Hinala ko yung bata papalapit sakin
"bakit mo ko tinawag na daddy?" mahinang tanong ko

"Sabi po kasi ni mommy we can call our tito na daddy" Napatango nalang ako at muli siyang kinarga. Huminga ako ng malalim

Wala ng atrasan to

"Guys! This is Sue Delaney anak ko"

"What?!!!!!" sabay na sabi ni jimin at kookie

"Pinaglololoko mo kami taehyung" natatawang sabi ni jin hyung

"Maygad daddy bakit ang ingay nila?" masungit na sabi ni delaney

"Shhhh" saway ko sa kanya

"Anak mo ba talaga yan?" tanong ni yoongi hyung, biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko

"Oo bakit hindi ko ba kamukha?" tanong ko at pinagdikit ang mukha namin ni delaney

"ewww go away!" sigaw nya sabay tulak ng mukha ko, kaya napatawa silang lahat

Nakakagigil tong anak mo yoongi hyung ha, manang mana sa ugali mo.

"Hindi mo naman kamukha, kamukha nga ni shirina noona yang bata ehh" natatawang sabi ni kookie, natahimik ang lahat at biglang nag iba ang aura ni yoongi hyung

Kung kanina bumilis lang tibok ng puso ko ngayon hihiwalay na yata kaluluwa ko sa katawan ko.

"Ha ha ha ano ba yang pinagsasasabi mo kookie ha ha ha" sagot ko

"So totoo  nga yung tinanong ni hobi hyung noon, what if buntis si shirina? May alam ka ba dito hyung?" tanong ni jimin

Nako naman, dumagdag ka pa jimin-ssi

"Wala akong alam dito" poker face na sabi ni hobi hyung

"actually delaney is m--

Bigla nalang nagwalk out si yoongi hyung

"Daddy come on i want to rest na"
Tumango naman ako sa bata

"Guys papatulugin ko muna to at tsaka ako magpapaliwanag" sumang-ayon naman sila kaya umakyat na ako sa kwarto

"Daddy tito i want my mom" Malungkot na sabi ng bata, inihiga ko siya sa kama at kinumutan

"Makakasama mo din siya pero sa ngayon dito ka muna kay tito ha" sabay kiss ko sa ulo nya

His illegirl | m.yoongi (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon